bc

Love Me Again (Completed)

book_age18+
28.3K
FOLLOW
126.7K
READ
family
second chance
independent
brave
boss
male lead
campus
city
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Liam was her high school crush. Pero ang pinsan nitong si Nathan ang may gusto sa kanya. Trying to be close to her, pumayag si Nathan na si Liam ang escort nya sa prom.

Along the way, she fell inlove with Nathan at naging boyfriend nya ito. Ngunit kasabay ng pagtataksil nito sa kanya, isang pangyayari sa kanilang pamilya ay naging dahilan para lisanin ang Mindoro. Iniwan niya si Nathan ng walang paalam.

Six years later she had to go back to their town to negotiate with the Delgado about his father's debt. Nagkita silang muli ni Nathan.

Would they forget the pain of the past? O mas nabuksan nito ang sakit ng dating pagibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 "Hindi ka pa ba tapos magbihis?  Naiinip na ang driver sa atin," wika ni Tanya na kanina pa din naiinip.  Alas sais y media na at papasok sila ng eskwela.  May trisekel silang service tuwing umaga kasama ng dalawa pang estudyante ng San Nicholas College sa Mindoro. "Eto na inaayos ko na lang ang gamit ko," at nagmamadali na din siyang kumilos.  Pagkatapos isilid sa bag ang mga libro ay nagsuot na siya ng sapatos. "Hay naku, Louisiana! Kahit kelan napakatagal mo kumilos, " naiinis na wika ng kaibigan.  Nagmadali na din itong lumabas ng kanilang bahay at sa trisekel na din naghintay. Tanya is her childhood bestfriend.  At dahil kapitbahay lang din nya ito ay iisa ang kanilang service pagpasok sa eskwelahan.  Pareho silang nasa 4th year high school. Paglabas nya ng bahay ay ni-lock niya ang pinto sa labas.  Ang magulang nya ay naunang umaalis dahil mas malayo ang pinapasukan ng mga ito.  Her father is an accountant in Delgado Group of Companies or DGC,  who owned beach resorts in Puerto Galera and other parts of Mindoro.  Ang ina naman nya ay may shop ng mga damit sa isang kilalang mall sa kanilang bayan. "Natapos mo na ba yung report natin sa Feasibility Studies?"  tanong ni Tanya sa kanya habang nasa loob ng trisekel. "Oo naman, ala una na halos ako natulog ng madaling araw no,  kaya ako na-late gumising," kunyari ay pairap nyang sagot kay Tanya. "Naku, oa mo ha, e lagi ka naman talaga namin hinihintay. Ikaw lagi ang nahuhuli sa service natin.  Masyado ka kasi nagpapaganda e mas okay sa'yo yung natural na beauty." Ngumiti sya sa sinabi ng kaibigan.  Sa totoo lang, isa sya sa may magandang mukha sa kanilang eskwelahan.  Lagi siyang nakukuhang muse sa mga liga ng basketball at naging face of the night sa prom noong  3rd year high school sila.  Madami din siyang manliligaw.  Isa na dito si Nathan Delgado. Nathan is the son of Romulo and Cordelia Delgado, owners of Delgado Group of Companies.  Tatlo ang anak ng mga ito,  si Homer, na may sarili nang grocery chain sa kanilang bayan at Tina na isang Pediatrician ngunit naka-base sa Singapore kasama ang asawa at mga anak.  At si Nathan na ngayon ay kasalukuyang nasa kolehiyo ng San Nicholas taking up Agriculture.  Delgado Group of Companies ay pag aari ng dalawang magkapatid na Romulo and Alex Delgado.  Pagaari ito ng kanilang mga magulang na ngayon ay mga nag-retiro na,  at si Romulo ang pumalit bilang CEO.  Bukod sa panganay ito kay  Alex, ang huli ay isang lawyer at hindi nito gusto ang magpatakbo ng kumpanya.  Though he is receiving his profit share,  hindi nito pinakikialaman ang pamamalakad ng kumpanya.  He has his own law firm.  He also have a son, Liam, and a daughter, Sarah, na pareho pang nag aaral ng college sa San Nicholas.  Liam is her childhood crush. "Ano nga pala ang balak mo sa prom natin,  may escort ka na ba?" basag ni Tanya sa katahimikan nya.  One week from now ay prom na nila.  One month after naman ay ga-graduate na sila ng high school. "Wala pa.  Tinapos ko muna yang Feasibility na yan kaya pinagpuyatan ko na kagabi."  Pero nung naisip niya ang mukha ni Liam ay napangiti siya. "Naku, Louisiana,  itigil mo na yang pangarap mo kay Liam dahil ang balita ko may bago ng niligawan ulit sa College Department."  Kilalang kilala siya ng kaibigan dahil alam nito kung gaano nya ka crush ang lalaki mula noong bata pa siya.  Lagi niya itong nakikita sa company events kapag sinasama siya ng kanyang ama. "Kay Nathan ka na lng,  gwapo din naman yun.  