Sunud sunod na putukan ang nagpagising sa akin ng gabing iyon. Mabilis akong tumayo para sumilip sa bintana. At doon ko nakita ang isa isang pagkatumba ng mga tauhan nina Paula kasunod ang patuloy na pagpasok ng mga kapulisan. Agad akong napatakbo sa isang sulok ng bumagsak sa sahig ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. “Possitive! Nandito si Miss Alvares!” sigaw ng lalaking naka police uniporm. May ilan pang pumasok at agad akong inalalayan palabas doon. Paglabas namin ay doon ko nakita ang maraming sasakyan ng mga pulis. May mga ambulansya pa na nakaabang at sunud sunod ang paglabas ng mga tauhan nina Paula na kung hindi sugatan ay wala ng buhay. Isinakay ako sa isang ambulansya at bago maisara iyon ay dumating si mama. May ilang mga reporters ang gustong kumausap sa amin ngunit

