Tumigil si Andrea sa kanyang lakad at muling lumingon kay Claudia. Kunot noo siyang tumingin sa kanya. Pagkatapos ay agad din siyang umalis at napailing na lang ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ka tindi ang inggit nito sa kanya, kahit na alam niya na pareho lang silang kabit. "See you soon.. Andrea!" Naririnig niyang nagsalita muli ito bago niya sinara ang pinto ng kanyang opisina. Pagkatapos ay nabasa niya ang nakadikit sa labas ng pinto nito (PA Office/ Claudia Barreto) Pinitik ng kanyang daliri ang tag name at napangiti. Ano kaya ang iniisip ngayon ni Andrea? MAKALIPAS ANG LIMANG ARAW; Sa naka set-up na plano ni Andrea ang pagkuha ng mga gold at mamahaling alahas ni Rafael ay siyang pinaka-priority niyang ginagawa. Malakas ang loob niyang gawin iyon, alang