At least 'yon may gusto sayo.  Si Liam ni halos di ka kilala sa dami ng gustong idate sa school," wika pa ng kaibigan. "Naku, si Nathan?  Ni hindi nga nagsasalita yun tuwing magkikita kami.  Lagi lang nakatingin.  Tska alam mong di ako mahilig sa moreno.  Anlayo ni Liam sa kanya no." Pagtatanggol nito sa crush "Babaero naman, hmmp di ko gusto si Liam para sayo.  Maya't maya iba nababalitang girlfriend," pairap na sabi ng kaibigan Sobra ka naman.  Mga babae kasi ang nagkakagusto, kinakaibigan lang niya.    Hindi naman lahat totoo yun," pagtatanggol pa din niya dito "Basta, ayoko sa Liam na yun.  Kaya itigil mo na yang pangarap mo sa kanya di ka rin naman gugustuhin nun dahil bata pa tayo.  Puro mga college na ang mga dini-date nun." Pababa na sila ng service kaya hindi na rin siya sumalungat sa kaibigan.  Pero sa ilang pagkakataon na nagkikita sila ni Liam sa opisina ng ama nagkakaroon sila ng pagkakataong mag-usap.  At kinikilig na siya sa simpleng pag-alalay lang sa kanya sa hagdan. Binaybaybay nilang magkaibigan ang campus patungo sa high school department.  Ang San Nicholas College ang isa sa pinakatanyag na kolehiyo sa buong Mindoro.  May kinse minutos na byahe lang ng trisekel mula sa kanilang bahay.  Dito nag aaral ang karamihang anak ng mga pulitiko at mga tanyag na tao sa kanilang bayan.  Hindi sila mayaman pero naitataguyod naman ng kanyang mga magugulang ang pagaaral nya sa San Nicholas.   Ang kanyang amang si Greg ay halos dalawampung taon ng Accpunting Head sa DGC.   Maayos din ang kita ng kanyang ina sa shop nitong RTW.  Natapos ang buong araw sa eskwelahan.  Nag meryenda muna sa cafeteria si Louise, Tanya at dalawa pang kaibigan na si Marie at Emily.  Sa paghahanap ng mauupuan ay nahagip ni Louise ng tanaw si Nathan na kumakain din kasama ng mga kaibigan nito.  Nakatitig ang binata sa kanya na wari ay kanina pa nakatingin.  Marahil ay nakita na nito na papasok sila ng cafeteria. Umiwas agad siya ng tingin na kunwaring walang nakita.   Hindi niya gusto si Nathan.  Hindi sa ano pa mang dahilan.   Hindi lang siguro nya type ang moreno.  At magkaiba sila ng personality.  Though many of her friends say he is good looking, masyado itong tahimik.  Unlike Liam who is very friendly,  Nathan is a man of few words.  Maraming beses nya na rin ito nakita sa mga company events ng DGC kasama ng pinsan nitong si Liam.      While Liam is very friendly to her,  Nathan is very distant.  Nagulat na lng siya noong birthday niya dahil nagpadala ito ng roses and chocolates with a note "I like you".  As simple as that. That was a month ago.  At katakot takot na pang aasar ang natanggap nya sa kaibigan.  From then on she would notice Nathan seeing her from afar.  Watching her.  Na agad ay umiiwas sya.  Siguro kung si Liam ang  ganito ay magtatatalon sya sa tuwa.  But Liam is busy flirting other girls for now. "Ahemm.. mukhang may nakatanaw sa atin." Inginuso ni Emily ang kinaroroonan nila Nathan.  "Sa atin ba o sa isa lang diyan," dagdag na biro ni Tanya.  "Bat di mo pa kasi i-date,  mayaman na gwapo pa.  Hindi na lang magiging accountant ng DGC ang Dad mo,  magiging may-ari ka na din uyyy... " "Ano ba kayo baka may makarinig sa inyo nakakahiya,"  nakayuko niyang sabi umiiwas na mapatingin sa binata.  Umupo sya kung saan nakatalikod sa binata para hindi makita ang pagtingin tingin nito sa kanya. "Kung sa akin lng magkagusto yang Nathan na yan naku wlang isang salita sasagutin ko kaagad yan," wika naman ni Marie. "Kaso wala siyang hilig sa dambuhalang katulad mo!" pabirong sabi ni Tanya dahil sa pagiging chubby ni Marie.  At nagtawanan silang lahat.   "Di bale nang dambuhala may lovelife naman ako.  O kayo meron ba?" pagyayabang nito.  Sa totoo lang sa kanilang apat ito lang ang may boyfriend na may dalawang taon na. "O ano na, Louise, wala ka nang nasabi jan.  Since wala ka pa namang escort bat di na lng si Nathan ang kuhanin mo.  Ayan lang sa kabilang table o, for sure available yan pag tinanong mo," basag ni Marie sa pananamik nya.  Sa kanilang apat siya na lang ang wala pang escort. "Gusto mo ako na magtanong kung pwede siya?"  sulsol naman ni Emily na  nakatingin sa binata. "Uy, ano ba wag ka nga tumingin dun.  Basta si Liam ang gusto kong escort ngayong prom," halos pabulong niyang sabi sa mga kaibigan.  "Huwag  nyo na ipilit sa kin yang Nathan na yan ayoko ma-bore sa prom, ni hindi ata marunong magsalita yan. " At dahil pinili nyang umupo kung saan nakatalikod sa grupo ng binata, hindi nya nakita na papalapit na ito sa kanila at malamang narinig ang sinabi nya.  "Hi" bati nito sa kanilang apat ngunit kay Louise ang tingin nito.  "Narinig ko ata yung pangalan ko.  May maitutulong ba ako?" Yumuko ito at isinandal ang dalawang kamay sa mesa at tumitig kay Louise habang naghihintay ng sagot sa dalaga. Louise composed herself.  "Ah..  ang ibig sana namin sabihin kung pwede mo matanong si Liam kung available siya sa prom next week?"  Biglang nasabi nya sa binata at nakita nya ang pagsimangot nito sa narinig.  Hindi rin niya alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig niya.  Pero ayaw niyang isipin na nagsisisi sya sa nasabi. "Oh, well...  sure. I'll ask him."  Sumenyas na ito sa kina Emily na aalis na.  Paglabas ng binata sa cafeteria ay gusto nyang habulin ito at mag sorry.  "Oh my..  Louise!  Anong sinabi mo?  Gosh! Nakakahiya dun sa tao!  May gusto sa'yo yun tapos itatanong mo kung pwede yung pinsan nya ang prom date mo?"  Si Emily na nagulat sa nasabi niya.  She can't look into her friend's eyes.  Somehow she felt the guilt for doing that to Nathan.  "Really, Louise?"  Sambit naman ni Tanya.  "I didn't know you were that rude.  Nakakaawa yung tao.  To think anak ng may ari ng DGC yun!" "Oh yeah, i forgot!  Oh gosh, what did I do.  Ano na lang sasabihin ni Dad."  Ngayon nya na-realize na mali nga ang nagawa nya.  "Nagulat at napahiya lang ako na andyan na siya bigla kaya ko nasabi yun" "You have to apologize, friend,  napahiya yung tao kasama pa naman ng mga kaibigan.  Namula yung mukha nakita mo ba?" simpatya ni Marie.  "Andyan pa naman yun sa campus pwede mo pa kausapin." "Ayoko mapahiya pag nag sorry ako.  Tska baka wala lang naman sa kanya yun.  Pag-eescort lang naman sa prom ang pinag-uusapan natin di ba," pagtatanggol niya sa sarili "Ikaw ang bahala, pero kung ako magso-sorry ako sa kanya.  Di ko naman kasi maintindihan sayo bakit mo nagustuhan yung playboy na Liam na yun."  Nagligpit ng mesa si Emily ng mga pinagkainan nila ng snacks.  "So pano, anjan na ang sundo ni Marie, at ako din kailangan ng umuwi."  Kinuha na nito ang bag at tumayo. "Uuwi na din ako, sasabay ka ba Louise?"  Tanong ni Tanya sa kanya.  Sa umaga lang sila may service dahil iba-iba ang oras ng kanilang klase ng iba pang estudyanteng kasabay nila tuwing umaga. Kalimitan ay sinusundo na lang sya ni Greg sa hapon pagkagaling nito ng DGC.  Minsan naman ay tumutuloy sya sa mall para puntahan ang inang si Precy upang dito sumabay ng uwi. Tinext niya ang ama kung masusundo ba siya nito.  "Mauna ka na,"  sagot niya kay Tanya.  "Hintayin ko lang ang reply ni Daddy baka sunduin ako." Habang nakaupo ng bench ay natanaw nya si Nathan na naglalakad kasama ang barkada nito na wari ay palabas na din ng campus.  Huli na para umiwas ng tingin dahil nagkatinginan na sila ng binata.  Ngumiti sya ng bahagya tinatantya kung galit ba ito.  But he smiled back.  Kahit paano ay nahimasmasan siya. "Hi.." alanganing sambit ni Louise na nginitian pati mga barkda nito.  "Pwede ka bang makausap sandali?"  "Sure.  Pauwi ka na ba?  Pauwi na ko isasabay na kita." Nathan smiled na nakita ng bahagya ang dimples nito.  Tama nga ang mga kaibigan nya.  Gwapo pala ito pag malapitan.  The tall, dark and handsome kind.  "Naku hindi na, susunduin naman ako ni Daddy.  Gusto ko lang mag-apologize sa nasabi ko kanina"  lakas loob niyang sabi "Hmmm..  yeah..  medyo nasaktan nga ako.  Pero pwede ka naman bumawi.  Kailangan pumayag kang ihatid kita sa inyo ngayon.  Hindi ka din naman masusundo ng Daddy mo dahil ang alam ko may financial report silang pag-uusapan ni Dad para sa presentation sa board meeting sa Lunes."  Sumenyas ito sa mga kaibigan ng pagpapaalam.  "Hintayin mo ko dito kukunin ko lang yung kotse."  Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ito at pinuntahan ang kotseng nakapark sa di kalayuan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
287.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.8K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.6K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Unwanted

read
511.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook