7: Threat
MARCUS POV
"SALLY, WALA dapat akong schedule meeting sa weekend okay." Bilin ko kay Sally matapos nang huling meeting ko sa mga manager ng mga hotel na pag-aari ng kompanya. I owned several hotels sa boung Metro Manila at sa ilang bansa sa Asya. At may na-acquire rin akong Logistic Company few years ago. Malaking tulong ang logistics para sa Malaking mall na pag-aari ng Spencer Global Inc na matagal nang pinasimulan ni Lolo Frederico. Noong dalawang mall lang ang mayroon. Pero ngayon. Hindi lang sa Maynila maging sa iba't ibang lungsod sa bansa nagkalat ang SGI Malls.
Dumiretso ako sa office ko para magbihis. Plano kung puntahan si Yana ngayon. Matapos akong paalisin ni Yana sa hotel, noong nakaraang araw hindi ko na siya nagawang puntahan ulit naging busy na kasi ako nang sumunod na araw.
Wala kasi akong maisip naidadahilan sa kanya. Hindi ko naman puweding dalhin ang annulment paper para lang magkaroon ako nang dahilan para lang makita siya.
Nababaliw na siguro akong hindi ko magawang alisin si Yana sa isipan ko. Idagdag pang ayaw ko ring matalo sa pustahan namin ng mga kaibigan ko. Hindi ako puweding matalo. Malaking halaga rin ang sampung milyon. Isang mid type luxury car na 'yon kaya sayang.
Nagpalit lang ako nang damit saka ako nagdrive patungo sa hotel na tinutuluyan ni Yana.
Pero ganun na lang ang gulat ko nang sabihin sa akin na nagcheck-out na si Yana kaninang umaga. Sa inis ay tinawagan ko ito. Ilang ring bago ito sumagot kaya't medyo naasar pa ako.
"Nasaan ka ba?" kaagad na bungad ko dahil kinabahan talaga ako nang sabihing umalis na siya sa hotel. "Bakit hindi ka man lang nagsabing aalis ka na?" medyo umalsa ang boses ko. Muntik na akong tubuan nang uban dahil nagpanic kaagad ang utak ko.
Bakit kasi napaka-incompetent ng manager nang hotel. Didn't I clearly told him na asawa ko ang isang guest nila. Sana man lang nireport nitong umalis na si Yana.
"Bakit ko naman kailangan sabihin sa'yo kong nasaan ako, at bakit kailangan kong magpaalam sa'yo ha, Mister Spencer?" bakas ang amusement sa tinig nito at halata kong nakatawa siya habang nagsasalita. "Kung tungkol sa annulment sa tingin ko mas magandang ang lawyer ko na lang ang kausapin mo, bye"
"Teka..." end call na ang sumagot sa akin. "Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to Yana. Gumaganti ka ba ha? Kainis!"
Pikong bumalik ako sa kotse ko, saka ko tinawagan si Lolo Frederico. " Lolo, andiyan ba si Yana?" asar na bungad ko.
"Aba, lakas nang pang-amoy mo ah." tumawa pa ito. "Oo nandito ang maganda kong apo. Ang tanga mo talagang bata ka ano." pang-aasar pa nito.
"Grabe ka naman sa akin, Lo, saka bakit hindi mo man lang sinabing nandiyan siya?" usig ko dito.
"Oh eh diba nga gusto mo nang annulment. Mukhang plano niya kaming kausapin tungkol doon..."
"Lo, makinig ka. Huwag mong sabihing papayagan mo si Yana."
"Sira ulo ka, ikaw ang may gusto nito, batang 'to."
"Bakit bawal bang magbago nang isip?"
"Teka, huwag mong sabihing...." tumawa ito ng puno ng kagalakan. "nagkagusto ka na sa asawa mo, aba'y magandang balita 'yan." Excited na saad ni Lolo Frederico.
YANA POV
"AKALA ko wala ka nang planong umuwi pa dito, apo. Ang lungkot namin dito." tila nagtatampo pang saad ni Lolo Juancho. Nagulat pa akong magkapitbahay na sina Lolo Juancho at Lolo Frederico. Parang naging boundary kasi ng dalawang malawak na lupain ang dalawang magkabilang bahay. Ang kanang bahagi patungo sa kabundukan ay pag-aari ni Lolo Frederico at sa kaliwang bahagi naman na nasa dalawang hektarya ay pag-aari naman ng lolo ko. Isa ang pataniman ni Lolo nang mangga ang supplier ng mga matatamis na mangga sa karatig bayan ng Santa Catalina.
Naroon kami ngayon sa kubo.
"Lolo naman, nagtatrabaho po ako kaya hindi ako nakaka-uwi." Pagsisinungaling ko. Ang totoo, matagal ko nang gustong bumalik. Pero ayaw ni Marcus dahil hindi ito pumapayag. Ang dahilan ko na lang ay si Marcus ang nagpupunta sa akin sa New York na kahit minsan naman ay hindi nangyari.
I been lying to may grandfather since I married Marcus. Pero ngayon kailangan ko nang sabihin sa kanya na maghihiwalay na kami.
Alam kong mauunawaan niyaa ako.
"Lolo kasi po may sasabihin ako."
"Ano ba 'yon...sandali tikman mo itong manga, apo. Wala pa sa season ito pero ang dami nang bunga at napakatatamis. Alam mo ba ang ibig sabihin noon apo?" masayang ngiti ang sumisilay sa labi nito.
"Ano po?" tanong ko sa pagitan ng panguya, talagang matamis nga ang mangga.
" Ibig sabihin noon, magkaka-apo na ako sa tuhod sa wakas." anitong saka malutong na tumawa. "Sinabihan ako ni Fred na uuwi ang asawa mo. Aba'y dapat lang na magsama na kayo nang mas matagal." excited nitong saad.
"Lolo kasi..." kainis naman, bakit ba siya umaasa? Paano ko naman siya bibigyan nang apo sa tuhod. Maaga akong naulila sa magulang ko kaya si Lolo Juancho na ang nagpalaki sa akin. Kaya nga hanggat maari ayaw ko siyang biguin. Kahit alam ko naman na hindi ako magugustuhan ni Marcus noon, pumayag na rin ako para kay Lolo. Suwerte na lang dahil noon pa man gusto ko na talaga si Marcus.
"Nandito na pala kayo, apo may dala akong suha, paborito mo ito, galing 'to doon sa paanan ng bundok, katatamis ng mga ito." masiglang turan ni Lolo Fred na palapit sa amin.
"Hay pinakita mo naman ang suha na 'yan, muntik nang maaksidente ang apo ko dahil d'yan noon." saway ni Lolo Juancho sa kaibigan nito.
"Ay sus, ngayong may asawa na si Yana, iyong apo ko ang bahalang manguha nang suha para dito sa paborito nating apo. Tamang-tama ang pag-uwi n'yo apo. Natapos na iyong magiging bahay n'yo ni Marcus kapag nandito kayo. Gusto ko sanang dito na lang kayo kaso naman nasa Maynila ang main company. Wala kasing hilig si Marcus sa ganitong hanapbuhay. Kaya sana naman marami kayong maging anak para may isa o dalawang apo kaming magkaka-interest sa lupa. Marami kasing tao ang umaasa dito sa Hacienda."
Kulang na lang lumubog ako sa lupa dahil sa pinagsasabi nang mga matatandang kaharap ko. Gusto ko nang mainis. Wala man lang bang ka-ide-ideya ang mga ito na pinauwi ako ni Marcus dahil maghihiwalay na kami. Hindi pa ba sinasabi ni Marcus ang tungkol sa annulment?
Ako talaga ang gagawin niyang kontrabida. Pero bahala na.
"Ahmm...ano po kasi mga Lolo...." muling natigil ang sasabihin ko nang kapwa kami napatingin sa kotseng ngayon ay palapit sa diresksyon namin. Buti na lang sementado na ang daan na kaya hindi na maalikabok. Huminto sa parking space katabi nang isang lumang pick up ni Lolo Fred ang kotse.
At muntik ko nang mailuwa ang kinakain kong suha nang makita kong umibis doon si Marcus. Napakagwapo nito na tila isang modelong naglalakad para ipakita sa madla ang angking kaguwapuhan nito. He was wearing a faded blue jeans at itim na t-shirt short sleeve polo and black rubber shoes. Inalis pa nito ang shade nito kaya muntik nang lumuwa ang mata ko.
"Bakit ba pinagpala nang kagawpuhan ang lalaking tulad niya." Lintaya ko kasunod ng tikhim ni Lolo Fred.
"Mana kasi sa akin apo." may pagmamalaking saad nito. Muntik ko nang matakpan ang bibig kong napabaling ako kay Lolo. Napalakas ata ang iniisip ko.
"Hindi ho, sigurado ako mas pogi kayo noong kabataan n'yo Lolo." sagot ko na lang na ikinatawa nang malakas ni Lolo Fred.
"Narinig mo ba 'yon apo. Mas guwapo raw ako sa'yo." anitong tumawa ng malakas.
"Bakit naman hinayaan mong mag-isang umuwi ang apo ko ha, Marcus, aba'y ingatan mo naman ang apo ko." sermon naman dito ni Lolo Juancho.
"Pasensya na Lo excited lang ang asawa kong makita kayo." preskong saad ni Marcus na pumuwesto pa talaga sa tabi ko. At kulang na lang siksikin ako sa upuan. Kaya nilingon ko ito nang nagbabantang tingin.
"Dapat dito kayo boung weekends ha mga apo. Tamang tama, dadalhin ko kayo doon sa bagong bahay bukas. Next week kompleto na ang gamit doon."
Maya maya pa ay dumating na mula sa magkabilang bahay ang mga pagkaing ipinaluto.
"Bakit naman po ang dami?" di ko mapigilang komento. Para kasing may fiesta sa dami ng pagkain.
"Ayos lang 'yan. Mamaya nandito ang mga trabahador para kumain." saad ni Lolo Juancho. "Apo saan ba kayo matutulog ngayong gabi? Ipinaayos ko na ang kuwarto mo sa itaas."
"Ay bakit hindi na lang dito sa bahay ko. Naipaayos ko na rin ang silid ni Marcus."
"Okay lang po. Ako na lang sa bahay tapos sa kabila si Marcus." walang prenong suhesyon ko.
"Angel naman, dapat magkasama tayong matulog diba mga lolo?" muntik ko nang sikuhin si Marcus sa sinabi niya sabay akbay sa akin. Kami tabi matutulog? Nagbibiro ba siya?
"Oo nga naman. Mabuti pa dito kayo sa bahay ngayong gabi, at sa kabila naman bukas." Suhesyon ni Lolo Juancho na kaagad namang sinang-ayunan ni Lolo Frederico.
"Okay, mabilis na sang-ayon ni Marcus.." na ikinatitig ko dito ng masama. Pinauwi ba niya ako para sa annulment or what? Subalit ngumisi lang ito na tila nakakaluko.
"Sabihin natin kila Lolo ang tungkol sa annulment mamayang dinner." suhesyon ko nang kausapin ko si Marcus kinahapunan. Umalis kasi ang dalawang matanda para umano magmadjong sa bayan.
"Eh bakit di mo pa sinabi pagdating mo kanina?"
"Paano ko sasabihin kong apo na sa tuhod ang pinaplano nang matatanda. Pero di bale. We need to tell them the truth anyway." may diing saad ko.
"Sige pero ikaw na lang ang magsabi, nagbago na kasi ang isip ko eh." nakangising saad ni Marcus. Kaya't napatitig ako dito. Nagbago ang isip? Bakit? Naguguluhang tanong ko sa isip. At mukhang seryoso ito sa sinabi.
"Ano bang ginagawa mo ha? Pinauwi mo ako para sa annulment kaya bakit mo ito ginagawa?" Inis kong singhal sa kanya. Hindi ko alam kung gusto lang akong i-bully ni Marcus. He clearly told me that he never wanted me, na hindi niya ako magugustuhan. Na kahit sa bangungot hindi niya papangaraping makas*x ako. So why? "Ano ba kasi ang gusto mo ha?" usig ko sa kanya na ikinasilay ng pilyong ngiti sa labi nito.
And gosh he look so damn hot with those boyish smile! Kinagat ko ang dila ko para sawayin ang sarili ko. Pero ikinagulat kong biglang humakbang palapit sa akin si Marcus. "Wh--what?"
"What I want is..." napaatras ako nang halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. Kinabahan ako!
Nagrigudon ang pintig ng puso ko nang manoot sa ilong ko ang mabangong amoy ng katawan ni Marcus nang halos gahibla na lang ang pagitan namin. His scent was really nice. Lalaking lalaki.
Kinagalitan ko nang sarili ko saka ako umatras pero muli siyang humakbang palapit. "Ano bang ginagawa mo?" naiilang na tanong ko.
"I'm trying to get close to you, my angel."
"Stop calling me that. At anong sinasabi mong nagbago na ang isip mo, ha?"
"Hindi pa ba malinaw, walang annulment na magaganap, but instead..." nagitla ako nang wala na pala akong maatrasan dahil pader na ang nasa likod ko. "...we will be living as husband and wife from now on." nakangising saad nito saka ihinarang ang magkabilang braso sa katawan ko. I was like his prisoner. Then he bend closer na ikinalaki ng mata ko. Habang ang mga mata ni Marcus ay titig na titig sa mukha ko. Habang nagsasayawan ang kislap sa mga mata nitong tila hipnotismo na umaakit sa akin.
"A--ano?" tila may kuryenting gumapang sa balat ko nang ilapit nang husto ni Marcus ang mukha niya sa punong tainga ko at doon nagsalita. I could feel my bone shiver na kumalat hanggang sa talampakan ko.
Never pang may lumapit nang ganun sa akin. And I almost held my breath dahil sa lakas nang pintig ng puso ko.
Chantel was right, magbabago ang isip ni Marcus. Pero bakit?
"What made you change your mind now, Marcus?" parang tangang tanong ko, it's obvious. Dahil hindi na ako ang matabang babaing pinakasalan niya.
"You, you made me change my mind, Yana. Hindi tamang hindi mo ako pinapatulog sa gabi sa kakaisip kung anong pakiramdam na mahawakan at matikman ang isang tulad mo. Kaya gagawin ko ang lahat para maging ganap na mag-asawa na nga tayo. And... in case... your not aware, I'm so evil in bed." nagbabanta ang ngising sumilay sa labi ni Marcus. Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko interesado rin ako sa 'evil in bed' na sinasabi nito.