Chapter 2

1355 Words
CHAPTER 2 Binuksan ni Nathan ang front seat at sumakay siya.  He too is a gentleman like Liam, sa isip nya.  He is also a careful driver.  Banayad lang magmaneho. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong matitigan ito ng malapitan.  Ano nga ba ang height nito?  Halos umabot lang siya sa balikat nito kahit 5'5" na siya.  He also has dark eyes na pag tumitig sayo ay matutunaw ka.  At ang pabango nito ay nakakadagdag din sa s*x appeal nito.  "Tapos na ba ang pagsusuri mo sa akin, Ms. Bartolome?" may panunuksong tanong nito sa kanya.  Oh my... and when he smiled he can make girls go crazy.  Ayaw niyang ipahalata.  At nagtataka siya sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman nya ngayon.  "I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin niya.  "Ngayon lang kasi kita nakita ng malapitan".  It was partly true. "Gwapo naman ba ako tulad ni Liam?  Nagbago na ba ang isip mo na ako na lang ang escort mo imbes na siya?"  patuloy nitong panunukso sa kanya. "Hindi ah," yun lang ang sinagot nya at tinuon ang paningin sa daan.   Pero nakita nya ang pagpalis ng ngiti sa mukha nito. Gustong itanong ni Nathan kung ano ang ibig sabihin ng "hindi ah".  Na hindi ba sya gwapo sa paningin nito? O hindi nagbabago ang isip nitong maging escort si Liam? "Totoo palang crush mo ang pinsan ko,"  Nakatuon na din sa daan ang tingin nito at di na lumilingon sa kanya. Hindi siya sumagot at nagkunwaring busy sa pagbabasa sa kanyang cellphone.  Ilang sandali pa ay natatanaw nya na ang kanilang bahay.  Pagtapat ng gate nila ay agad niyang pinihit ang pinto ng kotse pero nakalock ito.  Bago pa sya makalingon sa binata ay nakababa na ito at papunta sa gawi nya at binuksan ang pinto. "Thank you sa paghatid," nakangiting wika nya kay Nathan.  Bahagya lang itong ngumiti sa kanya.  Hinawakan nito ang mukha nya at tumitig.  "Huwag kang mag alala.  Ipaparating ko kay Liam ang request mo."  Pagkatapos ay tumalikod na ito at bumalik sa sasakyan. Gusto nyang habulin ito para bawiin ang sinabi pero umandar na ang kotse.  Hindi nya maintindihan pero may paghihinayang siyang naramdaman.   Nang hindi na matanaw ang kotse ay pumasok na siya ng gate ng kanilang bahay.                           ******     "Hey bro, what's up".  Wika ni Liam pagkakita sa kanya sa garahe.  Galing ito sa loob ng kanilang bahay.  Madalas ito sa kanila kapag gusto nitong maglaro ng billiard o ng basketball.  Magkatapat lang ang bahay ng kanilang mga magulang sa isang sikat na village sa kanilang lugar.  "San ka ba dumaan?  Halos magkasabay lang tayong nakaalis ng parking kanina pero ngayon ka lang nakauwi." "May hinatid lang ako, bro." Sumandal siya sa kotse at nakatanaw sa tubig sa pool. "Mukhang seryoso yan, bro,  sino ba ang hinatid mo?" Lumakad si Liam patungo sa pool area kung saan may upuan at maliit na mesang bakal.  Sumunod si Nathan sa kanya. "Si Louise.  Nakita ko kasi sa campus kanina naghihintay kay Mr. Bartolome e alam kong gagabihin sila dahil sa board meeting sa Lunes." "Si Louise?  Di ba type mo yun, bro?"  Tumayo ito at humingi ng juice sa katulong at bumalik agad sa pool area.  "Dini-date mo na ba?"  pabirong wika nito kay Nathan. Halos magkapatid ang turingan nila ni Liam.  Bata pa lang ay lagi na silang magkasama.  Madalas ito sa kanila hanggang ngayon pati ang kapatid nito. "Paano ko idi-date.  Kanina ko lang lakas loob na nalapitan.  Alam mo kung ano ang request? Ikaw!  Kung pwede ko daw ba sabihin sayo na maging prom date nya next week.  Unbelievable!" "Oh no no no...  Nathan."  Depensa agad ni Liam.   "Alam mo yan.  Hindi ako tumatalo ng kapatid.  Kung gusto mo siya, sayo un.  Nagkakausap kami minsan sa DGC, pero walang ibig sabihin un, bro." "Alam ko naman yun.."  mahinang sagot niya.  Kahit paano ay nakaramdam siya ng selos sa pinsan.  Kung ano ba ang meron dito na nagustuhan ni Louise. "Find another girl kung ayaw sa'yo.  Andami diyan, Nathan.  Nagkakandarapa pa sayo.  Bigyan mo sila ng pansin.  Look at me.  Kinakaibigan ko silang lahat."  "Hindi ako tulad mo, Liam.  