Find another one 'cause she belongs to me- One direction
MAAGA akong umalis ng bahay para puntahan si Maze sa unit nila. Wala ring kwenta ang sinabi kong pahinga kagabi dahil hindi ako makatulog. Ganun pala yung feeling na kapag hindi niyo naayos ang problema wala kang peace of mind. Mabuti na lang at hindi ko naabutan si Mommy sinabi ng kasambahay kanina na maaga raw itong nakaaalis dahil aasikasuhin niya ang pagdischarge kay daddy sa hospital. Naalala kong ngayon pala gaganapin ang bridal shower ni Jho. Gusto ko sanang sabihin sakanya na hindi ako makakapunta pero baka magtampo ito.
Nang nasa tapat na ako ng Unit nila, hindi ko alam pero kinakain na naman ako ng takot. Kinakabahan ako baka kapag nagkaharap kami ay ipagtabuyan niya ako. Maraming negative thoughts ang pumapasok sakin. Bago pa ako magdoorbell bumukas na agad ang pinto, mukhang nagulat ang nagbukas nito ng makitang ako ang nasa labas.
"Nandiyan ba siya?" tanong ko kay Sage na siyang nagbukas ng pinto. Naintidihan naman niya kung sinong tinutukoy ko.
"Maaga siyang umalis kanina. Wala naman siyang sinabi kung saan siya pumunta." Seryong sagot nito. Napabasak na lang ang balikat sa sinabi niya para akong nanlulumo. Wala na akong lugar na pwede siyang hanapin.
"Sige, salamat. Babalik na lang ako." Paalis na sana ako ng may nakalimutan akong sabihin "Pwede bang tawagan mo ako kung sakaling nakauwi na siya. Huwag mo sanang sabihin na pumunta ako rito." Nakita ko ang pagtataka nito pero hindi naman ito nagtanong pa.
"By the way, did you two fight last night? We noticed it seemed like a big argument. He came home really late earlier and still looked drunk, then left early this morning. I don’t know what’s going on between you two, but I hope you can work things out." Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Alam kong pati sila naapektuhan rin dahil hindi naman kami ganito ni Maze.
"Sage!, bakit ngayon ko lang nalaman na hindi na pala nagrenew si Maze ng contract...Oh', Camilla nandito ka pala. Alam mo rin ba yung balita?" Nagtataka naman ako kay Wyn na mukhang kalalabas lang. Anong sabi niya? Impossible
"Mukhang hindi pa niya nasasabi saiyo, base in your reaction." Hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya iyon. Alam kong pangarap niya ito.
"Sorry, nalaman mo pa tuloy saakin. Baka sasabihin niya rin sayo." Napakamot naman ito ng batok.
"Ayos lang, sige aalis na ako. Thank you ulit." Tumalikod na ako at naglakad palayo.
"Tsk, ang daldal mo kasi." Rinig ko pang sabi ni Sage.
"Hindi ko naman alam na nandito siya. Mawawala nanaman ang isa saatin. Sinong susunod pagkatapos kaya. Baka iiwan mo na rin ako Sage."
"Tsk. Ang daldal mo."
***********************
"You really love music." Sambit ko kay Maze ng makita kong hawak nito ang gitara niya. Naamaze nga ako sakanya dahil ang dami niya instrument na alam tugtugin. Gusto ko rin naman ang music pero hindi tulad niya na halos hindi na siya pwedeng mabuhay kung wala ang mga ito.
"Yah, It is already my passion. I can't live without it." Nakita ko ang sigla at ngiti nito habang sinasabi niya iyon. "Dati pangarap ko lang ito. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang maabot itong pangarap na ito. Kinapalan ko na ang mukha kong mangutang dati para lang makapunta sa audition ng The Fame. Kaya isa sa mga natutunan ko habang papunta kung nasaan ako ngayon. Kapag gusto mo at mahal mo ang ginagawa mo walang imposible sa lahat ng bagay dahil makukuha mo ito kung gugustuhin mo."
"Paano kung biglang bawiin na pala lahat ng ito sayo o kaya mawalan ng gana sa ginagawa mo?" tanong ko naman dito. Nakita kong nag-iba ang expression niya ng tanungin ko iyon. Bigla itong nalungkot kahit hindi pa man nangyayari.
"Hindi ko alam, Dahil never kung inimagine na babawiin ito saakin. Hindi ko kaya. Kung sakali man na mangyari ang sinabi mo, babalik ulit ako sa umpisa kung bakit nga ba nagustuhan ko ang pagtugtog. At kung sakali man rin na mawalan ako ng gana, imomotivate ko ang sarili ko para balikan lahat ng pinagdaan ko noong nag-uumpisa pa lang ako. Bakit nga ba ginagawa ko ito? Hindi lang para magkapera kundi mahal ko itong ginagawa ko." And with that lalo tuloy akong humahanga at napapamahal sa kanya. Kaya pinangako ko rin sa sarili ko na hindi ako magiging sagabal sa pangarap niya at hindi ko hahayaan may kumuha nga ng mga ito sakanya.
Naiiyak na naman ako ng maalala ang mga sinabi niyang yun noon saakin. Maze, ano bang nangyayari sayo? Akala ko ba hindi mo hahayaan mawala ito sayo bakit parang ikaw naman na ang bumibitaw sa pangarap mo.
"Sagutin mo, please." Sambit ko sa sarili ko. Kasalukuyan ko na siya kinukontak kung nasaan ito pero hindi naman nito sinasagot ang tawag ko. Bakit out of coverage parati. Frustrated na rin ako. Bigla namang nagring ang phone ko inaakalang siya na tumawag pero nagkamali pala ako.
"Hello, Era?"
"Nasaan ka? Pupuntahan kita. Tumawag si Sage saakin. Nag-aalala siya sayo nung pumunta ka sa unit nila baka napano ka. Nagkita na ba kayo ni Maze?" Nag-aalalang bungad nito.
"Ayos lang ako. Hindi ko pa siya nakita tinatawagan ko pa lang siya."
"I think, hindi mo na siya kailangang hanapin. May interview siya ngayon kakamessage ni Sage. Nasa oficial page nila ibibigay ko ang link." Binaba naman nito ang tawag at naghintay ako ng ilang minuto bago makita ang pinasa niya.
"Maraming nagulantang ng iannounced ng manager niyo na hindi ka na raw pumerma sa contract niyo. Pwede ba naming malaman? Lalo pa't maraming fans niyo, especially on you na may pinakamaraming fan base. Maraming malulungkot sa pag-alis mo." Yun na agad ang naabutan kong tanong sakanya dahil nakalive ito. Hindi ko alam kung paano niya nagawang humarap sa kamera na alam niyang may pinagdaraanan siya at halatang pagod.
""First of all, I want to apologize to our supporters, especially my fans. I know this might disappoint some of you, but my mind isn’t changing. Just because I’m leaving the band doesn’t mean I’m completely leaving behind the friends I consider family. You all know me. I will still support all of you." Nakangiting sagot pa nito. Saan mo nakuha yang lakas ng loob, alam kong sa loob mo nasasaktan ka. Hindi ko maiwasang hindi umiyak habang initerview siya. Ganito rin ba yung mga fans kapag nalaman nilang aalis na ng group yung bias nila. Para rin ba kayong na heart broken? Dahil hindi niyo na sila makikita pa sa stage na tutugtog at kakanta.
"So pwede ba naming malaman kung anong rason bakit ka aalis? Naalala ko kasi dating rason ng band mate mo na si Mr. Clarke Robertson ay yung past girlfriend niya na ngayon ay ikakasal na sila. How about you, Marriage din ba, kaya ka aalis? Or totoo yung rumors na may girlfriend ka nga?. Pumili ka lang sa dalawa kung alin ang gusto mong sagutin, pero mas maganda rin kung pareho mong sasagutin." biro pa ng host. Mukhang pinapagaan niya lang ang atmosphere ng conversation.
"Yes... I have a girlfriend. And to be honest, we had a little argument. But when you're watching this, hon, I've already fixed it. Kaya wag ka ng iiyak, ayokong nakikita kang umiiyak. And about the marriage thingy. I'll just keep it as a secret. " Parang kaharap ko lang siya ng sinabi niya. At anong ibig sabihin niyang he already fix what?
"Ay, sayang naman. So I’m assuming she's the reason why you’re leaving?"
"No... eventually, she's been very supportive of my career. If she’s watching this, she might be crying thinking that she won’t be able to see me go on stage and sing anymore. Baka isipin ng iba siya ang dahilan but no. It's my own decision at wala siyang kinalaman doon. So, please stop hating her. It's just that, I found another dream that can make me happy."
"Aw, that was such an inspiring message for all of us. Thank you for being a guest in our interview with Mr. Maze Miller. I truly hope our paths cross again soon. Wishing you all the best as you take on this new chapter of your journey!"
"Thank you also for inviting me." That's it pero marami pa rin akong tanong na gusto kong masagot niya mismo saakin. Humanda ka saakin pag nagkita tayo.