Nagising si Louise sa sunod sunod na ring ng telepono sa kanilang sala. Tinignan nya ang orasan sa alarm clock, alas onse na ng umaga. Hindi niya matandaan kung anong oras na siya nakatulog. Masakit ang ulo niya sa puyat. Napilitan siyang tumayo at lumabas ng kwarto para sagutin ito. "Hello...." nakapikit pa siya halos ng iangat ang receiver ng telepono "Good morning babe.. nagising ba kita?" napapitlag siya sa boses sa kabilang linya. "Medyo.." "I'm sorry, hindi rin naman ako halos nakatulog pag-uwi. Gusto na kitang makita ulit at makasama." Gusto niyang sabihing siya man ay ganundin, pero pinigil niya ang sarili. "Can I pick you up at three?" "Saan tayo pupunta? Magpapaalam pa ako kina Dad." "Tuwing sabado ay naglilibot ako sa farm. I just want to take you there." "Okay," tipid

