Chapter 3

714 Words
Pumasok na sa bahay si Louise at nilapag ang mga gamit sa sofa.  Kumuha ng malamig na tubig sa ref, nakatanaw sa hardin habang nakasandal sa pinto ng kanilang bahay.  There were roses, santan, rosal at kung ano ano pang halamang namumulaklak.  Pero wala doon ang isip nya.  Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Nathan.  From a sweet face kapag napapangiti ito, o yung seryosong mukha kapag nababanggit nya dito si Liam.  At nang hawakan siya nito sa mukha kanina ay napapigil sya ng hininga.  She didn't know Nathan's s*x appeal until today.  Mas malakas ang dating kay Liam.  Nagkamali din siyang iassume na suplado ito.  He is a sweet gentleman goodlooking guy.  Napabuntong hininga siya.  Sanay hindi nya na lng sinabi dito na gusto nyang maging escort si Liam.  Naghanda na ng hapunan si Louise.  Alas sais y media na at maya maya pa ay dadating na ang mga magulang.  Sanay siya sa pagluluto dahil kadalasan ay busy ang mga magulang sa kanilang trabaho.  Nag--iisa lamang siyang anak.  Ang kaniyang ama ay tubong Mindoro habang ang kanyang ina ay sa taga Batangas.  Mula ng pinanganak siya ay dito na sila namalagi.   Ang kanilang kapitbahay ay halos mga kamaganak din ng kanyang ama. Nakarinig siya ng katok sa pinto,  more or less ay alam nya na kung sino ito.  "Wag ka ng kumatok alam mo naman bukas yan lagi para sayo,"  biro nito sa kaibigan.  Tuwing hapon tumatambay ang kaibigan nya sa kanilang bahay.   Halos magkapatid na ang turingan nila. Abot tenga ang ngiti nito sa kanya. "Nakita kong hinatid ka ni Nathan,  uyy ano un ha.."  may himig na tukso ang tanong nito. "Nagmagandang loob lang yung tao.  Nakita kasi niyang hinihintay ko si Dad e may meeting pala sa DGC kaya gagabihin."  Iniiwasan nito ang tingin ni Tanya "E anong sabi,  nag-offer ba na maging escort mo?"  deretso pang tanong nito. "E di ba nasabi ko nga na si Liam ang gusto kong maging escort ko?  Sasabihin daw nya,"  aniya. "Ano?  Pumayag siyang si Liam na lang ang escort mo?  Akala ko ba may gusto sa'yo yun.  Ang labo naman." "Ewan ko ba dun,  e di kung totoo yung sinabi nyang sasabihin nya talaga kay Liam at pumayag e di swerte.  Di ba yun naman ang gusto ko."  Pilit syang ngumiti "Parang di ka ata masaya ampait ng ngiti mo,"  pansin ni Tanya sa kanya.  "Anong ampait ka dyan,"  pagtatanggi niya na kunwari ay busy sa kusina "Hoy! Louisiana, pwede ba wag mo ko linlangin.  Kanina pa kita pinagmamasdan nakatayo ka sa pintuan nyo ang lalim ng iniisip.  At parang di na ko kumbinsido na si Liam pa din ang gusto mong maging escort,"  panunukso pa din ng kaibigan "Hoy ka rin,  si Liam lang ang crush ko alam mo yan.  Basta sana pumayag si Liam para wala na akong problema sa escort."  Mariin pa nyang sabi para maniwala na ang kaibigan. "Ako kaya, pwede ko bang irequest kay Nathan na sya na lang ang escort ko?"  Hinahalo nya ang nakasalang na adobong manok para sa hapunan ng biglang napabaling sa kaibigan.  Tinatanya kung seryoso ba ito.  Well,  may mga manliligaw din naman si Tanya.  A morena beauty kahit hindi ito katangkaran. "Akala ko ba may escort ka na.   Nag backout ba si Marlon?"  Ang tinutukoy nya ay ang isa sa masugid na manliligaw nito "Escort ko na yun last year e.  Iba naman ngayon." "Bakit gusto mo pa ng iba?  Bat di mo pa kasi sagutin yun e taon na ang panliligaw sayo.  Tska nakakahiya lagi na nga nakabuntot sayo yun tapos bigla iba gusto mong escort,"  kunyari nyang sabi.  Pero ang totoo ayaw nyang maging escort ng kaibigan si Nathan.  Naging possessive ata syang bigla? "Yung totoo, best,  wala ba talagang appeal si Nathan sayo?" seyoso nang tanong ni Tanya "Hmmmm.. yung totoo nagkamali din ako ng pagkakakilala ko sa kanya.  Tuwing nakikita ko kasi sa DGC yan dati laging umiiwas na akala mo suplado.  Mabait naman pala at gentleman."  Pag-amin nya "Yun naman pala e.  Bigyan mo ng chance.  Mas gusto ko si Nathan para sayo.  Feeling ko pag kay Liam iiyak ka lang.  Napaka playboy nun eh!"  "Ikaw talaga kung ano ano iniisip mo.   Hindi pa naman ako  magboboyfriend mga bata pa tayo,"  kunwari biro nya.  "Magtatapos muna tayo ng college bago ang boyfriend boyfriend na yan" "Tama ka diyan, friend, career muna bago lovelife!" At nagtawanan silang dalawa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD