Nanginginig ang buo kong katawan ng itutok ni daddy ang baril niyang hawak sa aking sentido. Umaagos ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi ko kayang ikurap man lang iyon. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mga mata. “Bakit?” sa nanginginig na boses ay tanong ko sa kanya. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig at nakatutok lang ang baril niyang hawak sa akin. “Si Amira lang hindi ba? Bakit pati ikaw? Paano mo nagawa sa amin ni mama ‘to? Bakit, dad?” Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay na nakahawak sa gatilyo. Pumikit ako dahil ano mang oras ay maaaring pumutok iyon. Pumutok ang baril ngunit hindi galing sa baril na hawak ni daddy. Ganoon na lang ang palahaw ko ng makita ko si mama. Umiiyak at nanginginig habang may hawak ring baril. Bumagsak si daddy sa sah

