"WHAT THE HECK was just happened?" Bulong ni Imary sa akin. Nasa loob na kami ngayon ng bahay ng Tito niya. Buti na lang at naawat ko si Lix kanina. Halatang galit ito at para bang gustong balian ng buto si Zen. I look at Lix na nakaupo sa tabi ko. Nakasandal ito sa sofa at nakatingala. Pinapakalma ang kanyang sarili. Napalunok ako. Ramdam kong galit ito. Sino ba namang hindi magagalit? Harap-harapang hinalikan ng isang lalaki ang girlfriend nito. Kung ako rin ang nasa kinatatayuan niya ay paniguradong tanggal ang buhok ng babaeng gagawa niyon sakanya kung sakali. Kinuha ko ang kamay nitong nakakuyom. I intertwined my finger into his. Hinaplos ko ang likod ng palad niya at sumandal sakanya. "I'm sorry. Hindi ko alam na gagawin niya iyon. Hindi ako nakaiwas." Bulong ko sakanya. Nagmul

