Tinawagan niya ang ina para dalhin sa kanya ang kanyang personal checkbook. Tumawag din siya sa ilang kaibigan sa Maynila baka sakaling may gustong bumili ng kotse niya. May ilang bwan pang balance iyon sa banko but she can pay it in full once she finds a buyer. Makakadagdag din iyon sa pondong kakailanganin niya. In less than ten minutes her mother came and met her at the lobby. Inabot nito ang checkbook niya pagkatapos ay umalis din agad. Naisipan niyang dumaan sa accounting department para kausapin ang dalawa pa niyang staff. She doesn't want to deal with Cherry anymore. Tingin niya'y mahihirapan siyang pasunurin ito at wala siyang balak isama ito sa mga poproblemahin niya. Ikinagulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay naroon si Nathan. Cherry was crying at tila inaalo ito ng binata

