I want you to know
That you're the only one for me - Pussycat dolls
"What bothers you again? Wag mong sabihing wala na naman 'cause I won't buy that alibi of yours. Is this about your family again? What is it this time?" he knows me well.
"Nothing, it's just their business again. They want me to enter their business, but I'm always refusing. Masama na ba akong anak kung ganun?" pagsisnungaling ko sakanya. Bakit ba natatakot akong sabihin sakanya and totoo? Siguro dahil alam naming pareho na dapat mas sundin ang mga magulang? On his part though, he's got this motto that you should always put your family first above everything else... and I'm kinda worried about that.
"Not really. Mahirap kung palamunin walang ginagawa tapos hindi mo pa sundin yung gusto nila yun ang masasabi kong masamang anak. Just kidding." akala ko na seryoso ito dahil seryoso yung mukha niya habang sinasabi yun.
"By the way, uuwi pala ako next week sa probinsya namin. Baka mga 2 weeks, hindi ko alam basta binigyan kami ng time na makapagbakasyon ni Manager kaya na isipan kong umuwi. Gusto ko sanang isama ka pero alam kong marami kang trabaho rito." wala naman saakin yun kung malalayo siya dahil sanay na ako lalo pa noong marami silang concert tour sa ibang bansa matagal na hindi kami nagkikita 5 to 6 months ganun. "Hindi pa ako umaalis pero nakikita kong mamimiss mo na agad ako."
"Sira. Iniisip ko kung ano pwede kong ipaabot sakanila. Ano bang mga kadalasang gusto nila?" We've been together for 2 years, pero never ko pa silang nakikita sa personal. Kadalasan kasi binibigay ko lang pagkain hindi ko alam kung anong mga gusto nila. Lalo na ang mga kapatid niyang babae. Gustong-gusto ko nireregaluhan sila dahil siguro hindi ko naranasang na may kapatid at natutuwa ako tuwing nagmemessage
"Wag mo nang isipin yun. Mamaya maispoiled sila sayo hahanaphanapin nila kung anong maibibigay mo."
"Sige na, hindi naman ako madalas magbigay sakanila."
"Wag na. Saka na lang kapag ikaw na mismo ang mag-aabot sakanila." wala na akong nagawa dahil hindi naman ako mananalo sakanya. Hindi ko naman namalayang nasa tapat na kami nang bahay. "Dito na ho mahal na prinsesa, kailangan mo nang pumasok sa palasyo niyo Cinderella. Bukas ulit sulit-sulitin mo dahil hindi kita maihahatid sa loob nang dalawang linggo." natawa naman ako dahil sa sinabi nito.
"Gusto mong pumasok muna? Mukhang napaaga ang uwi nila mommy at dad." bigla naman ito napaupo nang tuwid. Ilang minuto ata bago niya naisipang magdisisyon. "Halika na, ilang beses mo naman na silang nakita hindi ba? Hindi ka pa sanay?" Biro ko sakanya he's aware na cold ang treatment nila sakaniya pero civil naman pagnakikipag-usap sila sakanya.
"Psh, hindi ako ready, wala man lang akong dala para sakanila."
"See, that's what I'm talking about earlier." Napakamot lang ito nang batok at mukhang alanganin.
"Pwede bang bukas na lang?"
"Nandito na tayo. This is your time to shine." Biro ko sakanya. Sinamaan naman niya ako nang tingin.
Naabutan naman namin silang nag-uusap sa living room for sure tungkol sa business yun ganun naman parati. Si mom kasi nakakarelate pa rin siya kahit hindi na siya nagtratrabaho sa kumpanya ni Dad. Vice President si Mom but then last year tinurn over niya ang position niya sa isa sa mga relative namin. Si Dad kasi ayaw niya pang i-turn over dahil wala pa siya nakikita raw na may potential kung sana raw ay sinunod ko sila pwede niyang ibigay yun agad saakin.
"Hi! Mommy and Dad." lumapit naman ako sakanila para bumeso.
"Good Eve po Ma'am, Sir." Pormal na bati ni Maze sakanila. Nakita ko naman tumango lang si Dad pero poker face pa rin. Si Mommy naman ngumiti lang. Hindi ko alam kung napilitan ba pero hindi ko na pinansin pa. Sanay na ako sa binibigay nilang treatment pagdating sa boyfriend ko pero sana dumating yung araw na makita ko silang masaya kapag pumupunta rito si Maze.
"You two are early, nagluluto pa sila manang ng dinner. Maupo muna kayo." Sabi ni Mommy "Maiwan ko muna kayo magpapadagdag ako kina manang ng pagkain. Camilla, magbihis ka muna nang damit." tumango lang ako kay mommy kahit ayaw ko mang iwan si Maze doon, I need too. Bahala siyang maghandle kay dad haha. Binilisan ko namang magbihis dahil baka kung anong nangyari sa boyfriend ko. Narinig ko namang kinakausap siya ni dad at malayong malayo mga sagot niya pagkausap niya ang mga barkada niya. Napakaformal niya pagkaharap niya si Dad kung nasa ibang situasyon lang ito baka tinawanan ko siya. Pero sa pagkakataong ito mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at kinakabahan ako para doon. Baka may nasabi si Dad kay Maze na kung ano at mabangit niya ang tungkol sa napag-usapan namin noong nakaraan.
"I heard you're taking a business course. May I ask why?"
"I simply want to gain knowledge about business as well," tipid na sagot nito
"So, you are planning to enter the business world?"
"Yes sir, I'm currently focusing on investments. I'm also well aware that our current careers won't last forever. I'm preparing for the future" Tumango lang si Dad at hindi na nagtanong pa sakto namang dumating na si Mom na sinabing kakain na. Tahimik lang hangang kumakain kami pero sinira ni dad ang katahimikan nang may sinabi itong hindi ko nagustuhan.
"Gusto makipagkita ni Wes sayo Camilla. I said you're not that busy." tinignan ko lang si Dad, but it seems he didn't care at all kahit nandito ang boyfriend kong nakakarinig.
"Dad, you know I'm too busy for that." wala pakialam na sagot ko. Napatingin naman ako kay Maze kung anong magiging reaction niya pero tahimik lang ito kaya lalo akong nag-aalala. Ayokong isipin niyang sang-ayon ako sa sinasabi ni Dad.
"You need to come; you'll be my substitute, I already set a date. Nagkita na rin naman kayo hindi ba?" Hindi na lang ako umimik pa baka kung ano pang maungkat niya. Hanggang matapos ang dinner namin maayos naman itong nagpaalam sa magulang ko kaya hinatid ko siya hanggang sa sasakyan. Hindi ako sanay na tahimik ito, alam kong inisip niya yung sinasabi ni Dad kanina.
"About doon sa sinabi ni Dad-- " hindi naman ako nito pinatapos magpaliwanag.
"I know, it's for business purpose lang yun. Hindi mo naman siguro ako ipagpapalit doon hindi ba?" Biro nito. pero nakikita kong hindi ito komportable at may pag-aalinlangan sa mga sinabi niya. Wala ba siyang tiwala?
"Of course. Malayong-malayo ka doon noh. Kagwapuhan pa lang." just to enlighten the mode, but..
"I know." akala ko magyayabang siya tulad ng kadalasang ginagawa niya, but I was wrong. tipid lang itong ngumiti para bang may mas mabigat pang rason. At natatakot ako.
***********
Hope you'll like it!?