Kabanata 10

2443 Words
SA LABAS NG Araneta Coliseum siya dinala ni Niccolo. May malawak kasing tambayan doon at maraming mga upuan. May mga araw na may mga live na bandang kumakanta roon at may mga food stall. Ngunit hindi araw araw. "Ano ba 'yong sasabihin mo, Mr. Reedus? Para namang napakaimportante niyan at hindi ka mapairing baboy," patutsada ni Astrid. Pero seryoso ang mukha ng binata. Walang mababakas na emosyon. "Miss Villegas, kailangan kita." Nanlaki ang mga mata ni Astrid sa narinig. Tama ba ang narinig niya? "H-Huh...?" Magtatapat na ba ito ng pag-ibig? Hinanap ba siya nito dahil na love at first sight ito sakaniya? Kung gayon, maswerte siya kasi makakapangasawa siya ng mayaman at hindi lang basta mayaman, nuknukan pa ng gwapo! Kahit masama ang ugali nito at walang humor, pwede nang pagtyagaan. Aba, magiinarte pa ba siya? Lumapit ito sakaniya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Miss Villegas. Kailangan kita... Kailangan kita magpanggap bilang kapatid ko," Tila granadang sumabog iyon sa pandinig ni Astrid. Ilang segundo siyang naka hang at hindi naprocess ang sinabi nito. Nakaawang pa ang mga labi niya sa sobrang shock. Nang marealize na totoo ang nangyayari at hindi siya nanaginip ay umayos siya ng tayo. "Ano? Baliw ka na ba?" inis na sabi niya at pinalis ang kamay nito sa balikat niya. Pero hindi siya nito hinayaang makaalis. Matibay ang pagkakahawak nito sa magkabilang balikat niya. Nahihirapan itong tumingin sakaniya. Huminga ng malalim. "Magpanggap ka bilang kapatid ko. Kaya mo 'yon. Magaling ka umarte. Napapaniwala mo ang kahit na sino. Sinungaling ka. Kayang kaya mo 'yon," Nasaktan naman si Astrid sa pagkakakilala sakaniya ng binata. "Oo, sige. Sabihin mo na lahat ng pangit saakin. Sinungaling ako, manloloko, manunuba. Lahat na. Pero may mga rason bakit ko nagawa ang mga iyon. Hindi mo maiintindihan ang isang dukhang tulad ko dahil kahit kailan hindi mo naranasang kumalam ang sikmura sa gutom, paghahanapin ng pinagkakautangan mo, at walang matulugan. Hindi mo naranasan magbanat ng buto para lang may mailagay na pagkain sa plato. Pasensiya na Mr. Reedua kung ganito ako ha? Wala kasi akong choice. Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na." maanghang na wika niya at tumalikod. Ramdam ni Astrid ang pagbigat ng dibdib at ang malapit na pagbagsak ng luha. Nakakalungkot lang na ang isang estranghero ay magsasabi noon sakaniya. Ngunit bago niya pa maihakbang ang paa, ay mabilis na hinabol siya nito. "Miss Villegas makinig ka naman. Ang papa... ang papa, hiniling niya saaking hanapin ko ang nawawalang kapatid ko bago mag anibersaryo ng Hotel. My father threatens me that he will destroy my half-brother and my three little niece's life kapag hindi ko nahanap ang nawawala kong kapatid. Maawa ka naman saakin. Kailangan ko ng tulong mo. Maaawa ka sa mga bata at inosenteng madadamay." Saglit siyang natigilan. Noon pa may malambot na ang puso niya sa mga bata. Pero wala naman siyang paki roon. Hindi niya kilala ang mga ito, at wala siyang kinalaman doon. Nagpatuloy siyang maglakad palayo. Pero hindi natigil si Niccolo sa pagsasalita. "Sasahuran kita. Malaki ang makukuha mo. Sobra pa para mabayaran lahat ng utang niyo. At makakabalik na ang pamilya mo sa Baguio at matatahimik na kayo." Saglit niyang natigil ang paglakad pero nagpatuloy ulit. "May bonus ka pa. At pagtapos namg lahat ng ito, may makukuha kang separation fee katulad sa mga normal na empleyadong nagretire sa trabaho. Bukod pa roon, hindi ka na magtitiis bilang tindera. Bibigyan kita ng negosyo sa Baguio at mabubuhay kayo ng sagana." Napalunok ng mariin si Astrid at natigil na nang tuluyan mula sa paglalakad. ~ "NAKIKIUSAP AKO, Miss Villegas," malakas