Life was never worse but never better. - T.Swift
Nagmamadali akong bumaba ng kotse pagkarating ko ng bahay. Nakatanggap ako kanina ng tawag kay mommy na nakauwi na sila ni dad. Hindi mawala ang ngiti ko dahil sa wakas nakauwi na rin siya. Nakalimutan ko na rin na kauusapin ko si Maze. Sa ngayon si dad muna, alam kong maiinitindihan naman niya siguro. Ngayon si dad ang una kong kakausapin alam kong kadidischarge pa lang nito pero ngayon ako may lakas ng loob kausapin siya. Baka kapag hindi ko siya nakausap hindi nanaman ako mahanap ng pagkakataon. Please, Lord guide me, be on my side this time. Tahimik na panalangin ko.
Napatigil ako sa paglalakad saglit ng makita ang hindi ko inaasahang makita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para palit sa kanila. Nagtataka at may pagtatanong ng makita ko ito.
“Hey dad, I missed you.” bumaling muna ako kay dad bago muling binigyang pansin ang isang bisita. “Anong ginagawa mo rito, Wes?” hindi ko mapigilang inis sa tono ko.
“May pinag-usapan lang kami ng dad mo. Actually, inayos pala.” Mukhang nang-aasar pang sabit niya. Kaya lalo hindi ko na mapigilang mapakita ang ayaw kong ugali sakanya.
“Iha, don’t be rude to Wes. I’m the one who asked him to come here because I talked to him about the arrangement we agreed on before, and we already settled everything..”
“Dad!” hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses sakanya pero kasi…
“Wes, you should go now, I’m going to talk to my daugther.” Pinipigilan ko naman ang sarili ko ulit na magsalita pa ng masama. Sa tingin ko hindi ito ang right time na makausap si Dad. Iisipin ko ang kalagayan niya kahit mahirap saakin. Tumalikod naman na ako para umakyat sa silid ko. Sa ngayon iisipin kong kagagaling niya lang sa sakit kaya kailangan niyang magpahinga.
“You don’t want to here what we talk about earlier?” Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko alam kung gusto ko pang marinig.
“Magpahinga na kayo at ayokong marinig kung anong pinag-usapan niyo.” Kanina excited akong makausap siya ngayon parang bumalik na naman sa dati.
“Really? But he told me what happened last night, between you and Maze.” Ayoko mang magalit pa lalo kay Wes pero inumpisahan niya.
“Dad, Please, wag na muna ngayon. Iniisip ko ang lagayan niyo, ayokong ako ang maging dahilan ulit ng pagbalik niyo sa hospital. Pero sana intindihin niyo rin ako.” Habang nakokontrol ko pa ang sarili ko.
“Nag-usap rin kami ni Maze kanina sa hospital bago ako lumabas.” Pagkarinig kong nabangit niya si Maze napaharap agad ako sakanya, what about him? “Now, your interested huh.” Udyok naman nito.
“Ano nanaman ang ginawa niyo sakanya?” nanghihinalang tanong ko.
“Ikaw, hindi ko alam kung anak ba kita. Inisip mo agad kung may ginawa akong masama sakanya.” Mukhang nasasaktang sabi nito. “Nakakatampo ka na anak.” Nagulat ako dahil ngayon ko lang nakitang ganun magtampo si Dad. Para itong teenager.
“O my gosh, dad. Is that really you? I can’t believe you would do that.” Natatawa pa rin ako dahil hindi pa rin ako makaget-over.
“Alright, magpapahinga na nga ako mukhang napagod ako sa biyahe.” Pinaandar naman nito ang wheel chair niya gamit ang remote control. Pero na pigilan ko agad ito gusto kong marinig kong anong pinag-usapan nila ni Maze.
“So, ano nga ang pinag-usapan niyo ni Maze?” Ako naman na ang nangungulit sakanya ngayon.
“Tss, hindi ko pwedeng sabihin sayo. Saaming dalawa lang iyon nasa kanya kung sasabihin niya sayo pero saakin hindi ko pwedeng sabihin.” Seryosong ani nito. “But, Wes…”
“Nevermind, tatanungin ko na lang siya. Magpahinga na kayo.” Hindi ako interesado sa lalaking yun.
“Humingi ng tawad si Wes kanina.” Umpisa nito. Naghihintay naman ako kung anong susunod nito sasabihin kahit sinabi ko kaninang hindi ako interesado. “He told me that, his still wants to help our company even though I cancelled the arrangement between the two of you.” Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng sinabi ni Dad na kinancel nito ang arrange marriage. Although, hindi pa rin ako papayag kahit ipagpilitan pa nila. But…
“I don’t know, sinabi ko ng ibibenta ko na ang kompanya pero pinigilan niya ako at sinabing tutulungan niya raw tayo. But I guess there must be a big reason behind that.” Siguro kailangan ko rin siyang makausap. Hindi ko alam kung anong rason niya pero nagpapasalamat pa rin ako.
“So, that means hindi niyo na ibebenta ang company ninyo, babalik kayo sa pagtratrabaho?” Parang gusto kong ipabenta na lang dahil for sure hindi titigil nanaman katratrabaho si Dad and I can’t afford to get him a stroke again baka hindi na namin siya makasama kapag sa sumunod na nagkasakit nanaman siya.
"No, but I already gave it to the most trustworthy person I know, so you don't have to worry about that. You're both like your mom, saying it's better for me to just sell the company than go back to working again."
*****************
“Hoy, bawal ang nakapalumbaba at nakasimangot dito sa shop ko. Malas iyan sa negosyo.” Tinignan ko naman ng masama si Jho na siyang nagsabi nun. Nandito pala ako sa flower shop niya at kung tatanungin kung bakit wala ako sa shop dahil lalo akong na-iistress.
“Alam mo kapag nainis ako sayo, ikaw ang ilalagay ko sa limang daan peso. Bakit ba nakasimangot ka nanaman diyan? Hindi ka pa rin tinatawagan?”
“Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi pa rin siya sumasagot. Hindi ko alam bakit natiis niya na hindi ako kausapin ng tatlong araw. Ano bang problema ng lalaking iyon. May pasabi-sabi na naayos niya na yung problema pero ako, hindi niya maharap.”
“Alam mo baka busy at maraming ginagawa. Baka nakakalimutan mo yung isyu na pag-alis niya sa grupo nila hot topic pa rin hanggang ngayon. Alam mong hindi basta-basta madaling ayusin yun naranasan na natin yun.” Oo nga pala, nanggaling rin pala kami doon. Pero kahit na pa rin, yung isang yung hi! lang na pwedeng i-message bakit hindi niya magawa. Hindi ko tuloy alam kung buhay pa ba yung lalaking yun.
“Siya nga pala, Bakit nandito ka ngayon? Di ba kasal mo na bukas dapat na b-beauty rest ka na. Mahirap ang maistress noh.” Pag-iiba ko ng usapan ayoko ng isipin naiistress rin ako.
“Babalik rin ako sa hotel. Inaayos ko pa itong bouquet na gagamitin ko bukas.” Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at last magsesettle down na ang isa saaking mga kaibigan. Masaya kami para sakanya dahil mapupunta siya sa matagal niya ng hinihintay alam kung indenial siya nung una pero hindi nawalan ng pag-asang suyuin ni Clarke si Jhoanne.
“Hindi ka ba kinakabahan para sa wedding mo bukas?” Biglang tanong ko. Wala lang nacurious lang ako bigla.
“Nung una sabi ko sa sarili ko. Bakit naman ako kakabahan eh parang for formality lang naman yung mangyayari. Pero iba na pala kasi once in a lifetime na lang ito mangyayari saakin halo-halo na yung emotion na nararamdaman ko. Ngayon palang nararamdaman ko na yung mix emotion paano na lang bukas? Pinagdarasal ko na hindi ako magcollapse. Huwag kang mag-alala mararanasan mo yung sinasabi ko kapag ikaw na yung nasa sitwasyon ko.”
“Matagal pang mangyayari yan saakin. Baka mauna pa si Gette saakin.”
“Malay mo after kong ikasal, bukas ikaw ng susunod.”
“Asa ka.”
Pero sa totoo, umaasa rin ako.