5: Change of Plan

1643 Words
5: Change of Plan MARCUS POV HINDI KO alam kung anong mararamdaman ko sa sandaling 'yon. Ang babaing tinawag kong Anghel at itinuring kong future wife ko kagabi sa bar, ay ang mismong asawa ko. Ang asawang ni-reject at ipinadala ko sa ibang bansa pagkatapos ng kasal. Para hindi ako maobligang pakisamahan siya. Dahil lang isa siyang matabang babae noon. Ang babaing sinabihan ko nang. "Uuwi ka lang nang bansa para sa annulment natin." I clearly remember that. Kaya sa halip na ilabas ko ang dala kong dokomento na parang basura ko lang na inilagay sa bulsa ko pag-alis ko ng office. Nagtagpuan ko ang sarili kong nagsisinungaling na lang ako kay Yana ma hindi ko dala ang dokomento. Boung magdamag akong hindi pinatulog ng asawa kong hindi ko man lang nakilala. "How stupid of me." Kaya sa boung durasyong ng pag-uusap namin hindi na ata gumana ang utak ko. "Teka... Yana saan ka...." dala nang pagkataranta ko ng aktong tatayo na ito ay mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. Baliw na ba ako para maramdaman kong ayaw ko siyang umalis ngayon sa harapan ko? At parang naiinsulto ako ng mabilis niyang bawiin ang kamay niyang tila nandidiri sa hawak ko. Ramdam ko ang usig ng konsensya sa pagkatao ko. I was mean to Yana kahit unang beses lang kaming nagkita sa araw ng kasal namin noon. Pero ano pang magagawa ko ngayon. "I had no reason to stay." tila noon ako natauhan kaya napatitig ulit ako sa magandang mukha ni Yana. "Saka may mga gagawin pa ako. Tawagan o i-text mo na lang ulit ako kung ready na ang dokumento." tuluyan akong inataki ng kaba ng tumayo si Yana. Gusto ko siyang pigilan pero pano? Anong idadahilan ko? "Nice meeting you again Mister Spencer." paalam nito at naglakad na palayo. Tila may latigong humahagupit ngayon sa kalooban ko. Kaya't nakuyom ko ang aking kamao. Nag-uunahan rin ang bilis nang pintig sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin ngayon. Hindi ko alam kung para saan, pero isa lang ang sigurado ko. Pagsisisihan kong aalis si Yana. Kaya't mabilis akong tumayo at sinundan ko siya. Walang pagmamadali ang lakad ni Yana pero pakiramdam ko napakalayo niya at ang hirap abutin. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga lalaking naroon. "Mukhang break up ang issue nila, sayang!" dinig kong saad ng isang lalaki. Muli na naman akong inusig ng konsensya ako. For six years. I keep telling everyone and acting like I am single man. Pero si Yana sinabi niya sa mga lalaking 'yon na may asawa na siya. I clearly hear that. Kaya't lalo akong inuusing ng guilt na hindi ko alam kong para saan. Binilisan ko pa ang hakbang ko para maabutan ko ang asawa ko. At gusto ko siyang takbuhin ng makita kong muntik na itong matisod. Kinabahan ako! Kaya't mabilis akong napatakbo subalit bago ko pa man masagip si Ayana isang lalaki ang bigla na lang sumulpot mula kung saan. "Careful Miss," dinig ko ang malalim na tinig ng lalaki. "Sa---salamat." tila nahihintakutang saad ni Yana na napahawak sa braso ng lalaki. At kitang kita kong nagkatitigan ang mga ito. At biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi ng lalaki as if he knew Yana. "Ayana Villareal?" it was like something had hit me nang tawagin ng lalaking iyon si Ayana. Magkakilala ba sila? "Fvck who the hell!" di ko mapigilang sambit. "Kilala ba kita, Sir?" bakas ang kalituhan sa tinig nitong napatitig pa sa lalaki. Infairness may hitsura rin naman ito kaya lalo akong nate-threaten---- Teka, ako na threaten. Never. Hindi naman siya kilala ni Ayana. "Hunter, Hunter Velasco!" excited na usal ni Yannah na natakpan pa ang bibig. Lalong nag-iinit ang ulo ko ngayon. "Long time no see, tumangkad ka na ngayon ah." biro pa nang lalaki na hinawakan ang ulo ni Yana. Bakit parang masyado ata silang close? AYANA POV MUNTIK ko nang mayakap si Hunter ng makilala ko siya. His one of my closest friend noong high school kami bago ako tumigil sa regular school. Dahil naghomeschooling na lang ako noong magsimulang lumaki ang katawan ko. Pero kahit ganun dinadalaw pa rin ako ni Hunter at Chantel. Sila lang ang maituturing kong totoong kaibigan ko noon. Pero pinadala si Hunter ng pamilya nito sa ibang bansa at bigla na ring naputol ang komunikasyon namin. "Natutuwa akong makita ka ulit, nagpunta ako sa Santa Catalina noong makabalik ako three years ago pero sabi ni Lolo Juancho nasa New York ka na daw. At nag-asawa ka na." may gumuhit na lungkot sa mata nito na hindi ko maintindihan. Guwapo na si Hunter noon pa man. Kaya hindi ko alam kong bakit mas pinili niyang maging close sa akin na chubby, gayong maraming babae ang nagpapacute dito noon. "Ang lungkot naman, wala na 'yong chubby cheeks mo." natatawang saad nito na umangat pa ang kamay para pisilin ang