Jared’s POV Monnette is my everything. My world. My strength and my weakness. She was my first, and all I thought is she was my last. But I was wrong. Ang pangakong hindi ko s’ya iiwanan. Ang pangakong po-protektahan ko s’ya ay bigla na lang naglaho. Hindi ko pala hawak ang tadhana naming dalawa. Hindi ko akalaing hahantong kami sa paghihiwalay ng landas. Ang dating masaya. Ang dating kontento na sa isa’t isa ay bigla na lang nag iba. Dahil isang araw dumating ang pagsubok sa buhay namin na hindi namin inasahan pareho. Bagay na nagpatatag sa kanya ngunit taliwas sa akin. Binalot ako ng takot at kaduwagan. Hindi ko alam kung paano uumpisahang harapin ang mga bagay bagay. At unang pumasok sa aking isipan ay ang takasan ito. Ngunit ng dumating ang oras na handa na akong humarap sa pagsub

