Umihip ang malakas at malamig na hangin, tila ba niyapos ako noon. Mas lalo akong napaiyak dahil pakiwari ko ba’y si Jannet iyon at niyakap ako. Ngayon ko napagtanto ang lahat ng mga maling nagawa at patuloy kong ginagawa over the years. Ngayon ko mas naramdaman ang pagkukulang ko sa anak ko simula ng mawala siya. Ngayon ko napagtanto na maging ang sarili ko mismo ay pinababayaan ko na. Na wala na akong pakialam ano man ang mangyari sa akin dahil ang kaisa isang buhay ko ay wala na. Mas masakit pala kapag ikaw na magulang ang maghahatid sa anak mo sa huling hantungan. Ngayon ko mas naramdaman iyon. Ni wala nga akong maalala sa mga panahong nakaburol siya hanggang sa maihatid siya sa kanyang huling hantungan. Ang tanging nasa isipan ko lang noon ay ang katotohanang wala na siya. Iniwan

