Isang marahang haplos ang nagpagising sa akin sa kalagitnaan ng aking pagtulog. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay si Jared agad ang nakita ko. Bumangon ako saka siya niyakap ng mahigpit. “Nagising ba kita?” wika nito habang hagod ang likod ko. “Hindi naman. Kumusta si Paula?” agad kong tanong sa kanya. “Hindi okay pero kaya naman n’ya,” tugon nito. “She’s brave and I know she can survive from all of this mess.” “Bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba masaya sa nangyari? Nahuli na sila at nakakulong na,” wika ko habang haplos ang kanyang pisngi “Masaya naman ako.” Kinuha ni Jared ang aking palad at pinaglaruan ang singsing na suot ko. “Nalulungkot lang ako para kay Paula.” Pag amin niya. “Nasasaktan ako kasi ng dahil sa pagpili n’ya sa tama tinalikuran s’ya ng lahat.” “No.” Napat

