8: V!gin Wife "ARAYYY..." sigaw ni Marcus ng madiin kong tapakan ang paa niya. Hindi ako dapat maging interesado sa 'evil in bed' na sinasabi nito. Nakatulong ang sigaw ni Marcus para matauhan ako. Pero ang lakas ng kabog ng puso ko dahil doon. "Yana! Ang sakit!" padaing na reklamo nito. "Deserve mo 'yan. Kung maka-asta ka akala mo hindi mo ako pinandirian kahit minsan." sumbat ko sa kanya na ikinatuwid nito ng tayo. Gumuhit ang lungkot sa mata nito. Subalit hindi ko na pinansin 'yon. OO gusto ko si Marcus, bata pa lang ako gusto ko na siya . Ito ang unang lalaking nagpatibok sa puso ko pero, siya rin ang unang lalaking muwasak sa puso ko kaya bakit ako magpapadala sa mga hirit niya. Nang magpasya akong umuwi. Sinigurado ko na sa sarili kong na magmo-move on ako at magsisimula ulit. Hin

