CHAPTER 62

1304 Words

Pinahid ko ang mga butil ng luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Sa huling pagkakataon ay pinakatitigan ko si Monnette dito sa malayo. Malaki ang ibinagsak ng kanyang katawan. Nangingitim rin ang ilalim ng kanyang mga mata. Tanda na hindi siya nakakatulog ng maayos. “Babalik ako, Monnette. Babalikan ko kayo ni baby. Mahal na mahal kita!” usal ko. Hindi na rin ako nagtagal at bumalik na rin ako sa bahay dahil tiyak na hahanapin ako ni mommy. Mamaya na ang alis ko. Wala akong sinabihan kahit isa sa mga kaibigan ko. Mahirap umalis at magpaalam sa mga taong naging parte na ng buhay ko. Pinutol ni mommy ang lahat ng connections ko sa Pilipinas. Bantay sarado rin ako ni mommy kaya ni minsan ay hindi na ako nagtangka pang gumawa ng paraan para makontak kahit isa sa mga kaibigan ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD