Anong gagawin ko? Nakauwi na kami ni Lix. Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi ko na alam. Nahihirapan na ako. Humiga ako sa ratan sofa na kinaruruonan ko. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng bahay. Nagpapahangin at nag-iisip ng dapat kong gawin sa sinabi ni Jasmine. Sa oras na baliwalain ko ang sinabi niya ay alam kong mawawala na saakin si Lix. Pandidirian ako ng mga tao kapag nalaman nila iyon. Hindi ko mapigilang mapaluha. Gusto kong sabihin kay Lix. Ngunit natatakot ako. Hindi niya ako pinapansin. Ano bang nagawa ko sa kanya? Wala naman akong ginawang masama para ipagselos niya ng ganon si Zen. Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Imary ang nangyari sa school. Pero hindi ko itinuloy dahil baka mas lalong lumalala lang ito. Knowing her paniguradong susugurin niya si Jasmine at

