Hindi na kami pinansin ni Conan maya maya at nagpatuloy na rin siya sa pagkain. Tuloy tuloy lang ako sa pagpapakain kay Jared na kagaya ko ay naiilang na rin. “Ako na,” aniya nang tangka kong kunin ang baso ng tubig nang masamid siya. “Kaya ko na.” Kinuha na rin niya ang kutsara sa aking kamay at nagpatuloy sa pagkain gamit ang isang kamay niyang walang benda. Naupo na lang ako sa kama para hindi rin ako mahirapan at hinayaan na lang siyang kumain ng mag isa. Habang pinagmamasdan ko si Jared ay hindi ko maiwasang ipagkumpara ang Jared noon at ang Jared sa harapan ko ngayon. Ang daming nagbago sa kanya. Ang layo layo na ng Jared ngayon sa Jared na minahal ko noon. Sa pagkulong ko sa aking sarili sa sakit ng pagkawala ni Jannet at pagkawala ni papa pakiramdam ko ay marami akong bagay na

