Maaga pa lang ay dumalaw na ako sa puntod nina kuya at papa. Para lang kay kuya ang dala kung bulaklak no’ng una akong nagpunta dito. Ngayon ay mayroon na para kay papa. Inilapag ko iyon isa isa sa ibabaw ng mga puntod nila at nagsindi na rin ako ng kandila bago nagdasal. “Sorry. That’s all I can say for now. Masama pa rin ang loob ko sa ‘yo, aminado ako do’n. Pero tatay kita. At handa akong gawin lahat, mabawi lang ang pinaghirapan mo.” Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot sa tuwing bumabalik sa aking isipan ang mukha ni papa ng araw na iyon. Dilat na dilat ang mga mata habang nakasabit sa kisame ng aking kwarto. Iyon bang kung susuriin mong mabuti ay makikita mo ang matinding galit sa mga mata niya. At ang bangungot na iyon ang ayaw ko ng balikan pa. Matinding trauma at d

