CHAPTER 17

1384 Words
At the end of the day, I choose you- Alessia Cara Lumabas ako ng venue at palinga-lingang lumilingon kung may nakasunod ba saakin. Hindi ko maiwasang hindi mainis. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking yun pwes, ganun pa lang gusto niya, pagbibigyan ko hindi ko siya papansinin. Dapat masaya ako ngayon dahil araw ito ng kaibigan ko. Today is Jhoanne's wedding pero dahil may nakakabadtrip na tao kaya hindi ko maiwasang mainis sa inaakto niya. Kanina okay pa naman. Alam kong dadalo siya sa kasal kaya sinabi ko sa sarili ko na kauusapin ko siya. Naiintindihan ko noong una dahil maraming bisita at center of attention silang magkakaibigan kaya hindi muna ako naglakas loob na kausapin siya. Hanggang nakahanap ako ng pagkakataon at alam kong napansin niya nun pero bigla itong umalis. Pinalagpas ko yun, pero yung paulit-ulit ng ganun na mukhang iniiwasan niya ako hindi ko na matanggap. Kaya sa inis ko lumabas na lang ako ng venue at naiisipang umalis na lang dahil baka kung ano pang gawin ko sa loob at masira ko pa ang kasal ng kaibigan ko. Iniisip ko na lang na umiiwas siya dahil baka may makakita saaming mga tao at pag-usapan kami. I know, medyo hindi pa rin humuhupa ang issue tungkol sa kanya. Mabuti nga at kasal ni Clarke at Jho ngayon kaya sakanila nakasentro ang balita kaya medyo nakalimutan ang tungkol kay Maze at natutuwa kami dahil doon. Pero hanggang kailan ba magiging ganito ang sitwasyon namin? "Camilla, sandali." Napatingin naman ako sa likod ng may tumawag akin, pero pinagpatuloy ko lang ang mabilis na paglalakad ng pagtanto kung sinong sumusunod. Sino pa, kundi yung sumira ng mood ko. "Nakakainis, bakit ba ang tagal mong maglakad baka maabutan ka." Naiinis na sambit ko sa sarili ko. Ngayon nagsisi akong nagheels at 4inches pa. Kaiinis! Dahil alam kong mahaba ang biyas ng humahabol saakin. Hayun na habol ako. "Camilla, magdahan ka baka madapa ka." Dahil sa sinabi niyang yun at hindi ko nakita ang dinaraan ko kaya nagkatotoo ang sinabi niya. Kainis! Yung gusto mong magdrama kaya pero hindi ka pinakingan. Ouch! Napatingin naman agad ako sa may bandang tuhod ko na siyang may gasgas. Nagkaroon pa ng butas ang gown na suot ko. "Ayos ka lang? Sinabi ko naman sayong magdahan ka. Bakit ba tumatakbo ka? Tinatakasan mo ba ako?" Sinamaan ko naman ito ng tingin. Ako pa talagang sinasabihan niya ah. Sino kayang nauna? "Ang lakas ng loob mong sabihin saakin yan. Sino kaya ang umiiwas saating dalawa?" Hindi maiwasang sumbat ko. "I'm sorry okay, magpapaliwanag ako mamaya. Kaya mo bang lumakad?" Nag-alalang sambit nito. "Satingin mo talaga tatangtangapin ko yang sorry mo ng ganun na lang. Ilang araw, Maze. Ilang araw kang hindi nagparamdaman? Buti nga at buhay ka pa." Yah, I sound like a nagger. Sabihin niyo ng lame reason pero gusto kong ilabas ng sama ng loob na ipon ko mula ng mag-umpisa ito. "Please, wag ngayon Camilla. Look at your situation, hindi mo alam kong gaano ako nag-aalala. Kailangan magamot agad yan baka mainfection ka. Satingin ko nasprain pa yang paa mo." Bigla naman akong napatingin sa tuhod. Well gasgas lang naman nangyari, pero mukhang yung paa ko yung naapektuhan dahil sa heels na suot ko. "Kaya mo ba?" "Satingin ko hindi ko kaya." Nag-aalangang sabi ko "I guess you don't have a choice." Sabi nito. Nagulat naman ako ng binuhat niya ako ng pabridal. Akala ko kanina tatawag siya. "Ibaba mo na ako, baka may makakita pa saatin." "Stay still. Malapit na tayo sa parking." Nasa tapat na kami ng sasakyan nito pero hindi pa rin ako nito ibinababa. "Ibaba mo na ako. Kaya ko na pala." "No, kunin mo sa bulsa ko yung susi ng kotse." At dahil nga buhat niya ako kaya hindi niya magamit ang mga kamay. Ako pang nautusan tuloy. "Baka ibang mahawakan mo diyan." Sinamaan ko naman ito ng tingin ulit. Alam ko kung anong ibig sabihin nito. Nang makuha ko naman ako rin ang pinagbukas nito ng sasakyan. Dahan-dahan naman ako nitong ibinibaba at umikot sa kabilang banda. Hindi na ako nagsalita nang buhayin na nito ang