CHAPTER 9

1429 Words
Holding hands is fine but I've got better things on my mind- MYMP "Kuya, hindi ba talaga pwedeng sumama sayo pagbalik niyo?" Papunta na nasa ako sa guestroom na pinagtutulugan ko nang marinig ko ang usapan nila Maze at nang kapatid nitong si Eula. Nasa may sala sila ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila at wala na rin sana akong balak pang makinig pero hindi ko lang maiwasan. Hindi ako makahanap ng tiyempo kung paano ako lalabas at dumaan ng hindi nila nakikita. Paano ba naman kasi ito lang ang tanging daan para makapunta ako nang kwarto ko. Saka bakit ba nag-uusap itong mga ito nang ganitong dis-oras nang gabi at ano rin pa lang ginagawa ko rito? Hindi kasi ako makatulog kaya naiisipan kong bumaba at uminom nang tubig tapos nagpalipas pa ako nang ilang minuto then ito na ang naabutan ko. "Alam mo nang hindi pwede, Eula. Bakit hindi ka na lang maghanap rito nang hotel na pang-intership mo? Kung sakali mang sumama ka saamin hindi kita maasikaso dahil marami akong trabaho. Paano kung sakaling nagkasakit ka? walang mag-aalaga sayo." Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga narinig ko.Dahil kuya na kuya ang dating nito naobserved ko rin this past few days kung gaano siya kaalaga at protective sa mga kapatid niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maingit perps of being the only child wala ako masabihan dati ng mga problema ko buti na lang at dumating mga kaibigan ko ngayon. "Alam mo namang gusto kong magtrabaho sa isang 5 star hotel at alam mong marami sa city yun. And it's also my advantage kapag nakapag-OJT ako sa isang sikat na hotel, gusto ko kasi sana sa Buenafuerte Hotel mag-apply. Kaya sige na isama mo na ako hindi ako magiging pabigat roon. Promise." Mukhang makulit pala ang personality nitong si Eula lalo na sa kuya niya. Kapag nakakasama kasi namin siya nila Yuri tahimik lang ito at nakikinig. Tama rin ba ang rinig ko gusto niyang magOJT sa Hotel nang daddy ko. Pwede ko siyang matulungan kung sakali man. Natahimik naman si Maze sa sinabi nang kapatid nito. Alam niyang ang daddy ko ang may-ari nun pero hindi nito sinabi na anak ako ng may-ari nang hotel na iyon? Hindi ba nila alam? "Pag-iisipan ko, hindi madaling manirahan sa city alam mo yan." "I'll promise, hindi ako makakasagabal sa work mo." "Alam mong wala ka ring matitirhan doon. Hindi ka pwedeng tumira sa Unit ko." "Huwag kang mag-alala hindi ako magiging pabigat sayo doon. maghahanap ako ng apartment ko roon." Oo nga pala hindi pwedeng malaman na may kapatid siya. Privacy na kasi nila iyon at nasakanila na iyon kung ipapakilala niya ang family in public or what at alam kong ayaw nilang mangyari iyon. Nakakainis rin kaya minsan kung nasaiyo ang attention ng mga tao dahil bawat galaw mo nakabantay lahat. Isang maling galaw lang pag-uusapan ka na agad. "Basta, pag-iisipan ko pa rin. Matulog ka na." "Love mo naman ako kaya wag mo nang pag-isipan. good night." Pinakiramdaman ko muna ang buong paligid kung wala na bang mga tao at nang makuntento na ako saka na ako lumabas sa pinagtataguhan ko. "Anong ginagawa mo doon?" bigla naman akong nagulat nang may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Hindi ko inaasahan nandito pa ito akala ko pa naman umakyat na siya sa kuwarto niya. "Sh*t, nakakagulat ka naman." Nandoon pa rin yung kaba ko feeling ko para akong may malaking kasalanan. "Minura mo ba ako?" bakas ang pagkainis nito. Hindi ko pala nasabing ayaw niya pagnacucurse ako. Pero siya, pwede. Iyon yung nakakaasar sakanya. "Paano ba naman ginulat mo ako. Hindi ko sinasadya iyon." "So, Ano ngang ginagawa mo rito? Mukhang matagal ka nang nakikinig sa usapan namin." "Hindi kasi ako makatulog, Saka hindi ko sana intentionally na makinig sa usapan niyo. Hindi ko lang mapigilan." Mahabang katahimikan naman ang namayani bago ito nagsalita muli. "Ano sa tingin mo, payagan ko ba o hindi?" "Bakit hindi, ikaw nga nakayanan mong tumira sa city kahit alam mong malalayo ka sa pamilya mo." "Iba naman kasi ang situwasyon ko sakanya. Si Eula kasi kung titignan mo mukhang matapang ang panlabas na personality niya pero sa totoo mas sensitive siya keysa kay Yuri. Namana niya rin ang sakit ni Mama na asthma. Mahirap rin sakanyang makihalubilo sa ibang tao." "Bakit hindi mo subukan. Look at her siya na mismo ang gumagawa nang paraan para malaban yung takot niya. And I am sure you don't want to hurt her feelings. Don't worry tutulungan naman kita at tutulungan ko rin siyang makapasok sa hotel but please don't tell her na family ko ang may-ari nun." "Bakit ayaw mong malaman niya?" "Wala lang, ayoko lang isipin niyang iba rin ang intention ko sa family niyo." "Matutulog ka na ba?" pagpalit naman nito nang usapan. "Hmmm, wala na rin naman na tayong pag-uusapan so matutulog na ako." "Good, sabay na tayong matulog." "Okay." Nagtatakang sagot ko pero hindi ko na lamang pinansin. Baka ibig niyang sabihin makasabay sa paglalakad. Nauuna na akong umakyat at alam kong kasunod ko lang ito. Nang makita ko na ang kuwartong pinagtutulugan ko binuksan ko na ang pinto nito. Magpapaalam na sana ako sakanya para matulog pero bigla naman itong pumasok. "Hoy, Ano satingin mong ginagawa mo?" "Matutulog, hindi ba sabi ko sabay na tayo." Para bang sinasabi nitong obvious naman nagtatanong pa. "Sa kabila ang kuwarto mo, hindi ka pwede rito. Baka kung anong isipin nang magulang mo." "Problema ba iyon, wag mong ilolock yung pinto para wala silang isiping masama." Siraulo talaga kahit kailan. "Hindi ba pwedeng umalis ka na lang para makatulog ako nang maayos." "Psh, kahit kailan talaga wala ka pa ring tiwala saakin. Natutulog naman tayo dati nang magkasama sa iisang kwarto wala naman akong ginawa sayo. Nagagaya mo na ang ugali ni mama." "Wala akong paki, lumabas ka ngayon din." "Oh, come on. Ganito na lang aalis rin ako mamayang madaling araw para hindi ako maabutan ni Mama rito. Ayos na sayo?" Hindi naman ako nagsalita dahil hindi pa rin ako palagay. Okay lang naman saakin na magkatabi kami pero nasa bahay kasi kami nang parents niya. Respeto na rin sakanila iyon kahit sabihin pang wala naman talaga kaming gagawin. Haist ewan ko ba nagiging traditional na nga talaga ako. "Sige na. Inaantok na ako talaga ako." "If that's the case I'm gonna exchange with you. Sa kwarto mo na lang ako matutulog, walang kaso saakin iyon." "Dyahe naman, kaya nga dito ako matutulog para makatabi kita tapos balak mong lumipat." Tumayo naman ito kahit labag sa kalooban niya. pero wala akong paki kahit magmukmok pa siya. "Bumalik ka na doon.. Goodnight." Napangiti naman ako na parang nagwagi. Bahala siya sa buhay niya. "Paki sara na lang yung pinto at paki turn off na rin ang ilaw. Thanks." Tumakbo naman ako sa kama dahil alam kong nakatingin ito nang masama saakin, ayoko nang harapin pa ito. Basta narinig ko na lang ang pagturn-off nang ilaw at pagsara nang pinto sinyales na umalis na ito kaya ipinikit ko na ang mga mata ko. Maya-maya pa'y naramdaman kong gumalaw ang hinihigaan ko kaya napamulat agad ako nang mata ko at bumaling sa kabilang side nang kama. "What the... Akala ko ba umalis ka na?" muntik pa akong mapatili dahil akala ko kung sino na. "Wala akong sinabing aalis ako. Matulog ka na wag mo akong pansinin. Aalis rin ako mamaya, promise. Payakap lang." bigla naman akong natuod sa huling sinabi nito kaya hindi agad ako nakapagreact. Hindi na rin nito hinintay ang sasabihin ko nang maramdaman ko na ang kamay nito sa may bewang ko. Bakit ganito ang bilis nang t***k nang puso ko sana hindi niya mapansing kinakabahan ako. Ano ba Camilla ilang beses na rin naman kayong nagyakapan may mas malala pa nga kayong ginawa roon bakit kinakabahan ka pa rin. "Gustong-gusto ko talagang nararamdam na kinakabahan ka dahil saakin. Alam mo kasi yun ang sign ko na kinikilig ka. Hindi pa kita nakikitang kinikilig tulad nang ibang babae na halata dahil sa mga tili nila. Ewan ko ba kasi sayo masyado kang tahimik. Mas nababasa ko pa nga ang expression ni Gette keysa sayo." Napalunok naman ako ng bumulong naman ito kaya kinurot ko ito sa tagiliran nito dahil wala akong masabi dahil tama ang mga sinabi niya. Sana kung pwede lang ganito na lang lagi. *************** ***************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD