6: The Visitor
AYANA POV
"SALAMAT HUNTER," ani ko kay Hunter ng maihatid na niya ako sa tapat ng building ng hotel na tinutuluyan ko.
"Lunch siguro sapat ng bayad." anitong hinimas pa ang t'yan. Oo nga pala may ka meeting ito sa restaurant pero hindi natuloy dahil hinatid niya ako.
"Sige, masarap ang pagkain sa restaurant malapit dito," aluk ko kay Hunter na kaagad namang ngumiti. Dahil malapit lang ang restaurant kaya naglakad na lang kami.
"Yan lang ang kakainin mo?" tanong nito ng makitang salad at ice tea lang ang lunch ko. "Baka masobrahan ka naman sa diet. Kaya siguro pumayat ka nang ganyan. Ang cute mo noong medyo chubby ka pa." nakangiting saad nito.
"Ah... talaga, pero ang hirap rin kumilos kapag sobrang taba. Mas tumaba kasi ako noong nag-18 ako. Ayaw ko nang bumalik sa ganung katawan kaya---"
"Yana, hindi naman dahil kumain ka nang marami tataba ka na. Sabi ni Chantel hormonal imbalance ang dahilan ng pagtaba mo noon kaya, I'm sure, maiingatan mo ang sarili mo ng hindi mo dinidiprive ang sarili mo sa pagkaing gusto mo." paalala nito.
"Sige tatandaan ko 'yan. Pero nag-early lunch kasi ako kanina kaya ito lang kakainin ko ngayon. Kain ka na rin." aluk ko sa kanya. Naging magana ang pagkain ni Hunter at pansin kong panay ang sulyap niya sa akin at namumula rin bahagya ang mukha nito sa tuwing titiganan ko siya.
Tanda kong mabait si Hunter. Nang biglang lumubo ang katawan ko kahit hindi naman ako malakas kumain noon. Akala ko magbabago ang pakikitungo sa akin ni Hunter. Dalawang taon noon sa high school na ako ang Miss Campus representative, pero noong magsimulang lumaki ang katawan ko, maraming nanuya sa akin na para bang kasalanan kong bigla akong tumaba.
Nadepress ako noon, pero si Hunter hindi siya nagbago ng pakikitungo sa akin. Kaya lang lalo lang akong na bully noon. Kaya noong 10th grade ko pinilit ko si Lolo Juancho na maghome schooling na lang ako. Si Chantel at si Hunter lang ang alam kong totoo sa akin noon.
"Bakit ka nga ba biglang umalis noon Hunter?" usisa ko. "Buti na lang hindi ako iniwan ni Chantel, kaya pati sa New York sinundan niya talaga ako. Ang suwerte ko na may bestfriend akong tulad niya." pagmamalaking sabi ko.
"Dapat lang na hindi ka niya iwan." seryosong saad nito.
"Ano?" kunot noong tanong ko na ikinatawa nito.
"Ang ibig kong sabihin ganun talaga dapat ang magbestfriend." anito sabay iwas ng tingin.
"Ah basta si Chantel pa rin ang pinaka the best sa lahat." natatawang giit ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpalitan na kami ng number ni Hunter. Ihinatid rin niya ako hanggang sa entrance ng hotel.
Kaya't masaya akong nakabalik sa unit ko. Ako ata ang may masuwerting kaibigan dahil nakatagpo ako ng totoong mga tao tulad nila Hunter. Pagkatapos kong gawin ang ilang design para sa upcoming winter event ay nakaidlip na ako.
MARCUS POV
"SIR NASA isa sa mga hotel na pag-aari n'yo nakatira ang asawa n'yo." napatuwid ako ng upo sa sinabi ng detective. "Sa Blu Moon Hotel po." anitong ikinangisi ko.
"Good. Salamat Dave." excited kong saad saka tinapos ko na ang tawag. Mabilis akong nagtungo sa residence ko para maligo ulit at magbihis. Naka-ilang palit pa ako nang damit. Para akong tanga. Iyong ang pakiramdam ko.
"Sir may meet---"
"Cancel all my meeting today, Sally."
"Sir...pero." dinig ko pa ang protesta ni Sally pero hinayaan ko na lang. Mas mahalaga na makita ko ang asawa ko ngayon.
Nagkagulo ang lahat ng dumating ako sa hotel. Pati ang hotel manager ay napatakbo pa para salubungin ako.
"Sir, masaya kaming madalaw n'yo ang branch namin." anang ni Mr. Dela Rosa na pinunasan pa ang nangingintab na noo nito.
"Actually hindi ako dumalaw para sa business matter. Nandito kasi ang asawa ko." pabulong kong saad dito.
"Ho! May---"
"Sshh!" sinenyasan kong tumahimik si Mr. Dela Rosa.
"Make sure to give her special treatment habang nandito siya, may kaunting misunderstanding lang kami kaya umalis siya nang bahay."
"Ah sige sir, ihahatid ko na ba kayo sa unit niya, sino pala 'yong Missis mo?" usisa nito.
"Unit 707. Ayana Villareal Spencer. She's my wife. Make sure she's comfortable while she's here." ulit ko saka ko siya iniwan. Gusto kong matawa sa sarili ko. Noon halos ipagsigawan kong single ako. Pero ngayon ako pa mismo ang nagkakalat na may asawa na ako. "Pambihira!" Barya lang naman ang ten million na pustahan namin pero kapag natalo ako pride ko naman ang masasaling at iyon ang hindi ko matatangap.
Papasok na ako sa lift ng napahinto ako. "Sir?" takang tanong ni Mr. Dela Rosa na nakasunod pala sa akin.
"Kailangan ko pa ba ng bulaklak?" bigla itong ngumiti sa tanong ko.
AYANA POV
NAALIMPUNGATAN ako sa katok sa pinto. May room cleaning na ba? Inaantok na bumangon ako. Nagpatong lang ako ng bathrobe saka ako lumapit sa pinto.
Subalit ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang isang bouquet ng bulaklak na ikina-atras ko. Base sa tindig ng taong may hawak noon ay mukhang matangkad at matipuno ang katawan nito. Nanunoot rin sa ilong kong panlalaking amoy nito. Mabango 'yon at hindi masakit sa ilong. Pero kumati ang ilong ko dahil sa mga bulaklak. Lalo na nang ibaba nito 'yon. Natakpan ko pa ang bibig at ilong ko dala na rin nang pagkagulat nang makita ko si Marcus.
"Surprise!" anito sabay kindat. At basta na lang pumasok sa unit ko.
"Teka, paano mo nalamang nandito ako? Saka anong ginagawa mo---" hindi ko nanatapos ang sasabihin kong nang bigla akong bumahing. "Achoo!" sunod-sunod na bahing ko... "Please... alisin mo 'yan..." paki-usap ko sa kanya sa maluha-luhang mata. At sunod sunod na akong napabahing.
Tarantang kumilos naman ito at inilabas ang bulaklak. "Sorry, may allergy ka pala sa flowers." Dinig kong saad ni Marcus pero hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko ang gamot sa bag ko at mabilis na uminum.
Kumuha na lang ako ng panyo para takpan ang siguradong namumula kong ilong. I had severe allergy on pollens since childhood.
"Pasensya na!" may emosyong dumaan sa mata nito. "May kaibigan ako noon na may allergy rin sa bulaklak." Saad nitong ikinatitig ko dito. "Malaki na siguro siya ngayon." tila nangangarap na saad nito.
"Ah ano nga palang ginagawa mo dito? Saka paano mo nalamang nandito ako?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko naman sinabi kila Lolo Juancho ang pangalan ng hotel na tinutuluyan ko.
"I have my ways Yana?"
"So, bakit pumunta ka pa dito? At may pabulaklak ka pang nalalaman?" usig ko ng makabawi na sa kati ng ilong ko. "Para saan naman 'yon? Hindi mo naman siguro ako planong suhulan dahil hindi naman ako tutol sa annulment na gusto mo." hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkasira ng guwapong mukha ni Marcus.
"Huwag kang mag-alala hindi naman kita tatakasan eh. Tatawagan mo lang ako kung hawak mo na ang mga documento. Or I can get it for you kung busy ka." dagdag ko pa.
