SHAINE POV
Habang Nakangiti kong pinanood si Lane na nasa terrace pumapatak mga luha ko, sa ngayon kasama ko siya. Ahhh Abala siya sa pag browse ng kung anu-ano sa internet. Mostly kpop ang nakikita kong tinitingnan niya. Gusto niya raw maintindihan ang hilig ko.
Yep, nandito siya sa condo ko. Gusto niya raw kasi akong bantayan. Para narito raw siya kung sakaling may maramdaman na naman daw akong kakaiba.
Ano pa bang mararamdaman kong kakaiba, maliban sa abnormal na pintig ng puso ko kapag nakikita siya. Lalo na ngayon, hindi ko na naman mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa kaniya. Simple lang ang suot niya pero ang takas pa rin ng dating. He's wearing a black ripped jeans and a black hoodie. May puti rin siyang sombrero. Ano kaya kung kausapin ko si Jerald tanongin ko siya kung mahal niya pa ako? at kung ano magigin reak niya pag nabuntis ako ni lone, hindi maiwasan umiiyak din ako, nasasaktan ako ng subra.
Tinanong ko nga siya kung bakit kailangan niya pang magsombrero gayong dito lang naman siya pupunta. Natawa na lang ako sa isinagot niya sa akin. "I hate my hair color..."
Ayun, kaya hanggang ngayon nakasombrero pa rin siya. Nainis na yata dahil noong nakaraang araw ay kuhang-kuha niya ang atensiyon ng mga tao sa lobby. Angat na angat kasi ang kulay abo niyang buhok. Dagdag pa na gwapo, ayun, napagkamalan yatang celebrity. Ang darning nag papicture. Mabuti nga't wala siyang account sa f*******: o IG. Kung meron baka sabog na notifications niya.
Sa loob ng isang linggo'y halos araw-araw na narito si Lane sa condo ko. I tried to convince him na pumasok sa trabaho. Pero siyempre, kunwari lang na concerned
ako sa trabaho niya. Para ba magpumilit siyang magstay at bantayan ako.
b"L-Lane? " nauutal kong tawag sa kaniya. Medyo nahihiya pa kasi akong tawagin siya sa kaniyang pangalan, kahit na ako ang nag-insist nasa ganoon ko siya tatawagin.
"Yes? May kailangan ka? May masakit ba sayo?" Tanong niya sabay lapit sa akin. I tried to hide my smile, pero hindi ko nagawa. Kinikilig kasi ako sa nag-aalalang hitsura niya. "Ah, no, nagugutom lang ako." I said while blushing. Nakakahiya!
"What do you want to eat?" He said in his soft voice. Malayong-malayo na siya sa Lane na nakakabangayan ko noon.
Ayaw kong isipin na nagiging mabait lamang siya sa akin dahil sa nangyari noong isang linggo. Sana, hindi iyon ang dahilan niya.
Sinabi ko sa kaniya kung anong gusto ko. Kaagad naman siyang tumango at naglakad papunta sa kusina. Napapangiting sumunod na lang ako.
I can't help but smile when he put on my apron. It's pink, but he looks hot though. lmbes na maging baduy sa kaniya, parang mas lalo lamang siyang gumuwapo dahil doon.
"Mabilis lang 'to." Sabi niyang nakangiti sa akin sabay lagay ng mantika sa pan. I set my eyes on his shoulder, napaka-firm niyon. Maging ang likod niyang humahakab sa kaniyang t-shirt ay parang napakasarap na sandalan. Ang kaniyang
pang-upo na mas matambok pa yata sa akin, ay parang napakasarap hawakan.
Pakiramdam ko'y biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa kahalayang naiisip.
Shaine?! Kailan ka natutong mag-isip ng ganyan?! "Are you done checking me out?" Lane said while having a playful smile on his lips. Hindi ko
napansing nakaharap na pala siya sa akin.
"Ha? l'm not c-checking you out."Pagmamaang-maangan ko sabay iwas ng tingin. I gasped when he lowered his face closer to mine. Halos gahibla na lamang ang layo ng mga mukha namin. Kung gagalaw nga ang isa sa amin, maaari nang maglapat ang aming mga labi. "You did..." he whispered and lower his eyes to my lips.
Mukha na siguro akong kamatis sa mga oras na ito. Nangingising lumayo siya sa akin bago ipinagpatuloy ang gmagawa.
"D-Don't do that a-again!" Naiilang kong sabi bago mabilis na inabot ang tubig sa aking harapan.
"What?" takang tanong niya sa akin habang may pilyong ngiti sa labi.
Napapairap na tiningnan ko lang siya. Alam niya naman ang ibig kong sabihin ah! "Nothing." sabi ko na lamang sabay inom ng tubig. Sinakop kami ng mahabang katahimikan.
Napatingin na lang ulit ako kay Lane nang lumapit
na naman siya sa akin.
"Shaine I know this is not the right time to tell you this." Bigla akong napalunok nang magsalita si Lane. Nakatayo lang siya sa harap ko habang nakapamulsa. Bakit ba napakagwapo ni Lane?
"Anong sasabihin mo?" Kinakabahan kong tanong.
Malalim ang ginawang paghinga ni Lane bago hinila ang isang upuan. Naupo siya sa harap ko. Pagkatapos ay marahang hinawakan ang dalawa kong kamay.
"First, I want to say sorry for everything. I'm the one you should blame of what happened to us." Panimula niyang ikinalunok ko.
Hindi ako nagsalita. Natatakot akong baka mapiyok sa harap niya.
"You dropped because of me. Natigil yung pag-abot mo sa mga pangarap mo."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Bakit niya sinasabi sa akin ng mga ito?
"Because of me you suffered a lot." Buti naman alam niya iyon. Pero wala na rin naman iyon sa akin. Masaya nga ako at nangyari ang mga iyon. Dahil kung hindi, baka di ko nararamdaman ang mga nararamdaman ko ngayon para kay Lane.
"Like what I've said, I don't love you. I'm sorry for that. But, if we stay like this. Talking without fighting, hindi nagpapataasan ng pride..." tumigil si Lane sa kaniyang pagsasalita. Halos kumawala na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog niyon. Pigil rin ang aking hininga sa paghintay sa susunod niyang sasabihin.
"Maybe, I should try. I'll try to find those feelings na para talaga sayo." nahihirapan niyang sabi.
That's okay with me. At least he try diba, kung wala talaga, edi wala.
"Why are you doing this, Lane? "tanong ko sa kaniya. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Alam kong masaya akong nagkakaayos na kami. Pero hindi ko talaga mapigilan ang maiyak.
Marahang pinunasan ni Lane ang mga luha ko.
"Ayaw kong masaktan ka ulit nang dahil sa akin. Ayaw kong may mangyaring masama sa iyo. Baka maging dahilan pa iyon ng tuluyang pag kawala ng anak natin. " Sabi niya sa mababang boses. Napahinga ako nang malalim. I'm happy to hear that.
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Nag-aalala siya para sa akin at para sa anak namin. Mas mabuti na iyon, di tulad dati na parang wala talaga siyang pakialam kahit na sinabi niyang ginagawa niya ang lahat para sa magiging anak namin.
"Shaine, I'm really sorry."
"Ayos lang" ako lane tanggap kuna ngayon para sa anak ko Lang ginagawa mo, sabih ko habang pinupunasan ang luha. Saglit kaming nag katitigan ni Lane bago ako muling nagsalita.
"Lane" garalgal ang boses na tawag ko sa kaniya. "Hmmm?" "Can I h-hug you?"
Hindi siya sumagot. Mataman lang siyang nakatitig sa mga mata ko. llang sandali lang ay marahan niya akong hinila para ipaloob sa kaniyang mga bisig. "Are you happy?" Mahina niyang tanong. "Very happy..."
"Glad to hear that..." Sabi niya bago ako hinalikan
sa ulo. Parang ayaw ko na tuloy matapos ang tagpong ito. Pero hindi naman pwede, dahil panira ang niluluto ni Lane.
"Oh s**t!" Malakas niyang sabi nang maamoy namin ang nasusunog na pan cake. "Dang!"
Hindi ko napigilan ang mapahalakhak. He's cute.
"May nakakatawa?" Taas ang kilay na tanong niya sa akin. Mabilis naman akong umiling pero hindi pa rin matigil sa katatawa.
"Pasalamat ka buntis ka." Narinig kong bulong niya habang nagsasalang ng panibagong kawali.
Nakangiting pinagmasdan ko na lang ang pagluluto ni Lane. Maya-maya lang ay nilalantakan ko na ang mga iyon. Naiiling na nakatitig lang sa akin si Lane. "Hindi ka nabubusog?"
"Uh, mali yata ang tanong mo." Sabi ko sabay subo ng pancake. "Tatlo kaming kumakain..." sabi kong napaubo pagkatapos. Puno kasi ang bibig ko kaya medyo nasamid ako.
Kaagad namang inabot sa akin ni Lane ang tubig "Nakalimutan ko..." sabi niya na lang.
Saglit akong tumigil sa pagkain. Mataman ko siyang tinitigan na ikinakunot naman niya ng noo. "Take it off, I want to see your hair."
Napapakagat sa labing sinunod ni Lane ang utos ko. Marahan niyang hinubad ang sombrero. Pagkatapos ay mabilis niyang inayos ang buhok na nagulo.
"Maganda naman ah. Kung nahihiya ka bakit nagpalit ka pa ng kulay?" Pataray na tanong ko sabay subo ng pancake.
"Hindi ko naman ito ideya. Napagkatuwaan lang." "Ahh, then change it back to its original color. I love
your black hair." Sabi kong sa pagkain pa rin nakatuon ang pansm.
"I thought you like guys with different hair color?
You like kpop right?" Salubong ang kilay na sabi ni Lane. Mabilis na sinulyapan ko siya. "Yeah, pero yung kanta nila ang talagang gusto ko. Bonus na lang siguro na gwapo sila lalo na kapag naiiba ang kulay ng buhok."
"Alright..." napapatangong sabi ni Lane bago tumayo. "...do you want to help me dye my hair?"
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. "Sure! Can we try different colors?"
"What? I thought you love my black hair?" "Yeah, but I want to see you with different hair
color. Let's try green." Excited kong sabi bago tinapos bang pagkain.
"Oh damn." sabi ni Lane habang nakapikit nang naman.
sa ngayon masaya ako dahil kasama ko pa si lane, baka ilang araw naman busy ng siya or baka yayain siya ng girlfriend niya, ahhhh masakit sa dibdin, kaylangan kaya ako mahalin ni lane?
"LANCE POV"
"Can I hug you?" SHAINE asked. I didn't say anything, marahan ko lang siyang hinila at ibinigay ang hinihingi niya.
I don't know why I'm doing this. Siguro dahil natatakot ako. Natatakot akong baka ma ospitalna naman siya. Natatakot akong baka mawala ang anak ko. I was having a lunch meeting with my dad when her mom called me. Nasa hospital raw si Shaine. I didn't bother to ask why dahil may idea na ako kung bakit.
It was my fault again.
I was really angry at myself knowing na anumang oras pwedeng mawala ang anak ko. Kung nangyari iyon mawawalan ng say say ang pag sasakripisyo kong pagmamahalan namin ni Lyka. "Wow, look, bagay sayo ang green!" Malakas na sabi ni Shaine habang napalakpak sa sariling gawa. She insisted to dye my hair na katulad sa crush niyang si Taeyong. Hindi naman ako makareklamo dahil baka mag tampo na naman siya o di kaya 'y magalit. Pero aaminin ko, natutuwa akong maayos na kami.
I should really try. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Pakakasalan ko rin naman siya kaya siguro dapat lang na mahalin ko rin siya kahit papaano di ba?
I know that, I've been so unfair to Shaine. Kasi nga nangako ako na gagawin ko ang responsibilidad ko
bilang ama sa magiging anak namin. But I realised
something when Lyka and I broke up. Parang nawala sa isip ko ang mga dapat kong gawin. lsa na doon ang alagaan si Shaine at ang magiging anak namin.
"Let's try pink next month. What do you think?" "Pink?" malakas kong tanong bago siya nilingon. "Huwag ka malikot bubuhusan kong tubig iyang mukha mo." Mataray niyang sabi sa akin. Binabanlawan
niya kasi ang buhok ko.
Ewan ko ba, mali sigurong niyaya ko siyang tulungan ako sa pagpapalit ng kulay ng buhok. "I don't like pink, hindi ako si Taeyong!" Kunwa'y nakasimangot kong sabi. "Kunwari ka pa riyan, eh bakit ka nagkulay ng abo?" Ayan na naman siya sa tanong niya. Ilang beses ko na ngang naiwasan ang tanong niyang iyon. Pero mukhang wala na yata akong kawala ngayon.
"I lost in a bet..."
"Punishment mo ang mag-iba ng kulay? " Taas ang kilay na tanong ni Shaine Wala akong nagawa kundi ang tumango. Mabuti na lang at hindi na siya nag tanong kung kanino ako natalo. Baka sumama ang loob niya kapag sinabi kong si Lyka ang nagpumilit na ibahin ko ang kulay ng aking buhok.
Nang matapos sa pag babanlaw ay kaagad na
tinuyo ni Shaine ang buhok ko. Nasa terrace lang kaming dalawa. Mahangin kasi at nakakarelax.
"Ayan, gwapo ka na ulit. 'Di bagay sayo ang gray." Sabi niya bago umirap. Natawa na lang ako bago tinitigan si Shaine.
Pinasadahan kong tingin ang kaniyang mukha
habang inaayos niya ang buhok ko. She's pretty...
Marunong magdala ng sarili kahit na may umuumbok nasa kaniyang tiyan. I smiled.
God, I'm going to be a father. Kahit isa wala akong pinagsabihan na sobrang saya ko dahil mag kakaanak na ako. Noon, puro plano lang ako pero ngayon, ito na. Totoong mag kakaanak na ako.
Marahan kong hinawakan ang bay wang ni Shaine. Napansin ko ang sandali niyang pagtigil. Kaagad rin naman siyang bumalik sa ginagawa nang ngitian ko
lang siya.
"Law, do you mind if I ask you something?"
"What is it?" tanong kong napapapikit dahil tumatama ang buhok ko sa aking mata.
"Nagkakausap pa ba kayo ni Ate Lyka?"
Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon. Anong isasagot ko?
Hindi, para hindi siya masaktan? o, oo, dahil iyon naman talaga ang totoo? Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "H-Hindi." na
"Talaga? Pero, nagkita na ba kayong dalawa simula noong nag break kayo?" Tanong pa ulit ni Shaine habang inililigpit na ang ginamit na blower.
Alam kong naninigurado lang si Shaine; kasi nga mahal niya ako. Pero ang nakakapagtaka lang para sa akin, ay kung bakit parang kilala niya si Lyka personally? "It's okay if you don't want to answer me." Sabi niya sa mahinang boses.
She's jealous, ramdam ko iyon sa tonong ginamit niya. "Hindi..." Sabi ko na lamang kay Shaine.
Nakita ko ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha. Para siyang batang nabigyan ng tsokolate.
Parang hindi na siya ang Shaine na kilala ko. lbang-iba na siya. Naalala ko noong nag-aaway kami tung kolsa kondisyon niya. Para siyang yung isang CEO director sa sobrang katarayan. Kulang na lang kutusan niya ako sa sobrang inis.
"Ah, Lane. pwede bang humingi ng favor?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagiging abusado yata ang isang ito ah. Baka makiusap rin siya na magrap ako ng korean language para mag mukha na talaga akong isa sa mga iniidolo niyang kpop idol."What is it?" Tanong ko na lamang habang tinitingnan ang sarili sa salaming inabot niya. Napapataas ang kilay na hinawi ko ang buhok.
Not bad. I have the same hair color with Joker.I like it.
"Can we go to the park? May kikitain lang ako." Sabi niyang nahihiya.
Natigil ako sa pagsipat ng sarili sa salamin. Pinaningkitan ko siya ng tingin na ikinalunok niya. Sino namang kikitain niya doon? "No, kailangan mong magpahinga, kaya bawal kang lumabas." Sabi ko bago hinarap ang laptop. Naroon pa rin ang mga tinitingnan ko. Karamihan ay damit pambata. Pero ang nakabukas na tab ngayon ay tungkol
sa NCT. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanila. Para naman hindi ako ma-out of place kapag nanunood si Shaine ng kpop.
Maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone ni
Shaine. Saglit ko lang siyang nilingon bago muling itinutok ang atensiyon sa pag tingin ng mga damit para sa baby.
"I'm sorry, I can't make it. Next time na lang
Nick ah, thank you." Narinig kong sabi ni Shaine bago pinatay ang cellphone.Ka agad na kumunot ang noo ko. Nick? Who's Nick?
"Sinong Nick?" Nakakunot ang noong tanong ko. lniwan ko saglit ang laptop at tumingin kay Shaine nang mataman.
"Nick Leon. I.T working Investor rin siya. Yung crush ko na ipinag tanggol ako doon sa mukhang adik." Malaki ang ngiting sagot niya sa akin.
Crush? Akala ko ba mahal niya ako?
"Hey woman, you're confusing me!" Sabi kong pinanlalakihan siya ng mga mata.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Shaine.
Maya-maya'y napanguso na siya bago naupo sa upuang nasa harap ko.
"What do you mean by that? " Marahas akong napabuga ng hangin. "Nothing..."Patango-tangong lumapit na lang sa akin si Shaine bago niyuko ang ginagawa ko sa laptop.
"Namimili ka na kaagad ng damit eh hindi pa
naman natin alam ang gender ni baby."
Taas ang kilay na sabi ni Shaine."Mangangalay ka niyan sa ginagawa mo. Dito kana umupo." Salubong ang kilay na sabi ko nang mapansing nakaluhod lang si Shaine. Marahan ko siyang hinila para maupo sa kandungan ko. Wala naman siyang naging reaksiyon dahil nakatutok na ang atensiyon niya sa ginagawang pagtingin ng damit.
"Hala, ang cute nito oh." Malaki ang ngiting sabi ni Shaine habang ipinapakita sa akin ang maliit na sapatos. Noon ko lang napansing puro sapatos na pala ang tinitingnan niya. Marahan lang akong tumango. llang sandali lang ay nakita ko ang sariling natutulala na kay Shaine. Hindi ko napigilan ang mapailing at mapangiti nang mahuli niya ako.
"Lane, can you buy this?"
Ka agad kong tiningnan ang itinuturo ni Shaine. lsang maliit na medyas iyon na kulay blue.
"Sure..." mahina kong sabi bago muling tinitigan si Shaine. Ngayon ko lang talaga napag tuonan ng pansin ang buo niyang mukha. She's not just pretty. She's different, napakaaliwalas ng mukha niya. Ewan ko kung dahil lang iyon sa pag bubuntis niya o may iba pang dahilan. She's prettier than Lyka. Bigla akong napangisi. Mabuti't sa isip ko lang iyon nasabi. Baka maihampas sa akin ni Shaine ang laptop kapag binanggit ko na naman sa harap niya si Lyka.
"Did I ever tell you that you're beautiful?"
Kumunot ang noo ni Shaine. "You didn't, ang sungit mo eh."
"You're beautiful, Shaine."
"I know right..." Sagot niyang nakangisi bago pinaraan ang kamay sa aking buhok. "I really love your black hair. Let's dye it black." "Oh not again..." Sa totoo lang maganda Naman si Shaine maamo ang mukha, noong sinasabi niya sakin huwag kuna ituloy ang kasal namin nagkunuwari lang ako na hindi ko naririnig mga sinasabi niya sakin,
Ayaw ko siya masaktan pa dahil buntis siya masama sa kanya ma stress or sumama ang luob, kaya minsan nag kunuwari hindi ko naririnig mga sinasabi niya sakin,