“I want to go home, Jared.” Napahinto ako sa pagpasok sa kwartong kinaroroonan ni Paula ng marinig ko itong magsalita. And Jared was there. “You can. But first you need to eat and rest. At syempre magpakabait na rin. Can you do that for me?” Tipid na ngumiti si Paula at sinabayan pa ng pagtango. Magana rin siyang kumain. Sa palagay ko si Jared lang talaga ang nakakapag pakalma sa kanya. Nang maalala ko ang ginawa ko sa kanyang pangbu bwiset n’ong nakaraan ay na-guilty pa ako. Ngayong alam ko na ang kondisyon niya ay nakakaramdam ako ng awa para sa kanya. Ngunit dapat nga bang makaramdam ako n’on? Baka iyon na ang kabayaran sa ginawa nila ni Luther kay Kuya Marco noon. Hindi nga nila sinadya ngunit tumakas pa rin sila sa krimen. Nakakalungkot mang sabihin ngunit kabayaran na rin sigur

