“After one hundred years dumating din!” Reklamo ni Sabrina nang dumating ako. “Sorry, traffic kasi,” tugon ko. Napahugot pa ako ng malalim na paghinga dahil sa pagmamadali kong pumasok dito sa loob ng sikat na Korean Restaurant na ito. “Akala ko lulumutin na ako dito, eh!” aniya pa. “Hey, guys! Sorry I’m late,” ani Kristha. Nagmamadali pang naupo sa bakanteng upuan. “Kakarating ko lang din,” turan ko. “Ay wow! Mabuti naman at nakasama ka na! Akala ko magsosolo na naman kaming dalawa ni Sabrina, eh!” ani Kristha. Ilang beses na kasi akong niyayaya ni Kristha para lumabas pero busy ang schedule ko ng mga nakaraang araw kaya hindi ko talaga siya mapaunlakan. “Samahan ng mga single pala ‘to for today’s video,” tumatawang sabi ni Sabrina. “Kumain na tayo gutom na ‘ko.” Ilang saglit pa

