Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Tahimik dito at tiyak ko na malayo ito sa lahat dahil ang tanging naririnig ko lang ay mga huni ng insekto at mga ibon. Wala rin akong naririnig na ugong ng kahit anong sasakyan o mga taong nag uusap. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Nasundan ko ng tingin si Paula habang inilalapag nito ang tray ng pagkain sa lamesang kahoy. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Don’t worry, I don’t do anything,” sagot nito at itinaas pa ang dalawang kamay. Lumapit siya sa akin at kinalagan ang aking mga kamay sa pagkakatali nito. Naginhawahan ako ng makawala sa pagkakatali ang mga kamay ko. Pulang pula na rin iyon at mahapdi na. “Kung balak mong tumakas ‘wag mo ng balakin kasi hindi ka rin makakalabas n