na sabi ng binata kay Astrid habang nakatalikod ito sakaniya. Napapaisip man, pero hindi pa hibang si Astrid. Kaya naman nagpatuloy siya sa paglakad palayo, ngunit malalaki ang hakbang na hinabol siya nito. Sa lakas ng pagkakahatak nito sakaniya ay halos mapasubsob siya sa dibdib ng binata. Napakunot-noo si Astrid at nagtaas ng tingin. "Ano ako, sira na ang ulo? Humihingi ka ng impossible, Mr. Reedus." matigas na aniya. "Tignan mo ako nang maigi, Miss Villegas." titig na titig ang magaganda at mapungay na mata ng binata sakaniya. Ang mga kamay nito ay nasa balikat niya. Halos hindi naman makahinga si Astrid sa lapit nila sa isa't isa. "Titigan mo ako ng mabuti, ano'ng nakikita mo?" tanong nito. Wala sa sariling pinakatitigan ito. Wala siyang ibang mailarawan dito kundi, iisa lang. Napakagandang lalaki nito. Mula sa maalon alon at makapal na buhok nito, ang makapal na kilay, malalalim at tila nakikiusap na mga mata, mahabang kulot na pilik mata, matangos at perpektong ilong, magandang hubog na panga at makurbang labi nito. Ano pa nga ba ang tamang deskripsyon dito? He has a perfect set of genes! Nasa ganoon siyang kaisipan nang mapatitig sa mga mata nito. He has the most beautiful pair set of gray eyes! Gray eyes... teka. Parehas sila ng kulay ng mata! Noon pa man ay nagtataka na siya kung bakit gray ang kulay ng mata niya kahit wala naman siyang lahi. Hindi naman siya anak ng foreigner. Bumaba ang tingin niya ulit sa ilong nito, partikular sa buong mukha nito. Ayaw man niyang isipin... ngunit bakit nakikita niya ang sarili sa binata? Bakit ngayon niya lang narealize na kahawig niya ang binata ngunit sa feminine na paraan! Sa gulat ay napausog pa siya ng lakad na tila kagimbal gimbal ang natuklasan niya. "Mukhang hindi ko na kailangan pang sabihin sa'yo, dahil alam mo na. Pero para lang mas malinaw... hindi ba't napansin mo rin ang pagkakahawig natin? Ako sa lalaking paraan, at ikaw sa babaeng paraan. Kaya please naman, tulungan mo ako. Nakikiusap ako sa'yo," nagsusumamong sabi nito. Naging mailap ang mga mata niya. "H-Hindi ibig sabihin na may bahagya tayong pagkakahawig, eh papayag na a-ako--" "Mukha tayong magkapatid. Kung pagtatabihin tayo, sinumang tao ay maiisip na magkapatid tayo. Magpanggap ka lang. Magsinungaling ka lang. Madali naman 'yon sayo," Nahigit ni Astrid ang hininga sa sinabi ng binata. Mabuti nang tapusin niya na ang lahat para matigil na ito. "Mr. Reedus, naiintindihan kita sa sitwasyon mo ngayon. Pero gusto kong malaman mong nagawa ko man ang mga bagay na 'yon ay hindi dahil ginusto ko. Wala akong choice. Hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Grabe ka makapanghusga saakin," "Tulad ng sinabi ko sayo, kapag pumayag ka, may makukuha kang malaking pera. Magiging maayos ang buhay niyo at bibigyan kita ng negosyo. Hindi ka na mamomoblema sa pera. Bukod pa roon, isipin mo nalang na may tao kang natulungan. Hindi ka na talo." pilit nito. Pero hindi na nakinig si Astrid sa anumang paliwanag nito. Nabwibwisit siya rito. Tinalikuran niya ito. "Miss Villegas, makinig ka naman!" sigaw pa nito. "P-Pagiisipan ko, bigyan mo ako ng oras para magisip," nasabi na lang niya. "Nakikiusap ako sa'yo," himig pakiusap nito. Pero hindi talaga niya kaya ang pinapagawa nito sakaniya. Hindi pa naman siya ganoon ka mangloloko. Inis na tumalikod na talaga siya ng tuluyan. "Bahala ka diyan, manigas ka 'no!" gigil na anas niya sa sarili niya. Naiwan naman si Niccolo na problemadong problemado. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Napakalapit na ng taning ng ama, at wala na siyang ibang pwede maging option. Si Miss Villegas lamang ang nakikita niyang pwedeng tumulong sakaniya. Tila nalugi sa negosyo ang mukha niya ngayon at napabuntong hininga. Paalis na si Niccolo roon nang may magsalitang matandang babae. May hawak itong sampaguita at alam niyang binebenta nito ang mga iyon. Natigil siya sa paglakad at binalikan ang matanda. "Magkano ho lahat 'yan, nay? Pakyawin ko na," He's always have this soft spot towards elders. "Naku, salamat anak ha?" Ibinalot nito ang sampaguita. "Hindi ho, sainyo na ho 'yan, papakyawin ko lang ho pero sainyo pa rin ang paninda para may extra pa kayong tubo," iling niya. Pero nagpumilit ito at wala na siyang nagawa. "Ang babae... ang babae mong huling nakausap. Siya ang babae na para sa'yo," biglang sabi nito na ikinagulat niya. Napakunot noo siya. Sino ba ang huling nakausap niya. Tila nabasa nito ang iniisip niya. Natawa ito. "Lahat ng pumupunta mismo sa pwestong pinagkakatayuan niyo kanina ay nagkakatuluyan. Kaya naniniwala akong siya ang babaeng para sa'yo. Makikita mo't maniniwala ka rin saakin bandang huli," makahulugang sabi nito. Nanginginig na inabot niya ang plastic na pinaglalagyan ng sampaguita. Hindi niya alam na manghuhula pala ito, medyo naweweirduhan siya rito. At gusto na niyang makaalis. "Huwag kang matakot saakin, anak. Normal na 'yang reaction mo saakin. Basta, alam ko babalik kayo muling dalawa diyan mismong pwesto niyo at sa pagkakataon na iyon parehas na ang nararamdaman niyo." Tuluyan nang nangilabot si Niccolo. First time niyang makaencounter ng ganito at hindi niya alam kung paano magre-react. At ang isiping ang babaeng pang iyon ang napili ng matanda? Isa yata itong bangungot! "S-Sige ho 'nay. Mauna na ako, ingat kayo." Halos kumaripas na siya ng lakad makaalis lang doon. Impossible! ~ ILANG ARAW ang lumipas. Wala pa ring makuhang lead si Niccolo sa nawawalang kapatid. Sa totoo lang, namomroblema na siya. Bakit hindi? Ilang linggo na lamang ay anniversary na ng Hotel! At ni anino ni Nicolette ay wala pa rin siyang makuha. Sa totoo lang, pupuwede namang matapos ang problema niya ngayon. Isang sabi lang niya sa kapatid niyang si Jayden, sa balak ng ama, ay sigurado siyang mapoproteksyunan nito ang sarili at mga anak. Pero may ugali kasi siyang fixer. Iyong tipong siya mismo ang gustong mamroblema sa lahat. Mas gusto niyang siya ang pumasan lahat ng dalahin kaysa makaabala pa sa ibang tao. Isa pa, alam niyang masaya na ang kapatid. His brother, Jayden, deserves to be happy. Ayaw niyang sirain iyon dahil lamang sa ganid niyang ama. At tiyak, maglilikha nanaman iyon ng alitan sa bawat panig ng pamilya nila lalo na't sangkot doon ang tatlong kambal nito. Nahilot niya ang noo sa dami ng iniisip. Bukod pa roon, ay hindi pa rin nagpaparamdam sakaniya si Miss Villegas. Kung gusto nito ay alam naman nito kung saan siya hahanapin. May phone number sila sa isa't isa. Alam nito nasaan ang kompanya niya. Pero hanggang ngayon hindi ito nagpaparamdam. At isa lamang ang ibig sabihin niyon, hindi ito interesado sa alok niya. Ang laki kasi niyang tanga! Bakit ba masyado siya naging harsh dito. Pero masisisi ba siya? Iyon ang pagkakakilala niya sa dalaga. Sa ganoong tagpo sila nagkakilala, at ang lahat ng engkwentro nila sa isa't isa ay wala siyang masasabing maayos. Kundi puro kalokohan nito, ay hindi sa kanais nais na sitwasyon. Kahit nga hindi niya pa ito nakakasama ay tila alam na alam na niya ang likaw ng bituka ng dalaga. Wala sa sariling napatingin siya sa maliit na kalendaryo na nasa desk niya. Ilang linggo nalang. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Nawawalan na siya ng pag-asa. ~ KUMAKANTA KANTA pa si Astrid habang nilalakad ang daan pauwi ng tinutuluyan niya. Madilim na ang kalsada, ngunit hindi naman nauubos ang tao, isa ang Cubao sa pinakabusying lugar sa Quezon City. Kahit madaling araw ay buhay na buhay pa rin ang lugar na iyon. Napalunok ng sunod sunod si Astrid nang makita kung sino ang naghihintay sa kaniya sa labas ng tinutuluyan. Ang mga tauhan nanaman ni Mrs. Martin! Oo nga pala, nangako siyang magbabayad na at nagkunwaring nagtatrabaho sa magandang Hotel. At ilang araw na ang nakalipas ay hindi naman siya kinulit ng mga ito, siguro nainip ang mga ito na hindi man lang siya nakapaghulog kaya nandoon nanaman ang mga ito at inaabangan ang paguwi niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Sa huli, nagmamadaling umalis na siya roon sa pinagkukublihan. Lakad lang siya ng lakad, hindi alam saan pupunta. Gabi na at pagod na siya. Gusto na niyang magpahinga. Hindi naman niya sasayangin ang perang mayroon siya ngayon para matulog lang sa isang motel. Magkano rin 'yon. Saan ba siya matutulog ngayon? ~ QUEZON CITY, CIRCLE. Doon dinala ng mga paa niya si Astrid. Doon na lamang siya matutulog. Dala naman niya ang mahiwagang sweater niya. Lagi naman iyon nasa bag niya dahil mapapakinabangan niya iyon sa mga hindi inaasahang sitwasyon tulad nito. Nakahiga na siya sa damuhan at sinalpak ang pagod na katawan doon. Tulalang napatingin siya sa kalangitan. "Kelan ba matatapos 'tong pagtatago ko? Napaka kawawa mo naman, Astrid. Nagtatrabaho ka na nga, pagod ka na, gutom, puyat, walang pera tapos ngayon sa kalye ka natutulog. Walang bahay, walang masilungan." pag seself-pity niya. Nakibot niya ang labi at napaismid. Ipipikit na sana niya ang mata dahil pagod na pagod na talaga siya nang may marinig siyang magsyotang naguusap. Nakaupo ang dalawa sa bench na tila nagtatalo. At dahil likas na chismosa siya, nakinig siya. Bukod pa roon, malakas naman talaga ang boses ng dalawa kaya maririnig at maririnig pa rin niya. "Ano bang mahirap sa sinasabi ko sa'yo? Magpapanggap ka lang naman! Mahirap ba 'yon? Babayaran naman kita, ha?" rinig niyang sabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya mula sa pagkakahiga. "Ang kulit mo rin kasi e 'no? Sabi ngang hindi ko kayang magpanggap. Ano bang mahirap intindihin 'don? Ayaw ko. Ayaw ko!" sagot naman ng babae. Nabuka niya ang bibig na pa-letter O. Bakit parang nakikita at naririnig niya ang sarili sa babae... at si Mr. Reedus sa lalaki?! Hindi pa naman siya nananaginip! Gising na gising pa siya!. "Hindi ka naman na lugi ha? Ano bang inaarte mo? Babayaran naman kita. Kailangan mo ng pera, hindi ba? Lahat ng gusto mo at kailangan mo, ibibigay ko. Abswelto na lahat ng kasalanan at utang mo saakin. Magkakapera ka pa ng marami. Ang sahod mo ay mas malaki pa sa isang manager sa malaking kompanya bawat buwan. Sa hirap ng buhay ngayon, huwag ka na maarte," katwiran ng babae. "Sa hindi ko kaya 'yang pinapagawa mo. Magpanggap!" piksi ng babae. "Hindi naman pang habang buhay kang magpapanggap ha? Kailangan lang natin ngayon. Pero pagkatapos nito, hindi na mauulit. Ako na ang bahala magpaliwanag sakanila. Trust me," paniniguro pa ng lalaki. "M-Magkano ang makukuha ko...?" "One hundred thousand. One time payment pa lang iyon," sa huli, narinig niyang pumayag na ang babae at nawala ang mga tinig. Doon naman nandilat ang mga mata ni Astrid at tila may ideyang pumasok sa isip niya. Ang dalawang naguusap... ang pinapagawa ni Niccolo... ang utang nila... ang sitwasyon nila ng ina... ang pera! Mabilis siyang napabalikwas ng bangon. Tama! Bakit nga ba hindi niya tatanggapin ang inooffer ni Niccolo? Minsan lang dumating sa buhay ang ganon. Gasino na lang ba na lunukin niya ang kunsensya niya! Ngayon pa lamang, ay naiimagine na ni Astrid na humihiga na siya sa maraming salapi at tila donyang buhay. Napatango tango siya mag-isa at napangisi. "Bakit nga ba hindi?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD