JOBERT BAGATSING

1292 Words

Bumalik ang tingin ng lalaki sa kaliwa. Napaisip pa ito kung sasagutin na niya o hindi si Andrea. Sa oras na ito, tahimik pa ang buong paligid ng garahe, na matiyaga niyang inaabangan ang bawat kanto kapag may dumating na sasakyan, at tao na dumadaan, habang nakikipag usap kay Andrea. Samantala, hindi alam ni Andrea na alerto ang lalaking ito, alang-alang sa kaligtasan nilang dalawa. Halatang kabisado niya ang buong lugar na ito na napapaligiran ng CCTV camera. “Oo. Magkakilala tayo..." sagot ng lalaki at dahan-dahang umiikot ang ulo para ibalik ang tingin kay Andrea. "Kilalang-kilala natin ang isa’t isa Andrea. Ayaw ko lang sabihin sayo ito dahil nagpapagaling ka pa lang. Naisip ko na antayin ko na lang ang panahon na ikaw mismo ang maka-tuklas ng iyong nakaraan, at isa na ako doon.” p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD