Chapter 4

1413 Words
Pauwi na ng school si Nathan nang maisip nitong dumaan ulit sa high school department, umaasang makikita si Louise. Kung tutuusin may isang subject pa siya pero pasahan na lang ng report kaya pinakisuyo nya na lng sa kaklase. He is on his 4th year in Agriculture. Kahit taliwas sa kagustuhan ng ama nita ang kursong ito ay walang nagawa dahil ito talaga ang hilig niya. Ang gusto sana ni Romulo ay Business Management para siya ang pumalit dito balang araw. Wala sa kanilang magkakapatid ang gustong pamahalaan ang DGC sa ngayon. Alas kwatro pa lang ng hapon. Busy na ang high school sa paghahanda ng program para sa prom. Exclusive lang iyon para sa mga estudyante at mga escorts ng mga ito. Iniisip nyang mag-presentang escort sa isa sa mga kaibigan nito para mapalapit kay Louise at maisayaw sa prom night. Natanaw niya si Louise at ang grupo ng mga kaibigan nito sa isang bench sa campus. Bumili muna siya ng snacks bago lumapit sa mga ito. "Hi girls, baka nagugutom na kayo." Inabot nito kay Louise ang mga tsitsiria at sofdrinks na binili. May kuryenteng dumaloy sa kamay niya pagkadikit sa kamay ng dalaga. Halos gusto niya itong haplusin. Pero pinili niya na lng umiwas dahil sa mga nakatinging kaibigan nito "Salamat naman kanina pa kami nagugutom eh."  Binuksan agad ni Emily ang plastic at kumuha ng sofdrinks at binuksan ang isang tsitsiria "Thank you," mahinang sambit ni Louise at ngumiti. Tumango naman ang binata dito. "Upo ka," yaya nito kay Nathan. "Sige, pauwi na din ako nakita ko kasi kayo kaya naisip ko lng dumaan. At para ipaalam na pumayag na si Liam na maging escort mo."  Tumitig siya sa dalaga para malaman ang reaksyon nito. Isang simpleng ngiti lang ang sinagot nito. "Talaga? Pumayag ang crush mo?" Si Emily na panay dampot sa tsitsiria "Oy, anong crush ka diyan, kaibigan ko lang yun si Liam," pagtatanggi ni Louise. Ayaw niyang makita ulit na seseryoso ang mukha ni Nathan kapag nababanggit ang pangalan ng pinsan. Pero taliwas sa inaasahan niya, nakangiti lang lagi ang binata ngayon. "Hindi pa ba kayo uuwi?" kunyari ay tanong niya kay Tanya "Tatapusin lang namin itong banderetas na isisabit bukas, uuwi na din kami," sagot nito. Si Louise ay ngumingiti lang sa binata kapag nagkakatinginan sila. Hindi siya masyadong nagsasalita. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kaba sa dibdib niyang hindi mawari. O hinahalukay ang sikmura. Ano nga ba yun? Butterflies in your stomach? At bakit nya nararamdaman ang ganun ngayon? "Speaking of prom, may escort na ba kayong lahat? Pwede akong magpresinta kung sino sa inyo ang wala pa," nakangiting sabi ni Nathan. Palipat-lipat ang tingin kay Louise at sa mga kaibigan nito pero umiiwas ng tingin si Louise. "Ako!" Nagtaas ng kamay si Emily na kinagulat ng mga kaibigan. "Anong ikaw, Emily, di ba may escort ka na?" kontra ni Tanya. Siniko nitong bahagya si Louise na hindi umiimik. "Wala pa, hindi pa yun sigurado," sagot nito kay Tanya. "So, Mr. Delgado, pwede ka bang maging escort ko?" "Sure," agad namang sagot ng binata na kinataas ng kilay nila Tanya. "Give me your address and i will pick you up," nakangiti pang wika nito kay Emily. Hindi pinahalata ni Louise ang pagkadismaya at pagkainis sa kaibigan. Sa kanilang apat, si Emily ang may pagka flirtatious. Bagamat wala pa itong boyfriend marami na itong nka MU kung tawagin. Siya rin ang laging sexy manamit sa kanilang apat. Kinuha ni Emily ang number ni Nathan at tinext dito ang address nila. Ilang minuto pa ang biruan at kwentuhan pero hindi gaano umiimik si Louise. Pagkatapos ng mga ginagawa ay dinala na nila sa stockroom. Paglabas nila ay naroon pa din ang binata. "Ihahatid na kita," pabulong na sabi nito kay Louise. Bago pa makatanggi ay dinampot na nito ang backpack niya. "Sabay kasi kaming uuwi ni Tanya." Kinukuha nito ang bag niya sa binata pero iniiwas nito sa kanya. "Naku, wag ka nang sumabay sa akin may dadaanan pa ako sa palengke, may inuutos si Mama sa kin," kunyaring sagot ni Tanya. "Sige na, Nathan, ihatid mo na yang kaibigan namin. Iingatan mo yan ha," kunyaring pagbabanta nito sa kanya. "Lagot ka sa kin pag nagasgasan yang bestfriend ko." "H'wag kang mag-alala. Ituturing ko itong prinsesa," nakangiting sagot nito kay Tanya. Inalalayan siya ni Nathan papunta sa parking. "Hindi mo naman ako kailangan ihatid," sabi niya sa binata. Hindi ito umimik. Pagdating sa parking ay binuksan nito ang passenger seat at pinasakay siya bago inabot ng binata ang backpack nito. "Hindi ka gaanong kumain ng snack kanina, saan mo gusto mag meryenda?" tanong nito ng hindi lumilingon kay Louise. Nakatuon ang atensyon nito sa pagdadrive. Palabas na sila ng campus ay hindi pa din siya sumasagot. "Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" "Bakit ka nagpresentang maging escort ni Emily?" Kunyari tanong niya na pilit ngumiti "Correction. Hindi ako nagpresentang escort niya. Nagpresenta ako sa lahat. Nagkataon lang na siya yung wala pang escort." Panaka-naka ay tumitingin siya sa dalaga. "Ikaw sana kaso si Liam ang gusto mo," may himig panunukso ang binata "Buti nga pala pumayag si Liam," pag-iiba niya ng topic "Bakit naman hindi sya papayag? Sa ganda mong yan?" biro pa nya. Pinark niya ang sasakyan sa isang kilalang fastfood chain at bago pa sya makaimik ay nakababa na ito ng kotse. Umikot ito sa passenger's side para pagbuksan sya. "Ba't pa tayo dumaan dito. Nabusog na ko sa dala mong snacks kanina" "Oh please, ni hindi ka nga halos kumain. Yung softdrinks hindi mo din naubos. Tara na sandali lang naman tayo." Nilahad nito ang kamay kaya napilitan na din itong abutin at bumaba ng kotse. Nanginginig ang kanyang mga kamay. First time makawakan ng isang lalaki ang kanyang kamay. Pagpasok sa fastfood chain ay halos puno na at wala ng maupuan. Oras ng uwian ng mga estudyante kaya karamihan ng mga naroon ay sa San Nicholas din. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay nya kahit nakapila na sila sa counter. "Hahanap muna ako ng mauupuan," kunyari ay sabi nya. Nilibot ang paningin sa loob. Nakita nya ang dalawang estudyanteng tumayo na sa pandalawahang mesa. Dagli niyang iniwan si Nathan na nakapila sa counter. Ilang minuto pa ay dala na ni Nathan ang pagkain. French fries at hamburger. Doon niya naramdaman ang gutom. "Thank you ha, nilibre mo pa talaga ako dito," sinserong wika niya kay Nathan na nakangiting pinagmamasdan syang kumain ng french fries. "You're so beautiful.." halos pabulong na sabi ng binata. "I can stare at you the whole day,"  wika nito habang nakatunghay sa mukha niya "Gwapo ka din naman," ganting sabi nya dito. Pinipilit itago ang kabang nararamdaman. Hindi pa niya alam pakibagayan si Nathan. "Pero mas gwapo si Liam di ba?" may himig pagseselos ang tinig nito. "Actually.. magkaiba kasi kayo ng features. Mestizo siya, ikaw moreno. Lagi siyang naka smile at friendly yung dating. Ikaw mas seryoso at may pagka mysterious yung dating. No offense meant ha," senserong tugon niya "Okay lang."  nagkibit balikat lang ito.   "Medyo mahiyain lang din ako na at some point suplado ang tingin ng iba sa akin. But I can change that perception you have with me if you will give me a chance." "Alam ko naman na ngayon, don't worry about that." "So may pag-asa ba ako?" Hindi siya nakasagot agad at tinitigan ang binata. Seryoso ba ito? Nakatitig din si Nathan sa kanya na tila naghihintay ng sagot niya. "Seryoso ka ba?" biro niyang tanong. "Yes." Hindi na siya nakasagot. Halos hindi niya malunok ang softdrink na bumara sa lalamunan niya. "Okay, baka nabigla ka sa tanong ko. Ito na lang muna. Can we be friends?" Nilahad nito ang kamay na tinanggap niya at nakipag shakehands. "Friends," sagot niya dito ng nakangiti. Ilang minuto pa silang nagpalipas ng oras doon at nagkwentuhan. Sa totoo lang ay masarap itong kausap. He can talk about anything and everything under the sun. This man is intelligent. And with sense of humor. At makikita sa mata nito ang sensiridad sa mga sinasabi. Pagkatapos kumain ay hinatid siyang muli sa bahay. Nag take-out din ito para sa kanilang hapunan para hindi na raw siya magluto. Pagpasok sa kwarto ay humiga muna siya sa kama. Nakatitig sa kisame, pero si Nathan ang nasa isip. Hindi niya maintindihan kung bakit siya masaya ngayon. Binabalikan ang mga nangyari kanina. Ang paghawak ni Nathan sa kamay niya... Ang pag alalay nito tuwing sasakay at bababa ng kotse... Ang mga titig nito kapag kinakausap siya... Dahil siguro ngayon lang may gumawa sa kanya ng ganun. Kapag may nanliligaw sa kanya dati tinatapat niya na agad na walang pag-asa. Dati kasi si Liam lang para sa kanya ang ideal man. Siya lang ang gusto niyang maging boyfriend. Hindi na ba ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD