Nagising ako kinaumagahan na katabi ko na si Jared sa higaan. Ang isang braso niya ay nakayakap sa baywang ko at ang isa ay ginawang unan ng aking ulo. Nang huli ko siyang matitigan ng ganito kalapit ay noong mga teenagers pa kami. Marami ng nagbago sa physical naming itsura pero si Jared pa rin noong high school kami ang nakikita ko ngayon. “Baka matunaw na ‘ko n’yan.” Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Namula na lang tuloy ako sa hiya dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. “I have dreamed of this for a long time.” Napapikit ako nang marahan niyang haplusin ang aking pisngi. Marahan na para bang tinatangay ako lalo ng matitigan ko ang kanyang mga matang puno puno ng emosyong hindi ko mawari kung ano. “Lagi kong sinasabi na gusto kong gumising sa umaga na ikaw agad ang u