"Bakit parang bigla kang nagmamadaling makipaghiwalay ngayon Yana?" usig nito na ikinatawa ko, saka ko kinusot ng panyo ang ilong ko.
"Ako ba ang nagmamadali, for all we know ikaw itong diring-diri sa akin noon ng ipakasal ako sa'yo ng Lolo mo. Hinding hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo noon. At hindi ba kaya mo nga ako pinauwi ng madalian? Magpapaksal ka na ba sa isa sa mga babaing i-dinidate mo."
Muntik na itong masamid sa sinabi ko.
"Huwag kang mag-alala hindi na rin naman ako interesado pa. Narealized kong sayang lang rin ng efforts ko. Alam mo ba kung bakit pumayag akong magpakasal sa'yo noon?" tanong kong ikinatitig nito sa akin. "Gusto kasi kita, kaso hindi mo ako gusto." kitang-kita kong nanlaki ang mata nito at namula ang mukha ni Marcus. "Yan nasabi ko na, naisip kong tama lang 'yon para magaan sa pakiramdam ko. May gagawin pa ako kaya kung puwede..."
"Ngayon hindi mo na ako gusto?"
"Hmmp... I clearly heard you say na single ka nang gabing 'yon. I realized I just wasted my time on you. Pero hindi mo naman kasalanan 'yon nagkataon lang na mataba kasi ako at hindi 'yon pasado sa standard mo."
MARCUS POV
PARA akong sinisipa ni Yana sa bawat bigkas niya nang salita. Pumayag siyang magpakasal dahil gusto niya ako noon?
"Gusto mo na talaga ako noon?" wala sa sariling tanong ko. Pero ngumiti si Yana.
"Ano pang saysay nang nakaraan kong nandito na tayo sa kasalukuyan. Pero dahil naman sa'yo kaya nagsumikap akong baguhin ang buhay ko. Kaya sa tingin ko, karapatan nating pareho ang lumaya sa kasal natin. Iyon na rin ang gusto ko ngayon." sumilay ang ngiti sa magandang labi nito.
Habang ako, parang dinudurog ng pison ang pagkatao ko nang ngiting 'yon. Why the hell am I feeling this pain? Bakit masakit na ayaw na sa akin ni Yana?
"Kung wala ka nang sasabihin makaka-alis ka na." taboy nito.
"Yana kasi...ah. Iyong tungkol sa annulment. Galit na galit sa akin si Lolo at---"
"Don't worry. I'll talk to Lolo Fred, galit lang iyon kasi nahihiya 'yon sa Lolo ko. Ako nang bahalang magpaliwanag pag-uwi ko."
"Grabe ka naman, siguro sa'yo hindi magagalit 'yon. Pero sa akin. Sabi niya kukunin raw niya ang shares niya kapag natuloy ang annulment at ipapamana niya doon sa isang apo niya na hindi ko pa nakikilala. Kaya..." hindi ko alam kong anong pinagsasabi ko ngayon. Mukha akong desperadong ewan sa harap ni Yana. Pero bahala na.
Totoong may pinsan akong hindi ko pa nakikilala kahit minsan at totoong ililipat daw ni Lolo Fred ang mamanahin ko sa pinsan kong 'yon kapag hindi ko pinakasalan noon si Yana kaya wala akong choice noon kundi ang sumunod na lang at pumayag.
" Kaya..."
"Eh bakit nagdesisyon kang makipaghiwalay kong ganun pala. " sansalang usig nito. " At ano naman ang paki-alam ko sa mamanahin mo. Mayaman ka na kaya okay lang kahit ipamana ni Lolo Frederico sa iba ang shares niya hindi ba Mister Billionaire?" patuyang saad nito as if she know I am lying. Updated pala siya tungol sa status ko. A year ago I was featured in Elite magazine at binigyan ng nickname na Mister Billionaire nang manalo at mapili ako bilang Young Business Entrepreneur nang Asia. "Alam kong nagsisinungaling ka sa akin, Marcus." deretsang saad ni nito.
Oh Fvck I'm so stupid. But knowing Yana's being aware of my career the past years, parang gusto ko na siyang yakapin. Ang sexy kasi niyang nakabathrobe lang. Parang gusto ko tuloy siyang hubaran.