“Anak na ang turing ko sa ‘yo simula ng pakasalan ko ang mama mo. Mahalaga ang mama mo sa akin kaya mahalaga ka na rin sa akin.” Nagbaba ako ng tingin. Nakonsensya ako dahil buong pagsasama nila ni mama ay wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin. Palaging kasama dapat ang opinyon ko sa usaping dapat ay desisyon lang nila ni mama. Kagaya ngayon. “Sumunod ka sa akin. May ibibigay ako sa ‘yo,” ani Tito Randy, at nauna nang bumaba. Ilang beses akong huminga ng malalim at naglakad para sumunod sa opisina niya. “Ano po ‘to?” Inilabas ko ang mga papel sa loob ng envelop. “Iyan ang mga kopya ng mga ebidensya galing kay Peter Shin. Ikaw na ang bahalang magtabi n’yan.” Ibinalik ko sa envelop ang mga papel at sa kwarto ko na iyon babasahin. “Ano man ang maging desisyon mo. Susuportahan

