Nagising si Louise na masakit ang katawan at kumakalam ang sikmura. Gayumpaman ay nakangiti niyang tinitigan ang katabi na masarap pa rin ang pagkakatulog. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Nathan na nakayakap sa kanya at marahang lumakad palabas ng silid. Kinuha niya ang telepono at naghanap ng masarap na makakainan. Ilang minuto na siyang nagba-browse sa internet nang maramdaman ang presensya ni Nathan sa likod niya na lumapit at umupo sa tabi niya sa pang-animang sofa. "What are you doing?" masuyo nitong tanong. "Naghahanap ng makakainan. I'm starving," sagot niya na hindi ito nilingon. "Akala ko ba'y kapag inlove ang isang tao hindi nagugutom?" biro nito na ikinangiti niya. "Ano ka? Teenager?" "Kung ako ang tatanungin hindi ako nagugutom. Baka ako lang ang inlov