mukha ko na madalas nitong gawin. Pero bago pa man mahawakan ni Hunter ang pisngi ko ay isang kamay ang tumabig sa kamay ni Hunter. "Kamay mo pare!" anang iritadong tinig na nasa tabi ko. Kita ko ang madilim na anyo ni Marcus nang lingunin ko ito, bagay na ipinagtaka ko. Bakit parang galit siya? "Sino ka naman?" halatang asar ring saad ni Hunter. "I'm her husband!" Deklara ni Marcus na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon. Kailan pa ito naging proud na ipakilala ang sarili bilang asawa ko. Samantalang kagabi ipinagmamalaki pa niyang single siya. "Ah... ikaw iyong sinabi ni Chantel na ipinadala si Yana sa New York after ng kasal n'yo." "Nagkita na kayo ni Chantel?" "Sa airport kahapon pauwi ata siya sa Mindoro. Galing rin ako doon, may binibili kasi akong property doon." paliwanag nito. "So hatid na kita. Saka ko na lang pupuntahan 'yong sadya ko dito." "Hindi mo na kailangang ihatid ang asawa ko. I can do that myself!" sa ikalawang pagkakataon ay nilingon ko si Marcus. Dalawang beses na niya akong ina-address bilang asawa niya. May munting kasiyahan sa puso ko pero kaagad ko ring sinaway. Dalawang bagay lang ang naiisip kong dahilan kaya umaakto si Marcus na parang may paki-alam. Una dahil payat na ako at maganda, at ikalawa ang pride niya. Sigurado akong iyon lang ang dahilan kaya niya ginagawa ang kilos niya ngayon. Lakas loob kong hinarap si Marcus. "Mister Spencer, magkita na lang ulit tayo kapag handa na ang dokumento para sa annulment. Wala namang dahilan para ihatid mo ako." lakas loob kong saad na ikinagulat nito kasunod ng pagtangis ng bagang nito. "Kung ganun, ako nang maghahatid kay Chubby." pabirong saad ni Hunter na inakbayan pa ako. MARCUS POV GUSTO KONG magwala sa galit sa sandaling 'yon. Ako nireject nang asawa ko sa harap ng ibang lalaki. Who even call her chubby. "Damn it!" asar akong nagdrive patungo sa residence ko. "Buwisit!" gigil na lintaya ko at sa inis na nararamdaman ko, sinipa ko pa ang dulo ng sofa na ikinamura ko ng malakas dahil tumama ata sa matigas na bagay ang kuko ko. Kulang na lang maihi ako sa sakit. "Damn it!" "Anong problema mo ha!" "P*tang ina!" Bulalas ko nang biglang sumulpot si Vladimir mula sa kitchen. "Lakas magmura nito ah! Problema mo ba?" baliwalang saad nitong naglakad dala ang niluto ata nitong crackers. "Yohan iyong beer." tawag nito kay Yohan na dala ang can ng beer. "Bahay n'yo ba 'to ha?" pikang sikmat ko ng buksan pa ni Vladimir ang TV sabay taas ng paa sa sofa. At home na at home ang luko. "Bakit ba bad mood ka, eh noong isang gabi lang nag-se-celebrate ka pa para sa freedom mo?" usisa ni Yohan na binuksan ang beer nito. Pa-ika-ika akong naglakad sabay kuha ng beer na binuksan nito. Nagpupuyos ang kalooban ko sa sandaling 'yon. "Paano niya nagawang ipahiya ako sa harap ng ibang tao!" lintaya ko sabay kuyumos ng can ng beer na sinaid ko ang laman. "Ano bang sinasabi mo?" "Iyong asawa ko, mas pinili niyang sumama sa isang ugak na lalaki kaysa sa akin! Huh! The hell!" Lalo akong napikon nang pagtawanan nila ako. "Kaya pala ganyan ka. Pero diba makikipagdivorce ka na, so anong masama kung ibang lalaki ang samahan niya. Sabi mo nga wala ka namang paki-alam sa asawa mo. Unless nagbago ang plano mo?" lintaya ni Vladimir. "Bigla ka bang na-inlove sa asawa mo nang magkita ulit kayo? Paano na si Angel mo?" "Ang asawa ko at si Angel ay iisa---" "What!" sabay na bulalas ng mga ito. "Sira ka ba? Ano 'yon hindi mo kilala ang babaing pinakasalan mo?" Tuya ni Yohan na ikinasimangot ko. "Teka ibig mong sabihin, hindi mo talaga kilala ang asawa mo?" di makapaniwalang saad nito. "That's explain it! At dahil hindi ka nag-efforts na makilala siya noon. Nagsisi ka ngayon. Dahil ang magandang babaing tinawag mong future wife ay asawa mo pala...tsk..tsk.. mahirap 'yan. Kung ako 'yong babae, bakit ako magkakagusto sa asawa kong hindi man lang naging interesado sa akin. Sympre doon ako sa lalaking handa akong sambahin." di maitago ang pang-aasar sa mukha ni Vladimir. "Kung ganun, I'll make her fall for me. Hindi ako papayag na basta na lang matapos ang lahat ng ganito lang. I win her heart no matter what!" "Pustahan tayo pare, hindi mo makukuha ang asawa mo in six months." si Yohan. "Make it three months! Wala pang babaing tumangi kay Marcus Spencer." madiing saad ko. "Okay, five million each." si Yohan. "Makukuha mo ang ten million kapag nanalo ka, pero kapag talo ka sampung milyon ang ibibigay mo." "Wow! Cool, go ako d'yan.!" excited na sang-ayon ni Vlad. "Deal!" seryosong saad ko. Kumpiyansan akong makukuha ko ang gusto ko. At kapag nangyari 'yon. Saka ako makikipaghiwalay kay Yana. Hindi ko matatangap na kaya niyang piliin ang ibang lalaki kaysa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD