CHAPTER 5

1258 Words
You know I never think before I jump- T.Swift "At saan mo naman balak pumunta, aber?" napatingin ako sa bagong dating na si Era. Nakatayo ito sa pintuan ng kwarto ko rito sa unit namin. I'm packing my things, hindi dahil sa tuluyan na akong aalis. But I'm going on a vacation hindi ko alam bigla ko lang na isip. Fine! May tinatakasan ako. "Vacation?" Hindi siguradong sabi ko. "What! Magbabakasyon ka ng hindi kami kasama, that's unfair. Are the girls knows this?" kunwaring nasaktan ito. Akala mo naman sasama ito kapag sinabi ko kung saan ako pupunta. "Si Jho pa lang ang nakakaalam. Saka ikaw." "Saan ka ba magbabakasyon at mukhang magtatagal ka ata roon? Masyadong marami yang nasa luggage mo." "Sasama ako kay Maze. Uuwi siya ngayon sa province nila." "Ah, yun nga rin ang nakwento ni Sage na uuwi siya sakanila. Pero sa pagkakatanda ko hindi ka raw sasama dahil busy ka. Ano nangyari?" "Sumang-ayon na rin ako dahil gusto kong mabisita yung probinsya nila." Tinignan naman ako nito na para bang hindi ito naniniwala sa alibi ko. Well, that's to lame nga naman. "Ako pa talagang inuto mo Carms. Kilala ko yang pagkatao mo. May tinatago ka noh?" See, hindi talaga ako makakaligtas. Maliban sa kanya si Gette ang isa pa nakakakilala saakin tahimik lang ito pero nakakatakot kapag siya na ang nagsalita. "Saka ko na lang sasabihin, nagmamadali ako ngayon. Kailangan kong maabutan si Maze." Imbes na paraanin ako nito bigla niya akong hinarangan. "Akala ko ba magkasama kayo ni Maze. Hindi ka ba niya susunduin rito?" "Sinabi niyang ako na lang ang pupunta roon." Ano ba kumagat ka naman. Pero mukhang hindi ito naniwala. "Talaga? Kailan ka pa niya hindi sinundo lalo pa't hindi naman ito busy, aber." "Fine, hindi niya alam na sasama ako." "What! Pero bakit? Anong reason? Isusurprise mo?" "Sorry talaga, saka na ako magpapaliwanag kailangan maabutan ko pa siya dahil kung hindi mapipilitan akong makipagdate sa iba. Promise ipapaliwanag ko lahat pagkabalik dito. Please, tulungan mo akong maabutan si Maze." Mahabang paliwanag ko. Alam kong marami na akong tinatago sakanila sana maintindihan nila. "Talaga! You need to explain everthing to US. Sasabihin ko sa mga girls ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sainyo pero sana huwag namang humantong ito sa hiwalayan hindi ba? Bet ko pa naman ang loveteam niyo." Mukhang naman itong teenager na kinikilig. Akala mo naman. "Sige na diyan, Bet ko rin loveteam niyo ni Sage mula noon hanggang ngayon. Hahahaha." "Che! May atraso pa saakin yun ayokong makita siya pero dahil sayo baka maabutan ko yun sa Unit nila." "Sige na samahan mo ako. Promise tutulungan rin kita sa problema mo pagkatapos ko." Pagmamakaawa ko. "Oo na! buti na lang malakas ka saakin. Dahil hindi libre ang serbisyo ko pupunta ako sa shop mo mamaya magnanakaw ako roon ng mga beauty product. Nagustuhan ko roon yung mga organic product niyo kukuha ako doon ah." Paalam naman nito natawa tuloy ako. Iba talaga. "Oo na. Nagpaalam ka pa, akala ko ba magnanakaw ka ha?" "Ako kasi yung mabait na magnanakaw. Amina na nga yang mga dala mo. Ilang taon ka ba doon? ang dami talaga ng dala mo." "Dalawang maleta lang yan. OA nito." ************ "What the h*ck? Anong ginagawa mo rito? Ano yang mga dala mo?" Iyan agad ang bungad niya ng makita ako. Hindi ba siya natutuwang makita ako? . Well, sino ba namang hindi magugulat kung yung taong hindi mo inaasahang pumunta ay siya ang makikita mo. "Ang tawag dito maleta na may lamang mga gamit ko.Masaya ka na?" Pilosopo ko sakanya alam na nga niya magtatanong pa. Kainis, akala ko matutuwa siyang nandito ako. "Alam ko, kailan ka pa namemelosopo? Paalis na ako anong ginagawa mo rito? Hindi ba may date ka pa?" mukhang naasar. Mahilig siyang mang-asar pero madali siyang mapikon yun ang isa sa mga sekreto niya. "Ikaw nakakaasar ka, hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko bang makipagdate? The H ka rin!." Alam kong nabigla ito sa sinabi ko dahil kilala ako bilang kalmadong tao. Pero nainis lang ako na para bang wala lang sakanya yun, na okay lang ba. "I'm sorry, I wasn't thinking that time. Ayoko ko lang may masabi pang masama ang dad mo. Nirerespeto ko pa rin siya. Ayoko sa ideyang pinaglaladakaan niyang may ipinapakilala siya sayong iba kahit alam niyang magkasintahan tayo. Noong gabing yun may sinabi siya saakin na bigla kong ikinatakot. I had doubt but now it vanished, 'cause your already here." Makahulungang saad nito hindi ko naman alam kung anong pinagsasabi nito. Nabigla ako ng niyakap ako nito ng mahigpit. "Maze, hindi ako makahinga. Ano bang sinabi ni Dad sayo? Pinagbantaan ka ba niya." Nag-aalalang tanong ko. "Don't mind it. Basta ang alam ko nanalo ako sa pagkakataong ito."ngumiti naman ito na parang ewan. Hindi ko talaga alam kung anong pinagsasabi niya. Bahala na nga. "So pwede na siguro kayong lumayas noh. At ikaw babae mararaming kang ikwekwento pag-uwi mo. Layas na! Baka maabutan kayo ng mga tauhan ng dad mo at ipadala ka na talaga sa ibang bansa dahil hindi sila payag sa pagsasamahan niyo ni Maze." Nginisian ko lang si Era dahil alam kong naiingit lang siya dahil wala rito ang partner niya. In fairness ang lawak ng imagination niyang yun hindi maipagkakailang artista nga pero kuntrabida naman ang madalas niya role. Pagkarating kasi namin kanina si Maze lang ang naabutan namin dito sakto na mukhang aalis na rin ito. Si Sage kasama Clarke raw at yung dalawa pang kasama nila may kanyang buhay rin. "Oo na po. Napaka advance mo ring mag-isip hindi ko alam kung artista ka ba talaga or writer ang dami mong alam. Hindi na ako nakapagpaalam kina Gette at Ellesse. Paki sabi na lang sakanila." "Oh siya, layas na kayo ako ng bahala rito maglolock nitong Unit niyo." "Nakalimutan ko palang sabihin sayo Eraizha. Pwede bang hintayin mo rito si Sage naiwan kasi nila yung card ng unit hindi sila makakapasok kung sakali mang-aalis ka." Inabot naman ni Maze ang card nila. Mukhang kay Sage at Clarke nga yun. May kanya-kanya rin kaming ganung card hindi kasi kami gumagamit ng may password baka raw malaman ng mga hackers mahirap na. Yung card namin mas safe siyang gamitin yun nga lang hindi pwedeng maiwala yun dahil kapag may isa lang nakawala nun kailangang palitan agad lahat. Another set of password nanaman. "No way, kung gusto mo ikaw ng maghintay sakanila. May importante pa pala akong gagawin." Pag-alibi nito alam ko namang wala siyang gagawin ngayong araw kaya tinatakasan niya lang makita si Sage. "Era, favor na namin ito. Pwede namang i-abot mo lang kahit kay Clark na lang. Kailangan na naming umalis baka malaman na kasi ni Dad na nawala ako for sure dito agad siya pupunta."pagmamakaawa ko sakanya. Although may part doon na totoo. "Kung hindi lang kita kaibigan talaga. Malilintikan ka na saakin. O, siya ano pa bang magagawa ko. Sige na magsilayas na kayo bago pa magbago ang isip ko." Niyakap ko naman siya bilang pathank you. I know, makakayanan rin namin lahat ng ito. Kung ano mangyari pagbalik ko haharapin ko yun at kailangan makausap ko rin si Dad. Alam kong hindi siya ganito hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito. Para tuloy kaming magtatanan at hindi ko alam bakit excited akong maglalayas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD