Kabanata 8

3132 Words
NASA REST HOUSE na sila Niccolo at Jace. Malawak ang lupaing iyon na nabili ng ama, many years ago. May isang hektarya ang lupang iyon at 400 sqm rest house. May care taker naman na nagaalaga roon kahit walang nakatira. Minsan doon nagi-istay ang ama. At siya kapag may importanteng pinupuntahan sa Baguio. Minsan ay pinapagamit din nila ito sa mga bigating clients at guest nila. "Kahit ilang beses na akong nakapunta rito, hindi talaga ako magsasawang sabihing napakaganda talaga ng rest house niyong ito. Kung ibebenta niyo lang ito, siguradong ilang million ito. Maganda pa ang location. Tignan mo naman mula dito, kitang kita ang malawak at magandang view ng Baguio. Parang 360 degree ang view." puri ni Jace nang parehas na silang nakapaligo. "O sige, edi bilhin mo. Ibebenta ko sa'yo," natatawang sagot ni Niccolo. Nahiga si Jace sa malambot na couch. "Gustuhin ko man, pare, pero you know my life is in Manila," nakangising sabi nito. Tumaas ang isang kilay ni Niccolo at binuksan ang ref niya, kumuha siya roon ng 2 red horse mucho. "Siyempre nga naman, life of the party ka eh. Hindi mo talaga iiwan ang mga babae mo sa Manila. Pasensiya na, wala akong stock dito nang ibang beer o alak. Ito lang eh," Nanlaki ang mga mata ni Jace sakaniya. "Yabang nito! Akala mo naman siya hindi nangbabae. Don't tell me na wala kang babae o dinadate o nakakasex. You're not a prude, Niccolo. Huwag kang magmalinis," Nakangising sabi nito. Ito na mismo ang kumuha ng red horse at binuksan iyon. Kumuha siya ng tube ice sa ref at naghanda ng shot glass. "Jace, spare me. Masyado akong busy sa Hotel kaysa intindihin ang pag paparty at mga babae,"  "At bakit? Don't tell me na hindi ka pa rin nakakapag move on kay Denise? Ang asawa ng half-brother natin?" gulat na usisa nito. Minsan gusto na niyang kaltukan si Jace sa mga pinagsasabi nito. Si Denise ang unang babaeng pumukaw sa pansin niya noon, at totoong minahal niya. Ngunit, matagal na niyang tanggap na hindi sila para sa isa't isa. Denise and his brother, Jayden were meant for each other. At wala siyang balak humadlang doon. Isa pa, matagal na siyang nakamove-on. "Alam mo minsan, hindi ko alam kung insensitive ka lang talaga. Ofcourse not. Walang kinalaman si Denise rito. Hindi lang talaga ako kasing playboy mo," ganting asar niya rito. "Sus! Huwag ka lang talaga papahuli saakin na may babae ka, kasi kapag nahuli kita, aasarin kita ng todo," at natawa ang binata. Natawa na rin siya. Sa totoo lang, noong bago siya mag trenta, aaminin niyang naging malikot din siya sa babae noon. Kaliwa't kanan. Para siyang si Jace noong kaedad niya ito. Wild, young and free. But not now. Marami na siyang obligasyon at iniisip sa buhay. Mas iintindihin pa niyang hanapin ang nawawalang kakambal kaysa mangbabae at mag good time. "May ready to cook na akong kalamares 'dyan, magluluto lang ako saglit." aniya sa 'kapatid'. Even if they are not blood related, talagang kapatid na ang turing niya sa half-brother ng kaniyang kapatid na si Jayden Aran. "Alright. May nakita akong fruit cocktail dito sa food rack mo, bubuksan ko na rin ito. Alam mo namang ito ang favorite kong pulutan kapag nagiinom," Habang busy sila sa kanya kanya nilang pagpeprepara, hindi naman natigil ang magana nilang kwentuhan. Nagsisimula na silang magshot nang biglang may naalala banggitin si Jace. "Oo nga pala, alam mo na ba? Nakuha ni Dianne ang Miss Universe ha. Congrats! Infairness, talagang magaling siya sumagot at maganda talaga. Ikaw na Niccolo! Kaya naman hindi nakakapagtaka na hindi ka na nangbababae, magkaroon ka naman ng ganoong kagandang girlfriend," Natatawang sinuntok niya ang braso nito. "Siraulo! Dianne and I never had a serious relationship back then. On and off kami. At alam niya ano lang ang relasyon namin. Nothing serious. And yes, alam kong nakuha niya ang korona," Tumango tango ito. "Well, be ready. Sa mga susunod na linggo uuwi na 'yon dito tiyak. Irerepresenta na niya ang korona sa Pilipinas. Medyo clingy pa naman 'yon sayo. Bakit kasi hindi mo nalang totohanin? You two look good! Bagay naman kayo." Naisip din iyon ni Niccolo. Pero hindi niya alam, parang hindi pa si Dianne ang babaeng para sakaniya. Hindi niya mahanap doon iyong kakaibang pakiramdam na mainlove. Yes, Dianne is a perfect display girlfriend. Pero hindi niya nakikita ang sarili na tumandang kasama ito. He doesn't know why. "Sa hindi pa talaga siya eh. Walang spark. Hindi ko maramdaman iyong kakaibang feeling kapag siya ang kasama ko," maikling tugon niya. Napatango tango naman si Jace. "Sabagay pare, naiintindihan kita 'dyan. Iba 'yong feeling pag tinamaan ka ni kupido eh. Speaking of which, alam mo bang may babae akong nakita rito sa Baguio? Damn, pare! She's so interesting. Maganda siya for me. Well, hindi kasing ganda ni Dianne. Pero, kakaiba eh. Basta may something sa personality niya na gustong gusto mo kilalanin. At alam mo bang hindi man lang gumana ang charms ko sakaniya? Walang babaeng nakakahindi sa isang Javer Ace Martin. Ni hindi ko man lang nakuha ang number niya!" palatak nito. Natawa si Niccolo at nagshot muna bago sumagot. "Baka kasi may boyfriend na o asawa. O pinakamalala, hindi siya interesado sa'yo," Umiling iling ito. "No, pare. Alam kong dalaga pa siya, maybe boyfriend yes. Pero alam kong wala pa siyang asawa. At iyon nga eh, hindi siya interested saakin, kaya mas naaakit ako. Gusto ko siyang makita muli. Kasi alam mo 'yon. Napakamysterious niya for me. Parang napakalalim na tao," Hindi alam ni Niccolo pero nang sandaling iyo ay biglang pumasok sa isipan niya si Astrid Villegas. Ang babaeng iyon. Kaya naman napailing siya at natawa. "Mahirap 'yan, pare. Mahirap 'yong mysterious, 'yan yung klase ng tao na madaming tinatago. And you may not know, she's not good for you. Kaya mag-ingat ka," babala niya sa kaibigan. ~ KINAILAGAN UMUWI kinabukasan ng umaga ni Niccolo sa Manila, may mahalaga siyang aayusin sa Hotel. Iniwan niya roon si Jace sa rest house tutal narito naman na ang susi ng bahay at tiyak na magliliwaliw lang naman ito sa siyudad ng Baguio. Samantala, si Ivan naman ay kasalukuyang kausap ang Doctor na nagpaanak sa ina ni Niccolo. Naririto sila sa Starbucks at naimbitahan niya ang ginang na magusap. Ipinakita ni Ivan ang picture ng ina ni Niccolo. "Kilala niyo po ba siya?" Litrato iyon ni Imelda Reedus. Pinakatitigan iyon ng matanda. Kulubot na kulubot na ang balat nito at alam niyang maedad na ito. "Oo, naalala ko siya. Siya iyong babaeng may kambal na anak," Nabuhayan siya ng loob. "Alam niyo po ba ang nangyari sa mag kambal? Ano po ba ang tunay na nangyari?" Saglit itong nagisip. "Ako ang nakaassign na doctor sakaniya noong nanganak siya. At sa pagkakatanda ko, babae at lalaki ang iniluwal niya." Napatango siya. "Oho, ano po bang nangyari sa magkambal?" "Healthy ang dalawang bata. Pero nagulat kami nang biglang namatay ang batang babae. Tanging ang batang lalaki lang ang natira," sabi nito. Napakunot noo siya. "Namatay? Ano ho ang ikinamatay?" "Pagkatapos ipanganak ang kambal, ilang oras lamang ag binawian na ito ng buhay. Sudden death. Iyon na lamang din ang alam ko dahil maaga namang nagpadischarge ang pasyente." Lumalaylay ang balikat niya. "Ang nurse ho na nakatoka sakaniya, alam niyo ho ba saan siya pwedeng mahanap?" Napatingin ang matandang doktora sakaniya. ~ VICTORY LINER, BAGUIO CITY. "Ito ma, bibiyahe akong papuntang Manila. Raraket ako roon. Titignan ko kung ano'ng pwedeng oportunidad doon saakin. Baka doon ako makahanap ng mas maayos na kita at trabaho. Nagbigay na ako sainyo ng pera papuntang Cebu. Magtago na kayo ni Oman ha. Lagi niyong dalhin ang cellphone niyo kasi tatawagan ko kayo lagi. Huwag na kayo masyado magalala saakin. Nakakandado naman ang bahay at walang papasok doon dahil wala rin namang makukuha roon. Sige na, mag-iingat kayo. Mahal na mahal ko kayo," sabi ni Astrid sa kabilang linya at ibinaba na ang tawag. Nalulungkot na tinignan siya ni Dave. "Kailangan ba talagang umalis ka, Astrid?" Bumuntong hininga siya. "Kailangan, Dave. Para makapagtago rin sa mga tauhan ni Mrs. Martin. At malay mo magkaroon ako ng magandang pagkakakitaan doon. Huwag kang malungkot, magiging maayos lang ako doon. At lagi akong magtetext sayo." "K-Kung sumama na lang kaya ako sa'yo...?" natitigilang suhestiyon nito. Napaismid siya. "Naku, Dave! Tigilan mo ako. Ano parehas tayong palaboy sa Manila. Atsaka wala ka ngang pamasahe papuntang Manila eh. Paano ang pamilya mo? Kailangan ka rito." Lumabi ito. "H-Hindi ko kasi kaya nang wala ka, Astrid. Magaalala ako sayo ng sobra roon, lalo na't wala kang kasama roon... b-baka mapaano ka, babae ka." Alalang alalang wika nito. Natouch naman siya. Sobrang mahal talaga nila ni Dave ang isa't isa. Magkapatid na magkapatid talaga ang turingan nila. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Salamat, pero huwag ka masyado magaalala. Malaki na ako, kaya ko ang sarili ko. Kapag may pera na ako, babalik din naman kami sa Baguio. Kaya huwag ka na malungkot. Okay? Lagi ako magtetext, pangako," itinaas pa niya ang palad niya. "Kung may magagawa lang ako... kung may pera lang ako, hindi mo kailangang gawin lahat ito." malungkot na sabi nito. Pinisil niya ang pisngi nito. "Nagawa mo na ang lahat para saakin, Dave. At nagpapasalamat ako roon. O siya mauuna na ako, bibiyahe na 'tong bus. Ingat ka lagi ha? Mamimiss kitang abnormal ka!" At natawa siya. Pero hindi ito natawa. Bagkus, lugong lugo pa ang itsura. Tila nabankrupt pa ang ekpresyon nito. "Paano ba? Akyat na ako ha," "Astrid." Nagulat siya nang hilahin siya nito sa braso kaya naman napasubsob siya sa dibdib ng kaibigan. Tinignan siya nito ng maigi sa mga mata. May nababasa siyang hindi mawari sa pinapakita nitong ekspresyon. "Mag-iingat ka roon. Pangako, susunod ako roon kapag nakaipon na ako. Mahal na mahal kita," niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan sa noo. Nagulat siya, hindi naman bago sakaniya na yakapin at halikan siya nito, pero naninibago siya sa rito na hindi mawari. "M-Mag ingat ka rin, D-Dave." nasambit na lamang niya. ~ MANILA PHILIPPINES Naririto sila ni Ivan sa Chill Top Restobar sa Gil Puyat. Pagkatapos maserve ang inumin nila muling nagsalita ang kaibigan. "Iyon lamang ang nakalap kong impormasyon sa ngayon. Pero huwag kang magalala, hinahanap na ang nurse na nakaassigned sa mama mo noon. Magaling din naman ang mga inupahan kong tao," ani Ivan pagkatapos inumin ang alak sa kopita. Hindi siya sumagot at nagsalin ng alak sa wine glass. Pinuno niya iyon atsaka inisang lagok. Dumaan sa lalamunan niya ang init niyon. "Huwag kang titigil. Kahit ano'ng mangyari, ituloy mo lang ang paghahanap kay Nicolette." tanging nasabi niya. Napatango na lamang ito at matamang nakatingin lamang sakaniya. "I'm sorry to say this pare... pero parang napakahopeless case nitong kakambal mo. Kung tutuusin she was gone for almost 31 years. Sanggol pa lamang kayo nang mawala siya, hindi pa nga nailalabas sa hospital nang mawala siya eh. Hindi sa negative thinker ako, realistic lang ako pare. Sabihin na nating hindi siya namatay noong ipinanganak. Tingin mo ba makakasurvive ang isang bagong silang na sanggol?" Malalim siyang napaisip. Sa totoo lang may punto ang kaibigan. Kahit siya naman ay naiisip na hopeless case na talaga ang kapatid. At bata pa lamang siya noon, siguro mga elementarya pa lamang siya ay hinahanap na ito ng ina at ama niya. Pero kung ang mga ito na may pera at may kapangyarihan, ay ni hindi ito mahanap sa matagal na panahon, paano pa siya? Misteryoso ang kaso ng kakambal niya. "Niccolo, pare... I'm sorry. P-Pero paano... kung wala na siya rito sa bansa or worst... patay na talaga siya noon pa?" Hindi malabo ang posibilidad na iyon. Huminga siya ng malalim. "Malapit na ang anibersaryo ng Hotel. At 'yon ang hinihinging taning sayo ng ama mo. Alam mo na ang magiging kapalit noon kapag wala tayong naipakitang pruweba na patay na talaga si Nicolette o dalhin si Nicolette rito saatin kung buhay pa nga talaga siya," Hindi siya sumagot at mas tila lumalim ang gatla sa noo. Totoong malapit na talaga ang anibersaryo ng Hotel. At nangangamba na siya sa maaring gawin ng ama. Pwede nitong siraan ang half-brother niyang si Jayden, at madamay pa ang triplets na pamangkin niya. Hinding hindi niya mapapayagan na mangyari iyon. Nakuyom niya ang kamao. "Gusto mo na ba sumuko?" mahinang tanong ni Ivan sakaniya. Muli siyang nagsalin ng alak at ininom iyon ng daretso. "Gustuhin ko man, pero kapag sumuko ako, ibig sabihin lang 'non tinatanggap ko na ngang patay ang kakambal ko. Bukod pa roon, parang tinanggap ko na rin ang pwedeng mangyari sa kapatid at mga pamangkin ko." seryosong wika niya. "Bilib din ako sa'yo, pare 'no? Sobrang mahal na mahal mo ang kapatid mo. Hindi kita masisisi. Buong buhay mo pinalaki ka ng ama mo na kagalitan at kapootan ang kapatid mo. Ginawa ka niyang instrumento para sa paghihiganti niya sa mga ito. Hindi ka niya minahal bilang anak. Gamit lang ang tingin niya sayo. Pero pare, ikaw naman ang iniisip ko. Sarili mo naman ang isipin mo," concern na sabi nito. "Saka ko na iisipin ang sarili ko kapag maayos na ang lahat. At magagawa ko lang 'yon kapag nandito na si Nicolette. Matitigil na si Papa sa lahat ng mga plano niya at hatred niya," nilaro laro niya ang alak sa kopita. "Kung malapit na ang anibersaryo ng Hotel at wala pa ring chance na makita natin si Nicolette, bakit hindi ka nalang kumuha ng babaeng pwedeng magpanggap na kapatid mo? Iyong magaling magpanggap. Look, hindi naman lahat ng fraternal twins ay magkamukha. Isa pa, sa magkaibang mundong ginagalawan niyo at mga experience sa buhay, pupuwede talagang mag-iba ang itsura niyong dalawa. OA naman 'yong dapat female version mo talaga." biglang sambit ni Ivan. Maang napatingin siya sa kaibigan sa sinabi nito. Hindi niya aakalain na magbibigay ito ng ganoong suhestiyon. Tila nagulat din ang binata sa nasabi. Agad itong nagyuko at uminom ng alak. "Pero siyempre, impossibleng mangyari 'yon. Napakatuso at mautak 'yang tatay mo. Impossibleng hindi niya 'yon malaman," agad nitong pagbawi. Natapos ang usapan nilang iyon na ang suhestiyon nito ang naging laman ng isipan niya. ~ "MANO HO, Nanay Meding," magalang na bati niya sa matandang babae na itinuring na niyang pangalawang ina. Tumango ito. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kamusta ka? Ngayon ka lang nadalaw? Namiss kita ng sobra," Tipid na napangiti siya. "Naging busy lang ho. Kamusta ho kayo?" "Okay lang naman kami rito sa mansiyon. Ayos lang ako anak. Siya nga pala, andiyan ang ama mo sa balkonahe. Mag-ama nga talaga kayong mantakin mong ang tagal niyong hindi umuuwi, pero sabay na araw pa rin kayong dumadating dito sa mansyon?" palatak nito. "O siya, puntahan mo na ang ama mo." pagdidismiss nito Napakunot noo siya. Umuwi siya sa mansion dahil alam niyang wala roon ang ama at matatahimik ang buhay niya. Hindi naman niya inakalang uuwi rin ngayon mismo ang ama. Kung minamalas ka nga naman talaga. Wala na siyang nagawa kundi umakyat at hanapin ito. Kabastusan naman kung hindi niya sisilipin man lang ang ama. Afterall, it's his father. Nadatnan niya ang ama na nagkakape sa balkonahe at malayo ang tingin. Naramdaman nito ang presensiya niya. "Kamusta ka na, anak?" tanong nito. Mapakla siyang natawa at tumabi sa bakanteng upuan na katabi nito. "First time ko ho yatang narinig na kinamusta niyo ako," Totoo naman iyon. Sa matagal na panahon, he is always craving for his father's attention. Lahat ginawa niya para maging proud ito sakaniya. Nagaral siya ng mabuti. He even graduated with flying colors. Matalino siya at hindi basta bastang estudyante lamang. Nagpakatino siya. Sinunod ang mga gusto nito kahit ayaw niya. Hindi masaya ang childhood niya dahil lagi siya nitong kinukumpara sa half-brother niyang si Jayden noon. Lumaki siyang nakikipagkompstensya sa kapatid na hindi naman siya kilala. Buong buhay niya naging anino siya ng galit at hatred sa puso ng ama. Tama nga si Ivan, hindi siya minahal ng ama. Instrumento lamang ang tingin nito sakaniya. At kahit habang buhay siyang magpapansin dito, hinding hindi nito makikita lahat ng effort at pagmamahal niya rito. Naiinggit pa nga siya kay Nicolette eh, mabuti pa ang kakambal niya kahit hindi naman ito kasamang lumaki ng ama, ramdam niya ang matinding pagmamahal at pangungulila nito sa nawawalang anak. Pero siya? All these years! Siya ang kasa kasama ng ama, lahat ng gusto nito sinusunod at ginagawa niya, kahit hindi niya gusto iyon. He's like a puppet, hindi anak. Bukod sa mga pilat at pasa niya sa katawan tuwing hinahampas siya nito ng tungkod o sinasaktan, mas matindi ang naiwang emosyonal na sakit sa puso niya. Even if he was already 31 now... he is... he is craving for his father's love. A love that he can't give. Naramdaman niya ang pamimigat ng kalooban at panunubig ng mata. Tumingala siya upang mapigilan ang pagbagsak ng luha niya. Pagtatawanan nanaman siya nito kapag lumuha siya o nagpakita ng anumang emosyon. Sasabihan nanaman siya nitong mahina at duwag. Natawa ito sa sinabi niya. "Anyway, may balita ka na ba sa kakambal mo?" Agad na nitong iniba ang usapan. Mahal niya rin ang kakambal at gustong makita ito. Pero bakit pati sa kakambal na hindi niya kilala, kailangan niyang makiamot ng pagmamahal at atensyon? Bakit hindi siya nito magawang mahalin? Anak din naman siya. Siya na lang ba lagi sasalo ng mga sisi at galit? "Huwag kayong mag-alala. Sinisigurado kong bago mag anibersaryo ng Hotel ay may maibibigay ako sainyong impormasyon," Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob sabihin iyon kahit wala ngang progreso ang kaso ng kakambal. Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa. "O sige. Nagtitiwala ako sayo at hindi na muna kita masyadong kukulitin. Pero tandaan mo, napakalapit na ang anibersaryo." paalala nito. Tumango siya at sumandal sa pader. "Hindi ho ako malilimutin at alam ko. Pero inaasahan kong may isa kayong salita kapag naibigay ko na ang gusto niyo," seryosong sabi niya. Kumunot ang noo nito. "Kahit ganito ako kasama at katarantado, ikaw ang nakakaalam higit kanino pa man na may isang salita ako, Niccolo." maanghang na sagot nito. Alam naman niya iyon. Kung mayroon man sigurong magandang katangian ang ama, ay ang pagkakaroon nito ng paninindigan at may isang salita talaga ito. Kahit galit ito o ayaw nito ang isang bagay, kapag sinabi nito, sinabi nito. Gagawin talaga nito iyon. Kaya naman kampante talaga siyang kapag nandyan na si Nicolette magiging payapa at maayos na ang lahat. "Sinisigurado ko lang ho." Tumango ito. "Buweno, aalis din naman agad ako. May importante akong pupuntahan," kinuha na nito ang tungkod nito at paika ikang naglakad palabas ng balkonahe. Sinundan na lamang niya ng tingin ang ama at malalim na napabuntong hininga. Napatingala siya sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD