Kabanata 9

3180 Words
MANILA, PHILIPPINES. Pauwi na si Astrid galing sa paghahanap ng trabaho nang makita niya sa labas ng tinutuluyan niya ang mga tauhan ni Mrs. Martin. Pansamantalang nag la-lady bed space siya sa Cubao. Mura naman ang bigay niyon sakaniya, 2500 bawat buwan, kasama na roon ang kuryente at tubig. Exaggerated na napahawak sa labi si Astrid at agad na nagtago sa poste. "Diyos ko naman! Hanggang dito sa Manila? Infairness, ang bibilis nilang mag evolve! From Baguio to Manila! Mga peste talaga ang mga ito! Saan nanaman ako matutulog nito!" gigil na nasipa niya ang mga nakatambak na yero. Dahil doon naglikha iyon ng ingay at agad na naging alerto ang mga tauhan ni Mrs. Martin. Nataranta siya kaya nagmamadaling tumalikod siya para tumakbo pero paglingon niya ay bumangga lamang siya sa isang katawan kaya napaupo siya. Ang ngising ngising leader ng mga ito ang bumungad sakaniya. "Sa wakas! Sobra niyo kaming pinahirapang pamilya kayo! Ngayon sasama ka saamin!" Wala na siyang nagawa nang isakay siya ng mga ito sa UV. ~ BAGUIO CITY, PHILIPPINES. "Napakakulit mo naman, Ma. Oo ito nga pauwi na ako 'dyan. Pabalik na ako ng Manila. Wag mo na putulin ang ATM at credit cards ko, okay? Ito, gusto mong videohan ko pa ang pagmamaneho ko? Nasa biyahe na ako pabalik." naiinis na wika ni Jace sa ina. "Siguraduhin mo, Javer! Dahil ako punding pundi na ako sa lahat ng kalokohan mo!" matinis na sigaw nito. Bahagyang inilayo ni Jace ang cellphone sa tenga niya. Minsan talaga, napakabungangera ng ina niya. "Oo na, sige na. Uuwi na ako. See you later. I love you!" pangbobola niya rito. Pero binagsakan lang siya nito ng cellphone. Natawa na lamang siya. Ang ina niya talaga. Actually, hindi naman siya takot talaga na mawala ang ATM at credit cards niya. Doctor ang propesyon niya. At General Manager siya ngayon ng Hotel. It's just that, ayaw niya lang talagang magtrabaho. Gusto niya munang magenjoy. Naalala niya si Astrid. Marami pa namang panahon, maliit lang ang Baguio. Babalik siya muli rito, at hahanapin ito. Pero sa ngayon, ang ina muna niya ang iintindihin niya. "Alright, Manila here we go!" malakas na sabi niya at binilisan ng todo ang speed ng sports car niya. ~ ESCOLTA - THE PENINSULA, MANILA. Natawa si Niccolo nang makita ang nakabusangot na itsura ni Jace. Kahit hindi nito sabihin, ay alam na niyang dahilan bakit hindi maipinta ang mukha nito. Paano ba naman, wala pa itong dalawang araw sa Baguio ay napauwi na agad ito ng lukarit nitong ina. Naglulunch date sila ngayon ng kapatid. Sakaniya nito binubuhos ang rant nito sa bungangera nitong ina. "Ayos ka rin talaga e, 'no? Mapangasar ka rin. Nakita mo na ngang nabwibwisit ako, tumatawa kapa," asar na sabi nito habang sumusubo ng pagkain. "Nakakatawa kasi ang itsura mo. Alam mo kahit naman ganyan ang mama mo, may point siya. Aba Javer Ace, ano'ng edad ka na? Mataas ang posisyon mo sa Hotel. Bakit hindi ka magseryoso. Alam mo saating tatlo nila Jayden, ikaw iyong petiks na petiks lang. Samantalang kami halos magkandakuba kakatrabaho," napapailing na sita niya rito. Tinakpan nito ang tenga na parang batang ayaw makarinig ng sermon. "Shh. Shhh. Tumigil ka. Shut up! Ano ka, si mama ka na rin ba?" gigil na sambit nito. Tawang tawa nanaman siya sa itsura nito. "Para kang tanga pare. Magayos ka kasi ng buhay mo. Ang ganda ganda ng tinapos at propesyon mo eh. Tingin mo ba may magsesettle sayong babae kapag nalamang freeloader ka?" Sinuntok nito ang sariling dibdib at nag pogi pose. "Aba, siyempre meron. Edi mas madami kaming time sa isa't isa. Besides, hindi ko na kailangan magtrabaho. Mayaman ako, ang mama, ang pamilya natin." nakangising sabi nito. Malakas na hinampas niya ang balikat nito at inilapit ang mukha nito sakaniya. "So habang buhay ka na lang aasa saamin ni Jayden? Magpakatino ka, sira ulo." Natawa ito at magana nilang nilantakan ang pagkain. "Anyway, malapit ang anniversary ng Hotel ha. Ano'ng plano mo?" Bigla siyang natigilan. "Kailangan kong mahanap si Nicolette. Iyon ang gusto ng papa," straight forward na sagot niya. Naaawang natigilan ito at napatingin sakaniya. Hindi naman lingid dito ang sitwasyon nila ng ama tulad nang pagkaalam niya sa buhay nito at ng ina nito. "But, f**k, that's so impossible. Ano ka si Nora Aunor? May himala? Siya nga hindi niya mahanap ang kakambal mo, ikaw pa? Ang lapit lapit na 'nong anniversary. May sapak talaga sa ulo 'yang papa mo." naiiling na wika nito. Bumuntong hininga siya. Napangiti naman si Jace. "Huwag ka na masyado magalala. Pasasaan at magkakaroon ka rin ng lead sakaniya." sumubo ito ng pagkain at muling tumingin sakaniya. "O kaya naman, para matapos na ang lahat ng ito at wala ka na maging problema, kumuha ka nalang ng babaeng magpapanggap na kapatid mo. Madali na lang 'yon. Not all twins are looks exactly the same," tila wala lang na suhestiyon nito. Samantalang si Niccolo ay saglit na natigilan. Ang suhestiyon nito at ni Ivan ay iisa! Possible ba talaga iyon? Hindi na namalayan ni Niccolo na nakaawang na ang mga labi niya. Napatingin sakaniya si Jace dahil siguro sa pananahimik niya. Natawa ito. "But ofcourse, that can't happen. Like, masyadong sigurista ang papa mo. Matalino iyon at hindi maloloko. Besides... walang papayag na maging kapatid ka lang, Niccolo. You're a good catch and all. And last thing..." ibinitin nito ang huling sinabi. "To be your sister is a life-time commitment," sabi nito na matatandaan niya yata hanggang sa huling hininga ng buhay niya. ~ PABALIK NA SI Niccolo sa Hotel ay hindi matapos tapos ang pagiisip niya. Napakaraming pumapasok sa isipan niya. Buwan na lamang ang natitira at magaanibersaryo na ang Hotel. Kung tutuusin ay linggo na lamang iyon mula ngayon. At suntok sa buwan ang hilinging mahanap niya pa si Nicolette. Ayaw niya maging kulelat sa paningin ng ama. At ayaw niyang mabigo ito. Gusto na rin niyang matapos lahat ng kaguluhan na ito sa pamilya nila. At susi si Nicolette sa mga iyon. Naglalakad na siya sa lobby, nang may mga alaalang pumapasok sa isipan niya. "Kung malapit na ang anibersaryo ng Hotel at wala pa ring chance na makita natin si Nicolette, bakit hindi ka nalang kumuha ng babaeng pwedeng magpanggap na kapatid mo? Iyong magaling magpanggap. Look, hindi naman lahat ng fraternal twins ay magkamukha. Isa pa, sa magkaibang mundong ginagalawan niyo at mga experience sa buhay, pupuwede talagang mag-iba ang itsura niyong dalawa. OA naman 'yong dapat female version mo talaga." Ang mukha ni Ivan ang naalala niya. Kunot noong naglakad pa siya, sa pagkakataon naman na ito si Jace ang naalala niya. "O kaya naman, para matapos na ang lahat ng ito at wala ka na maging problema, kumuha ka nalang ng babaeng magpapanggap na kapatid mo. Madali na lang 'yon. Not all twins are looks exactly the same," ang tinig ni Jace ang nagrecollect sakaniya. Muli siyang naglakad patungong elevator. "Nagtitiwala ako sayo at hindi na muna kita masyadong kukulitin. Pero tandaan mo, napakalapit na ang anibersaryo." Ang mabagsik na anyo ng ama ang naalala niya. Sa hindi maisip na dahilan ay biglang sumagi sa isip niya si Astrid Villegas ng Baguio City at mga naging paguusap nila. "Eh kasi Mr. Reedus... iyong pinuntahan kita dito para singilin pag labas ko nandyan 'yong mga taong naghahanap kay mama sa utang niya. Siyempre damay na rin ako. Hindi ako makalabas. Hindi ako pwedeng umuwi saamin..." Naalala niya pa ang nakalabi at pagpapaawa nito sakaniya. "Baka naman pwedeng makitulog pa ako ngayon sa utility room mo kahit ngayong gabi lang. Huwag ka magaalala, ako papalit kay Mary Ann kasi nakasick leave. Maglilinis ako ng buong ground floor. Walang bayad. Basta patulugin mo lang ako dito, hindi ko na alam kasi saan ako matutulog. Hindi pa nga ako kumakain, sorry na please," Ang sinabi ni Ivan at Jace... Ang probisyon ng papa niya... Si Astrid Villegas. Tama! Tila may bombilyang pumutok sa isipan ni Niccolo nang mga sandaling iyon at nagmamadaling pumasok sa loob ng elevator at pinindot kung saan ang floor niya. Habang lulan 'nyon, hindi mawala wala sa isipan niya ang mga naghalo-halong mga memorya nang nakausap at pangyayari. "Tama. Si Miss Villegas. Kaya niya. Kaya niyang gawin ang sinasabi nila. Kaya niya magpanggap na kapatid ko," buo ang loob na sabi niya at kausap sa sarili. Pagkalapag sa floor niya ay nagmamadaling tinungo niya ang desk ni Ivan. Gulat na gulat pa ito nang makita ang humahangos na itsura niya na tila hinahabol ng sampung kabayo. "Hanapin mo si Miss Villegas. Astrid Villegas ng Baguio City. Tawagan mo siya at kunin mo ang lahat na impormasyon na pwede siyang macontact. Now." determinado niyang wika. ~ MANILA PHILIPPINES Paitsang binitawan ng mga lalaki si Astrid. "A-Aray naman...! Dahan dahan!" inis na sabi niya sa mga barakong lalaki. "Ah, leche! Dapat lang sainyo! Ang tagal tagal niyo kaming pinaikot at pinagtaguan. Ngayon, kung ayaw mong isama kita sa mismong boss namin, magbayad ka na ngayon. Para matapos na ang lahat ng ito." Inis na tumayo siya. "S-Sinabi ngang wala akong pera, bakit ba napakakulit niyo! O ayan, kalkalin niyo ang bag ko, tignan niyo pa bulsa ko! Tignan ko kung may makuha kayong pera 'dyan." Kinalkal nga ng mga ito ang gamit niya. "Boss, wala ngang laman. Walang kwenta mga laman ng bag ng babaeng 'to. Nag bag pa," nakaismid na sabi ng isa. Inis na kinotongan niya ito. "Ang kapal ng mukha mo ha! Ikaw na nga nang ba-bag raid nanglalait kapa," Nasapo nito ang nasaktang ulo. "A-Aray ko naman! Napaka mapanakit mo naman!" reklamo ng malaking lalaki. Inirapan niya lang ito. "Oh, ano, may napala ba kayo?" Matalim siyang tinignan ng pinaka leader. "So, paano mo kami mababayaran niyan?" Mabilis siyang nagisip at nagpeke na nauubo. "Kaya nga nandito ako sayo ngayon sa Manila. Kasi nagtatrabaho ako sa Avenue Hotel. Isa akong, a-ahm, personal assistant ng CEO," Ah bahala na! Napatango tango naman ang mga lalaki. "Avenue Hotel... ito ba ang Hotel sa Manila? Iyong seven star Hotel?" Ngumiti siya nang malawak. "Oo iyon nga. Malaki masyado ang sahod ko kaya mababayaran ko na kayo. Ako na ang magbabayad. Iyon nga lang, hindi isang buo. Hati hati kong babayaran iyon. Ayos lang naman iyon basta mabayaran ko, hindi ba?" panguuto pa niya. "Oo ayos na iyon. Basta bayaran mo kami," "Oo naman. Huwag kayo magalala." aniya at tinapik tapik pa ang balikat nito. Nagdududang tinignan siya ng mga ito. "Ikaw ba ay nagsasabi ng totoo?" Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan siya. "A-Aba... oo naman! Bakit naman ako magsisinungaling! Pumunta pa kayo roon eh," lakas loob na sabi niya. Mukha namang naniwala ang mga ito sa sinabi niya. "O siya, sige. Kung totoo nga 'yan, tawagan mo ang boss mo sa Avenue Hotel. Hindi ko naman kakausapin, gusto ko lang malamang totoong doon ka nagtatrabaho. Malaki ang pasahod 'don. Tiyak na mababayaran niyo na kami," Sunod sunod na siyang napalunok at namawis ang kili kili niya. Iniisip na niyang tumakas at kumaripas ng takbo. Kaso alam niyang mahahabol lang din siya ng mga ito, isa pa, marami ang mga ito. Walang laban ang maliit na tulad niya. "Ah... eh... a-ano kasi---" "Ano na? Tawagan mo. I-loud speaker mo lang. Makikinig kami." Problemadong problemadong kinuha niya ang cellphone. "W-Wala kasi akong load---" "Walang problema, papasahan ka namin ng load." Nakupo! Hindi na talaga alam ni Astrid paano malulusutan ang sitwasyon niya ngayon. Hindi nanaman niya tuloy maiwasang hindi sisihin ang mama niya. Ang mama niya ang naglagay sakaniya sa ganitong nakaaawang sitwasyon! Ahh, nakakainis! Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang may tumawag sa cellphone niya. Unregistered number. "Oh, sagutin mo baka boss mo na 'yan. I loud speaker mo," utos nito. Tila condensed milk na ang kili kili niya sa lapot ng pawis niyon. Halos mamuo muo na ang pawis niya sa buong katawan. Kabadong kabado. Pinindot niya ang accept at niloud speaker iyon. "H-Hello...?" hiling niyang hindi sana ang ina iyon o si Dave. "Hello, good day. Is this Miss Astrid Villegas?" English na tanong ng lalaki. Napakunot-noo siya. Sino naman itong englisherong ito? "Y-Yes..." nasagot na lamang niya. "This is Mr. Ivan Salvacion of Avenue Hotel. May free time ka ba? We have something for you, and we need to discuss it with you. Please leave a message kung kailan ka available. Thank you," Nanlaki ang mga mata ni Astrid sa binigay na hulog ng langit sakaniya. Hindi siya makapaniwala. She was just saved by the bell! Nagpakawala siya ng marahas na hininga. Kung anuman ang tungkol doon, ay wala na siyang pakialam. Basta, ngayon abswelto na siya. "Okay, thank you." aniya at mabilis na pinatay ang tawag. Nagmamalaking tinignan niya ang mga barakong lalaki. "Oh, ano? Sabi ko sainyo, hindi ba? Hindi nga kasi ako nagsisinungaling. Masyado kayong judgmental. Kaya nga ako lumuwas dito kasi may trabaho na ako at malaking sweldo. O siya, itong number ko." sinulat niya pa iyon sa papel. "Tawagan niyo na lang ako. Hindi ako tatakas. Magbabayad ako." Namamanghang kinuha ng mga ito ang papel na inabot niya. Tumikhim ang leader. "Oh sige. Pasensiya na. Hindi ka na namin guguluhin. Siguraduhin mo lang na magbabayad ka dahil alam mo na ang magiging kahihitnatnan mo." Tumango siya at pilit na pilit na huwag ilabas ang ngiti at tawa. "Paano ba yan, aalis na ako ha?" Pero bago iyon nagtanong pa ang ibang kasama nito. "Maganda ba 'don? Magkano ang sahod? Sosyal doon diba? Ipasok mo kaya kami?" Kinotongan ito ng leader. "Tumigil nga kayo." Tumingin ito sakaniya. "Pagpasensiyahan mo na 'tong mga ulupong na ito. Sige, pwede ka nang umalis. Ang usapan natin. Kapag hindi ka tumupad ang boss mo ang huhuntingin namin," Nanginginig na tumango siya at nagmamadaling umalis doon. As if she was fighting for her life. ~ "OH, ANG ANAK kong butihin. Mabuti naman at naisipan nang bumalik dito," sarkastikong aniya ni Lucresia sa anak nang makita ang binata na pinapasok ang mga gamit sa loob ng Mansion. Napakamot na lamang sa ulo si Jace sa tonong ginamit ng ina. "Tutal ngayong naririto kana sa Manila, aba baka gusto mo namang pumasok na sa trabaho at gampanan ang trabaho mo bilang General Manager? Paano na lang kung wala na akong trabaho? Paano nalang kapag namatay na ako? Kawawa ka," iiling iling na wika nito. Napangisi si Javer sa tinuran ng ina. "Naku, huwag niyo muna masyado isipin 'yon. Malayo pa 'yon mangyari. Ang masamang damo, matagal pang mamata--- aray naman!" napaigik si Jace sa matinding kurot ng ina sa tagiliran niya. Nanlilisik ang mga mata nito. "Ako nga'y tigilan mo sa kalokohan mo, Javer! Pati ba naman ako isasama mo sa mga kalokohan mo. You are the only one that I have, anak. Kaya please naman, huwag mo akong biguin."  Talunang bumuntong hininga siya. "Alright. Fine. Ta-try ko nang magpakatino. Papasok na ako bukas. Okay?" kahit si Jace ay hindi sigurado kung totoo ang sinasabi niya. May pagdududang tinignan siya ng ina. Tila hindi rin binibili ang sinabi niya. Inakbayan niya ang ina at hinalikan sa pisngi. "Ito talagang mukhasim kong ina. Oo na nga. Papasok na ako bukas, pangako." parang batang itinaas pa niya ang palad. Naiinis na nakagat na lamang ni Lucresia ang labi sa kasutilan ng anak. ~ ILANG ARAW ANG lumipas. Swerte namang natanggap ng trabaho si Astrid. Isa siyang saleslady ngayon sa tiangge ng Farmers Cubao. Mga damit pang babae ang paninda ng amo niya. Sakto rin kasi sa Cubao rin siya nagbebed-space. Nilalakad niya lamang iyon at wala pang 20 minutes ay naroroon na siya. Nakamenos gastos siya sa pamasahe. Hindi man libre ang pagkain, pero kaya naman niyang magtiis sa mga silog meals at siomai rice. Tatlong daan ang sahod niya araw araw. At wala naman siyang day-off dahil araw araw bukas ang Mall. Pwede pang lumaki ang sahod niya araw araw kung magaling siyang magbenta at kung mapapabili niya ang customer sa mas mataas na halaga kaysa sa tunay na presyo ng damit. Halimbawa, ang isang dress ay 300 pesos. Pwede niya itong gawing 320 at ang bente ay tip na niya o diskarte niya kung tatawagin. Ngunit kahit naman wala siyang tip makakasahod pa rin naman siya. Kaya pinipilit niyang maibenta ang mga damit na mas mahal sa tunay na presyo nito para malaki laki ang natatake home niyang pera. Minsan naman ay sinusuwerte siya at nakakapaguwi ng 500 pesos. Iyon nga lamang wala itong SSS, pagibig at philhealth. Pero ayos na rin 'yon, ang mahalaga may kinikita siya. Sobrang pagtitipid ang ginagawa niya. Nagtatabi lamang siya para sa bed space niya, pangkain at kaunting pang gastos. At mas malaki ang binigay niyang porsyento sa ina at kay Oman. Magtatabi naman siya ng isang libo para sa utang nila, para mabayaran ito ng paunti unti. Hindi sapat ang trabaho niya, kaya kailangan niya pa nang ibang mapagkakakitaan. Nawala siya sa pagiisip nang biglang may pumasok sa loob ng booth nila. "Hi ganda, bili ka na. May mga bagong stocks kami ngayon. Dress gusto mo? Skinny jeans. 350 nalang, may bawas pa." agad na alok niya. Napatingin siya sa sapatos nito at nalaman niyang hindi pala iyon babae. Sapatos ito ng lalaki. Nang hindi ito nagsalita paakyat na tumaas ang paningin niya. Nagulat pa siya ng makita si Mr. Reedus! Ang huling taong ieexpect niyang makita rito. "Mr. Reedus...! Ano'ng ginagawa mo rito?" Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat. Pagkatapos ng engkwentro nila sa Baguio, ay hindi na sumagi sa isip niya na muling magkukrus ang landas nila ng binata. Wala naman na silang kailangan sa isa't isa. At ang makita ito sa ganoong lugar ay hindi kapani-paniwala. Ano nga ba ang gagawin ng isang Niccolo Reedus sa Farmers Cubao? Malamang sa mga mamahaling boutique at mall ito nagsho-shopping. Pormal na pormal pa ang itsura nito at nakasuot pa ng makapal na coat. Nakatie pa ito at nangingintab ang sapatos sa kinis. Sa itsura nito, parang dumating ang may-ari nang nasabing Mall. Napatingin lang ito sa mukha niya. "Miss Villegas, pwede ka bang makausap sandali?" Nakiusyuso na rin ang amo niya. "Oh, Astrid. Bakit hindi mo ientertain ang customer natin?" Umiling siya. "Huh? Pasensiya na. Hindi pwede nakikita mo namang may trabaho ako..." "Kahit sandali lang. Importante." "Magagalit ang amo ko. Wala siyang katuwang dito. Ano ba kasi 'yon?" nagtataka na niyang tanong. "May mahalaga akong sasabihin sa'yo," "Astrid, ano ba 'yan? Bakit mo tinataboy ang customer?" inis na tanong ng amo niya sakaniya. "Ay hindi siya customer, madam. Kakilala ko," Napaismid ang amo niya. "Oh, hindi ito ang oras para magchismisan. Maraming customer, hala, sige kumilos kana," "Opo." Tumalikod na siya ngunit napigilan siya ng paghawak nito sa braso. "Sandali lang naman, Miss Villegas." pakiusap ng binata. Bumuntong hininga siya. "Hindi talaga pwede ngayon, nakikita mo namang maraming customer. Sahod kasi ngayon, maraming namimili. Bumalik ka nalang pag out ko kung talagang importante ang sasabihin mo. 10pm ang out ko, at nakakalabas ako ng mall bandang 10:30 to 11pm. Nagaayos pa kasi ako at nagiinventory," aniya. Tumango ito. "Babalik ako. Hihintayin kita,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD