“Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hawak sa saplot na soot ni Claudia, sa sobrang iksi nito ay nagawa siyang hilahin ni Rafael. Sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Rafael, ay muntik na matumba si Claudia at masobsob ang mukha nito sa upuang sinasandalan ni Rafael ngayon. Mabuti na lang ay mabilis siyang nakahawak sa sandalan. Napakunot-noo si Claudia sa sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang baywang. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin. "Hindi ah. Ikaw kasi, ginugulat