Seryoso ako pagdating sa pakikipagrelasyon."  Dinampot nito ang isang baso ng juice na hinain ng katulong at dere deretsong nilagok.  Kung gaano kabilis magpalit ng girlfriend si Liam,  sya naman ay napaka sersyoso pagdating sa relasyon.  "Easy, bro.  Hindi naman ako papayag na maging escort nya kaya may pag-asa kang ikaw ang piliin.  May one week ka pa para suyuin.  Ihatid sundo mo tutal halos pareho lang ang schedule nyo,"  payo nito sa pinsan. "But I want to make her happy.  Iniisip ko kung pwedeng pumayag ka na lang maging escort nya.  Tutal ang sabi mo hindi mo naman type, at least safe siya sayo,"  suhestyon nya kay Liam "That's unfair to you, bro.  I won't do that.  Besides,  i am eyeing on someone.  Pano pag nakita nya din kami ni Louise baka lumabo pa ang lagay ko dun," pagtanggi ni Liam.  Alam niyang nililigawan nito ang muse ng basketball team ng Engineering Department. "Please, Liam.  Minsan lang to.  I just want to see her happy.  Pagtapos nito ako na ang bahala," pamimilit pa rin nya sa pinsan "You're crazy.  Kamartiran yan, Nathan, ha,  hindi uso sa atin 'yan.  Andaming babae diyan na pwede mong i-date.  Ihahanap kita."  Si Liam na ayaw pumayag sa suhestyon nya. "Ok, bro, let's do one on one." Kinuha ni Nathan ang bola ng basketball at hinagis kay Liam na agad naman nasalo.  "If you win, i will treat you and your girl on a cruise.  But if i win,  you will be Louise' escort next week.  Deal?"  paghahamon nito kay Liam "You're really crazy about this girl, Nathan."  Hindi pa rin makapaniwala  si Liam sa pinsan.  "It's a good deal, bro.  Asian cruise this sembreak.  Pero syempre kailangan mo ako talunin."  Alam ni Liam na magaling ang pinsan sa basketball kumpara sa kanya.  Pero tulad ng sinabi nito, it is really a good deal between a cruise and a night being an escort to Louise on her prom. Sa pamimilit ni Nathan ay napapayag din siya.  Out of five rouds, dalawang beses lang siyang nanalo.  "You know your ways how to win, Nathan.  Pero bakit kay Louise natotorpe ka?"  Tanong nito sa pinsan "Alam mo naman wala pa akong nililigawan sa tanang buhay ko, bro.  And if I do, i'll make sure she is the one.  Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon," seryosong sagot nito "Okay...  Since this deal is done,  ako na ang bahala, cousin.  Ibi-build up kita kay Louise.  Pagkatapos ng prom na yun titiyakin kong magugustuhan ka nya" pagtitiyak ni Liam sa kanya "Thank you, bro.  I owe you this one."  Pag-alis ng pinsan ay hindi pa rin mapakali si Nathan.  Hindi niya tiyak kung tama ang ginawa nya.  Alam niyang hindi magkakagusto si Liam kay Louise.  His cousin prefered voluptuous women.  Louise is petite.  At ang tingin ng pinsan dito ay bata pa.  They are both twenty one.  While Louise is only sixteen. Pero ang kinakatakot nya ngayon ay ang damdamin ni Louise para sa pinsan.  He would be her prince charming.  Her first dance.  Baka lalo itong mahulog dito.  That thought breaks his heart.  Pero kailangan nyang panindigan ang deal nila ni Liam.  If this would make Louise happy then be it,  pangungumbinsi nya sa sarili.  Pumasok siya sa bahay at dumeretso sa kwarto.  Binuksan ang drawer at kinuha ang larawang nakatago doon.  Amarah Louise.  Her eyes so sweet and innocent.  Straight black hair na  pwedeng maging commercial ng shampoo.  Ang larawang ito ay kuha nya noong nagkaroon ang christmas party ang DGC.  Isa sa mga hilig nya ang photography at pinagipunan talaga niya ang magandang camera na halos daang libo ang halaga.  At mula ng masilayan nya ang mukha ni Louise isa na ito sa mga paborito nyang subject. Last month ay nalaman niyang kaarawan nito nung nagpaalam si Mang Greg na maaga itong uuwi para sa dinner ng pamilya.  Then he searched for their address from company's file at nagpadala ito ng bulaklak sa dalaga.  He had never courted any girl in his entire life.  Pero desidido siyang kaibiganin at suyuin si Louise kahit ang gusto nito ay ang pinsan nya.  It was just a crush anyway.  He will make her fall inlove with him, saad niya sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD