I will never let you fall, I’ll stand up with you forever- T.R.J.A
“Akala ko ba magbobonding tayo? Bakit parang bonding ito ng problema. Tignan niyo yung mga pagmumukha niyo.” Napatingin naman kami kay Jhoanne na siyang nagising saakin sa realidad. Napatingin naman ako sa mga kasama ko, well aware naman ako sa sarili ko na hindi talaga ako nakikinig dahil may iba akong iniisip pero hindi ko akalaing pati rin sila. Akala ko ako lang.
“Kung alam ko lang na ganitong mangyayari, hindi ko na lang sana pinacancel yung bakasyon ko.” Dismayadong saad nito.
“Baka ang ibig mong sabihin honeymoon mo.” Pagtatama naman nitong si Era, ingit lang yan, dahil saamin lima siya na ang stable saamin. Well hindi ko rin itatangi na medyo naiingit din ako ngayon kay Jho. Nasabi kong stable ito dahil napunta na siya sa taong mahal niya at alam niyang makakasama niya na habang buhay.
“Well, naghoneymoon naman kami after ng wedding. Sige isipin ko na lang na extend honeymoon yung mangyayari sa bakasyon ko.” Pang-aasar nito. Halatang nang iingit kay Era haha. Nakakamiss talaga sila hindi rin kami nakapag-usap masyado after wedding niya dahil naging busy kaming lahat.
“Edi ikaw ng masaya. Wag mong ikukwento kung anong nangyari sa honeymoon mo dahil hindi kami intersado.” –biglang sabat naman ni Elesse.
“Ay, KJ niyo. Willing pa naman akong kwento sainyo. Masaya pa naman yung ginawa namin.” Kung hindi ko lang siya kaibigan kanina ko pa siya nakaladkad.
“Argh! Jhoanne sasakalin na kita. Talagang gusto mong ipagkalat yung ginawa niyong kababalaghan ng asawa mo. Pwede bang sarilihin mo nakakahiya ka.” Naiiritang sabi naman ni Era.
“Ano bang sinasabi mong kababalaghan?” Inosente naman itong nag-isip. Mukhang hindi sila tugma ng iniisip ni Era. Well ako rin naiisip ko rin na may kababalaghan nga silang inisip pero hindi ko naman sinabi. “OMG! Iniisip niyo na may nangyari saaming after ng kasal namin? Kayo ang madumi ang isip alam niyo yun. Well to tell you the truth walang nangyari saamin gaya ng iniisip niyo. Kaya nasabi kong masaya yung ginawa namin dahil nag joyride lang kami ng buong magdamag, wala talaga yun sa plano. Kaso inamin ko sakanya na hindi pa ako ready na gawin namin yun. So ang ginawa namin ng buong gabi ay nagjoyride lang ni wala nga kaming direction kung saan kami pupunta. Pero masasabi kong masaya siya. Kaya kayo wag kayong mag-isip ng kung anu-ano.” Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Naawa tuloy ako sa isang nagtiis.
“Kawawang Clarke. Hindi napagbigyan sa unang gabi.’’ Naman ni Era. Kaya nagtawanan kaming lahat.
“Che!, hindi naman siya ganun sa iniisip niyo.” Mukhang napikon na ang lola niyo. Hindi naman nila tinigilan si Jho sa pang-aasar lalo na yung dalawa. Kami ni Gette tahimik na lang.
“How about you, Carms? Nagkaayos na ba kayo ni Maze?” Napabaling naman ako kay Gette na siyang nagtanong. Minsan talaga ayokong nagtatanong itong si Gette. Dahil feeling ko alam naman niya na ang sagot, kumbaga kinoconfermed niya na lang. Naiilang naman ako dahil nasaakin na ang atensyon.
“Oo, Nag-usap kami nung umalis ako sa wedding ni Jho. Nagkaayos na rin kami dahil nagpaliwanag siya.” Ayoko ng balikan kung anong nangyari saakin. Well, nagpaliwanag naman siya pero ewan ko ba parang may kulang sa kwento. Kumbaga playing safe or ako lang ang-iisip ng kung ano. Don’t overthink too much.
“Is their any problem?” Mukhang nag-aalalang tanong nito.
“Wala naman.” Ngumiti at umiling
“OMG!! Ibig sabihin may susunod rin saaking ikakasal.” Masayang nagtatalon naman itong si Jho. Ewan kung saan niya nakuha ang idea na yun.
“Sira ka talaga, saan mo naman nakuha iyang ideyang yan.”
“Alam mo diyan kami nag-start rin, iyon nagulat na lang ako ng magpropose siya saakin.” Mukhang kinikilig pa habang dinidetalye iyon.
“Well, kayo kasi napag-uusapan niyo na kung paano magsettle, kami hindi. Don’t compare your story to mine.”
“Sabi mo eh. Pero malakas ang hunch ko.”
“What if he want to settle down already with you, would you accept it?” Napaiisip naman ako sa tanong ni Era na iyon. Am I ready? Basta ayokong pangunahan ang lahat. Masakit pa naman ang mag-assume. But I pray for him na sana siya na rin talaga.
****************************
“Gusto mo bang sagipin na kita? Mukhang nalulunod ka na sa pag-iisip mo diyan.” Napatitig naman ako kay Maze na siyang nagbalik saakin sa reyalidad. Gusto kong matanong, gusto kong itanong kung naiisip rin ba ako sa future niya? Gosh, why I’m thingking this? I should focus to the present.
“Why? Is something bothering you? And don’t give me that ‘nothing’ answer. Alam kong may bumabagabag sayo.” He knows me.
“Nah, Is not a big deal. Naaalala ko lang kanina ang mga kaibigan ko. Napatripan lang nila akong tanungin about settling down thingy.”
“And”
“Natanong nila kung ready na daw ba akong magsettle down?”
“Then you answered?” mukhang interesado ito.
“I answered them ‘I don’t know’ that kind of thoughts never crossed my mind.” I answered him truthfully. Pero nung kaharap kita bakit parang alam ko na ang sagot. Gusto kong sabihin pero.. “How about you, Maze? Kung tinanong ka rin what would you answered?”
“Nah, baka magulat ka kapag sinabi ko ang sagot. Wag mo nating isipin yan, darating din tayo diyan.” Sabay kindat nito. I don’t know, after that kiss thingy para na itong naging weird. Not in a way na mababaliw. Nagiging clingy, chessy ,cringe at marami pang iba. Hindi tuloy ako sanay “We’re here.” Napatingin naman ako sa labas at nandito na nga kami tapat ng bahay. Nakangiting pinagbuksan naman ako nito ng pinto ng kotse kaya ngumiti rin ako sakanya. Weird talaga.
“Bye, ingat ka.” Paalam ko hinihinatay ko naman itong umalis pero nakasandal lang ito sa hood ng sasakyan niya. “May sasabihin ka pa?” Nagtatakang tanong ng hindi pa ito gumagalaw sa pwesto niya.
“You forgot something.” Maikling sabi nito kaya naman nagtaka ako. Imposibleng may makalimutan ako. “This” mabilis ang mga pangyayari at hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito, mabilis naman na hinalikan ako nito sa labi.
“Wag na wag mong kakalimutan yan ah. Bye, I love you.” I’m still startled. Sa totoo lang hindi pa rin talaga makapaniwala. Nagtataka na tuloy ako kung siya ba talaga si Maze. Nasanay ako na ipinaramdam niya lang saakin na mahal niya ako. Pero iba pa rin pala ang epekto kapag sinabi sayo.