"Sino yan? Ba't hindi mo sagutin?" Today is Monday at sabay kaming pumasok ni Lix. Habang nasa biyahe kami ay kanina pa tunog ng tunog ang phone nito. May tumatawag ngunit hindi niya iyon pinapansin. "It's not that important." Sumulyap ako sa phone nitong nasa dashboard ng muli na namang tumunog iyon. Tinignan ko si Lix at wala nga siyang balak sagutin iyon. Napabuntong-hininga ako bago inabot ang phone nito upang sagutin iyon. I saw Lix look at me but he didn't stop me from answering his phone. Tinignan ko muna ang I.D caller pero number lang iyon at walang pangalan. I swipe the green button and put the phone in my ear. "Hello? Babe? Finally! You answered! Kanina pa kita tinatawagan." Tumaas ang aking kilay ng makikila kung sino ang nasa kabilang linya. I look at Lix pero nasa daan