makina dahil hindi ko alam kung anong sasabihin at baka kapag nagsalita ulit ako. Kung ano pang masabi ko ulit na masama. Hindi na rin ito nagtangka pang kausapin ako. Kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. ********** Naalimpungatan naman ako dahil medyo sumakit ang paa ko mukhang nagcramps pa pero hindi naman tumagal kaya hindi na rin ako tuloy ako makabalik sa pagtulog. Pero napatigil ako ng marealize ko ang isang bagay. Wait lang, ang huli kong natandaan ay pagkatapos akong dalhin ni Maze sa isang hospital kanina sinabi kong ihatid ako ng bahay kaya umiglip ako saglit. Pero bakit nandito ako sa...Inilibot ko naman ang tingin at kahit madilim na ang paligid pamilyar pa rin kong nasaan ako. Unit nila. Sa mismong kama niya. Bigla naman akong napatakip ng bibig ko at tinignan ang lalaking nakahiga sa tabi ko. Well. Hindi naman ito ang unang beses na magkasama kami sa isang kwarto. Pero kasi hindi pa rin ako sanay. Tinignan ko naman ang suot ko at ganun pa rin naman. Naka gown pa rin ako. Anong ini-expect mo? Bibihisan ka niya? Pwede rin, haist ano bang iniisip ko. Kung anu-anong pumapasok na hindi kanais-nais. Sinubukan ko namang tumayo at ilakad ang paa ko. Kaya ko naman yun lang paika-ika pero matitiis ko pa naman. Kailangan kong magbihis dahil naiirita ako sa suot ko at naamoy ko na ang sarili ko kaya kailangan kong maghilamos. Hindi ko naman mapigilang mahiya ng marealize ko na si Maze ang nagdala saakin, kaya alam niyang naamoy niya ako ng hindi kanais-nais. Kumuha lang ako ng t-shirt at boxer niya sa kabinet saka maingat na pumunta ng banyo. I make sure na wala akong magagawang ingay para hindi magising si Maze. Inuna ko maghilamos ng mukha at saka half bath, siniguro ko rin na hindi ko mababasa ang paa ko na may pilay. Napakagat naman ako ng ibabang labi ng hindi sinasadyang mahulog ang body mist ko. Nakalagay pa naman ito sa glass kaya tuloy nabasag at natapon lahat ng laman. Mukhang naiiwan ko ito dati nang magpunta ako pero ngayon biglang nabasag. Hindi naman ako nag-alala kung masayang ang pinag-aalala ko ay baka magising si Maze at mukhang tama nga ang hinala ko. Dahil tuloy-tuloy itong kumakatok. "Camilla, Anong nangyari? May narinig akong nabasag. Buksan mo itong pinto!!" May bahid ng paalalang tanong nito at sunod-sunod na katok ang narinig ko. "Wala naman, nahulog ko lang yung gamit ko. Lilinisin ko lang saglit ito. "No! ako ng maglilinis niyan. Iwan mo na yan diyan. Buksan mo itong pinto!!" "Huwag kang mag-alala. Mabilis lang ito" "NO!! Sinabing buksan mo ito. Isa!! Kapag hindi mo ito binuksan sisirain ko itong pinto." Pagbabanta naman nito kaya kahit nahihirapan akong maglakad binuksan ko na lang ang pinto. Mukhang gustong gisingin ang mga tao sa buong building sa lakas ng boses nito. "Huminahon ka nga, kung makasigaw ka naman daig mo pa ako sa lakas ng boses mo." "Nasaktan ka ba?" "Wala akong galos. Ayos lang ako." Mabilis na binuhat naman ako nito pabalik sa kama niya. Hindi na rin ako naka-angal pa. "Ako ng maglilinis, dito ka lang." hinintay ko na lang na matapos si Maze sa paglilinis. Mukhang nawala yung antok ko kanina sa pagsigaw niya. "Kapag may kailangan ka sabihan mo ako. Alam mo naman yang nangyari sayo, pinag-alala mo tuloy ako lalo." Nakatingin lang ako sakanya habang pinapangaralan pa niya ako ng kung anu-ano. Naiinis ako dahil unti-unting nawawala yung tampo ko sakanya. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi nito basta ang alam ko lang lumapit ako sakanya at ginagawa ko kung anong magkakapagpatigil sa pagsasalita niya. I reach his lips to make him stop. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko but he manage to deepened it. Hindi ko alam na effective rin pala sa lalaki yung ginawa kong yun akala ko sa babae lang. Ako na mismo ang unang bumitaw ng matapos ko siyang hinalikan baka kung saan pa kami mapunta kapag hindi kami tumigil. "Inaatok na ako, matulog na tayo." Alam kong nabitin ito. Pero parusa niya rin yan saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD