Life goes on and it's only gonna make me strong- Leann Rimes
"Spill it." Pagkapasok namin kanina dito sa opisina binigyan ko lang ito nang magazine na naglalaman nang mga cosmetic product namin. Alam ko naman kasing ayaw niyang tumitingin sa mga store mas gusto pa nga niyang mag-oder na lang sa mga online shop o kaya magbukas nang mga brochure at doon magpa-order. Kapag magkakasama lang kami saka lang siya nakakapagshopping.
"Huh?" nagtatakang tanong pa nito na tumimingin saakin. Hawak nito ang binigay ko kaninang magazine. Kanina hinayaan ko lang ito kung anong ginagawa niya hindi naman ito nag-ingay or what pero kasi hindi ako sanay kaya nakakapanibago lang. Natapos na ako sa lahat nang gagawin ko pero hindi pa rin ito nagsasalita.
"You know what I'm talking about. What's with the cold treatment a while ago?" tukoy kanina sa kanila ni Sage.
"It's just nothing." Baliwa nito at tinuloy ang ginagawa nito kanina na pag-brows.
"Ow, cut that cr*p. Kilala kita." Warning ko rito. Napatingin naman ito saakin nang hindi makapaniwala.
"Whoa, I didn't know you can curse like that." Sabi nito para bang na-amaze. Well, saamin talaga ako ang pinaka matimpihin at kahit galit na ako napipili ko pa ring magsalita nang mahinahon. I feel like it's natural to me.
"Oh, try me. That's not the only curse I can say."
"Chill ka lang. girl." At natawa lang ito. "Dapat pala nandito sila Jhoanne para nakita nila kung paano hindi nakapagtimpi ang isang Camilla."
"Bahala ka nga diyan." pero alam kong hindi ako nito matitiis dahil saaming magkakaibigan ako ang pinakamadalang na magsalita sunod si Elesse at Gette.
"Oo na, ito hindi makapaghintay." Napangiti na lang ako dahil effective ang ginawa ko. Itinabi ko naman ang mga ginagawa ko kanina saka umupo sa sofa kung saan siya nakaupo. Hindi naman ito nagsalita agad pero hinintay ko lang siyang magkwento hangang sa okay na. Ikinewento naman nito kung bakit ganun ang treatment niya kay Sage.
"Baka nagjajump into conclusion ka lang mahirap yan."
"Ayokong pag-isipan sila nang masama pero kasi hindi ko maiwasan. Naiinis lang ako dahil simula nang dumating yan tapos para namang hindi na ako nag-exist. Parang sila pa ang magkarelasyon." himutok naman nito.
"Saakin lang pag-usapan niyo muna. Sabihin mo lahat nang hinanakit mo sakanya o yang hinihimutok mo. Hindi na kayo teenager para mag-away sa maliit na bagay kung pwede niyo namang pag-usapan at maliwanagan kayo." tahimik lang ito. Hindi ko alam kung nakinig ba siya. Bahala na siya kung susunduin niya ang payo ko. Ito hirap sa mga nagpapayo pag saatin na mismo nangyari hindi rin natin kayang payuhan ang sarili natin.
"Buti ka pa nga parang wala pa akong nakikitang problema mo. Lalo na sa relasyon niyo ni Maze. Ang swerte niyo sa isa't isa."
"Look Eraizha, don't compare yourself to others. Lahat tayo may kanya-kanyang problema porque hindi mo nakikita na wala akong problema eh wala na agad. Malay mo mas malalim pala ang problemang dinadala ko keysa sayo."
"OMG. So may problema ka ngayon?"
"Oo naman lalo na sa business ko."
"No, not that. I mean your relationship with Maze. May problema kayong dalawa?"
"So far we don't have, but on my part, I feel a bit guilty." pag-aamin ko.
"Guilty for what?"sasabihin ko ba?
"Alam niyo namang hindi gusto ng family ko si Maze simula pa lang."
"Yeah, I know that because of his living status, right?. Ano naman ngayon?"
"How did you know that?"
"Duh! I'm an actress alam ko yang mga ganyang sequence. Feeling naman nang mga magulang mo nasa teleserye ang buhay niyo. Don't tell me ang susunod diyan paghihiwalayin kayo tapos kapag hindi ka nakipaghiwalay. Ipapatapon ka sa ibang bansa"
"OA naman nung ipapatapon. Siguro kung sinusuportahan pa ako nang magulang ko pwede pa. But I can live on my own."
"Oh, eh bakit hindi ka makaalis bahay niyo at maghanap na nang titirhan?"
"I don't know, maybe because they are not getting any younger now and I just want to be with them."
"So anong gagawin mo?What if parang sa movie rin na kailangan mong pumili sakanila? Oh no, that's the hardest part, alam mo pag-iniisip ko pa lang na paghihiwalayin kami ni Sage para akong sinasakal. OA man isipin pero ang hirap." she's right. I don't know what I'm going to do if that's happen to me also. Paano kung dumating yung time na yun? Ngayon ko lang naisip pero tulad rin nang naramdaman ni Eraizha rin para akong sinasakal.