Nakasakay na kami ng sasakyan nang makarinig kami ng mga sunud sunod na yabag. Mga lalaking nagtatakbuhan papunta dito sa parking area. “Search the area!” Utos ng lalaki na pinaka huling dumating. Nagtakbuhan ang mga lalaki sa kung saan saan habang nakatutok ang kanilang mga baril sa bawat sasakyan o sulok ng parking area na kinaroroonan namin. Sinenyasan kami ng nasa driver seat na tumahimik. Laking pasasalamat ko dahil tented ang salamin ng sasakyan namin kaya hindi kami nakikita dito sa loob. “Clear ang buong area!” sigaw ng isang lalaki sa ‘di kalayuan. “Boss, mukhang nakatakas na sila!” ani ng isa nang lumapit ito sa lalaking huling dumating. Natutop ni mama ang kanyang bibig at mahigpit ang naging pagyakap sa akin nang huminto sa tapat ng sasakyang kinaroroonan namin ang dalawa

