Kabanata 7

3009 Words
DINALA SIYA NG binata sa The Outlook Steak & Grill Restaurant. Hindi iyon nalalayo sa Mines View Park. Nang dumating ang order nila, nagpasalamat siya sa waiter. "Anyway, I'm Javer. But everyone calls me Jace except my mother." pakilala ng binata sakaniya. Ngumiti siya. "Astrid. Jace? Paano naging Jace?" "Javer Ace ang pangalan ko. Kaya naging palaway ko na ang Jace. Ikaw, kung anong gusto mong itawag saakin," "Jace na lang. Mas madaling banggitin. Salamat pala sa pagtulong mo ha?" totoong wika ng dalaga. Tumango ito. "No problem. Hindi ko rin naman kayang makitang may nasasaktang babae. Bakit ka nga ba kasi hinahabol ng mga iyon?" Napangiti siya ng mapakla. "Ah tauhan iyon ng mga pinagkakautangan namin. May utang kasi ang mama ko. Maliit lang naman pero lumaki ng lumaki dahil sa tubo. Mahirap lang kami, kaya hindi naman agad mabayaran," May awang humaplos sa puso ni Javer pagkarinig niyon. Napatango siya. "You must be so hungry, let's eat." yaya niya. Naging magana naman ang babae at natutuwa siya habang pinagmamasdan kung gaano kalakas ang appetite nito. Mas malakas pa kumain sakaniya! "A-Ahmm... Jace, ano pwede bang--" "May gusto ka pa bang kainin?" malambing na tanong niya. Nahihiyang tumingin ito sakaniya. "Ah, hindi na. Masyado na nga itong marami. Pwede bang ano, ahm, magkamay ako? Kasi ang hirap kumain ng hipon na hindi nagkakamay eh," at tumawa ito ng natural. Pakiramdam ni Jace ay highschool student siya na nagblush sa paraan nito ng pagtawa. Astrid is really one of the woman na masasabi mong natural talaga. Walang kaarte arte sa katawan. "Iyon lang ba? Oo naman, walang problema. Magkakamay na nga rin ako para hindi ka mahiya," Umiling iling ito. "Ay naku, huwag na! Baka masira lang 'yung maganda mong kutis. Atsaka sa itsura mo, hindi bagay magkamay. Ang sosyal sosyal mo kaya tignan." Natawa nanaman siya. Oh boy, this woman is so full of humor and cute! He must admit that Astrid really hooked his attention. Pero hindi niya ito pinakinggan at nagkamay na rin siya. Masaya at magana nilang tinapos ang pagkain nila. ~ SA MINES VIEW PARK sila dinala ng mga paa nila. Nagaalalang napatingin si Astrid sa kamay at galos ni Jace sa mukha. Napabuntong hininga ito. "Sorry talaga, Jace ha? Napano ka pa tuloy," "Wala ito. Malayo sa bituka. Saka mas malala pa ang nakukuha ko dati." Natawa si Astrid. "Bakit? Gangster ka ba?" Natawa rin ito. "Anyway, may number ka ba? Pwede ko bang makuha---" Biglang tumunog ng malakas ang cellphone nito. Nagexcuse ito na sasagutin iyon. Unregistered number. Sino naman kaya ito? Inis na isip ni Astrid. Sinagot niya iyon. "Hello?" "Astrid. Remember, 3pm sharp susunduin ka dyan ng company driver namin." Hindi na niya kailangan magtanong kung sino iyon, alam niyang si Mr. Reedus iyon. Saglit na nilayo niya ang cellphone sa tenga para tignan kung anong oras na. 2:42pm na! Diyos ko po! "Oo, oo. Sige alam ko na. Babye," at pinatayan na ito ng tawag. Mabilis na lumapit siya kay Jace. "Jace, mauuna na ako. May importante akong appointment." "Huh? Tara ihahatid na kita," sabi nito. Mabilis na umiling siya. "Hindi na. Okay lang sige na. Maraming salamat ha?" "Wait, Astrid!" pero hindi na ito lumingon at nagmamadaling umalis. Natatawang naiwan si Jace roon. Kakaibang klase, ito ang unang babaeng tumalikod sakaniya ng ganoon! He even don't have her number! Damn! ~ MANILA, PHILIPPINES. "Maraming salamat, Astrid. Kami saya sobra," nakangiting aniya ni Mr. Wong sakaniya. Yumuko siya. "Maraming salamat din po." "Kami enjoy pamilya, ikaw ingat byahe ha?" ang ginang naman ang sumingit. Ngumiti siya ng malawak. "Naku, maraming salamat po! Sa uulitin," Dinala niya ang mga ito sa Cartimar, Baclaran at kumain naman sila sa mga chinese restaurant sa Binondo. Hindi na sila nakapuntang Divisoria dahil wala silang maparkingan na malapit lapit sa mga 168 mall. Ayaw naman ng mga ito maglakad ng malayo. Masasabi naman ni Astrid na successful ang trabaho niya, kitang kita niya ang enjoyment sa mukha ng mga ito. Nakaramdam siya ng pagtaba ng puso. Halos isang araw silang naglibot at tunay na nakakapagod. Pero kapag naiisip niya ang malaki laking bayad sakaniya ni Mr. Reedus ay tila nawawala ang pagod niya. Nilapitan siya ng isang lalaking hindi niya kakilala. "You did a great job, Miss Villegas. Here's your salary," magalang na sabi nito at umalis na. Nanginginig na inabot ni Astrid ang maliit na sobre. Naririto siya sa Hotel, Manila branch. Tinungo niya ang couch doon sa lobby at umupo. Inilibas niya ang pera sa maliit na sobre. Makapal kapal iyon. At puro tig one thousand. Malinis at mabangong mabango pa. Binilang niya iyon. Bente kapiraso. Saktong twenty thousand. Walang labis, walang kulang. Napapikit siya at pinagpag sa buong katawan niya ang pera. "Para swertehin!" natatawang kausap niya sa sarili. May mannerism siyang ganoon. Na kapag nakakahawak ng pera ay pinapagpag niya sa sarili o gamit niya dahil naniniwala siyang magdudulot iyon ng swerte sakaniya. Inoy amoy niya ang pera. Napakabango sa pang amoy niya. Sunod sunod pa ang serial number, halatang kawiwithdraw lang sa bangko. "Ang dami kong pera," ngiting ngiting sabi niya at inilagay na sa wallet ang pera. Bukas ng umaga ang balik niya sa Baguio, at 10pm na ngayon. Saan naman siya matutulog? Sa pera niya ngayon, pwede na siya matulog sa maliit na apartelle o motel. Pero nanghihinayang siya at ayaw niyang magalaw ang pera niya. Napako ang tingin niya sa mga busying tao na pumapasok at lumalabas sa Hotel. Tila walang pakialam ang mga ito sa paligid. Bakit ganito ang mga taga siyudad? Parang laging busy ang buhay ng mga ito at bugnutin? Lihim siyang natawa sa pilyang isip niya. Tutal wala namang pumapansin sakaniya, pinagpasyahan niyang doon na lang matulog sa lobby nang nakaupo. Kunwari nakatulog nalang siya. Siyempre, hindi niya aamining nakatulog siya. Ayaw niya pang mabawasan ang pera niya 'no. Sumandal siya sa malabot na couch at ipinikit ang mga mata. ~ SAMANTALA, pauwi na si Niccolo nang madaanan niya sa lobby ng Hotel si Astrid. Tulog na tulog na ito at bahagyang nakanganga pa. Nagdadalawang isip siya kung gigisingin niya ba ito o papaalisin doon. Baka kasi may magreklamong may natutulog doon. Pero sa huli, napagpasyahan niyang marahil pagod at puyat na ito. Kaya hinayaan nalang niya ito at hindi na lumapit para gisingin. Nagkibit balikat siya at nangingiting tinignan na lang ang dalaga. Hindi pa naman siya ganoon kasama. Alam niyang walang matutulugan ang dalaga ngayon. Gusto man niyang ibook ito sa Hotel ng standard room ay ayaw na niyang gisingin ito sa tulog at isa pa, baka lumaki ang ulo nitong may gusto nanaman siya rito. Malawak pa naman ang imahinasyon nito. Nasa parking na siya ng kotse niya nang biglang tumawag sakaniya si Jace. Ang half-brother ng half-brother niyang si Jayden Aran. "Oh, Jace. Napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya. "Pare. Nasaan ka?" walang paligoy ligoy na tanong nito. Natawa siya. "Nandito ako sa Hotel. Pauwi na," "Manila?" "Oo," "Anak ng. Kaya pala. Nandito ako pare sa Baguio, tinanong kita kung nasaan ka sabi nga nasa Manila ka. Akala ko ba may inaayos ka rito sa Baguio, bakit nandiyan ka? Pare, puntahan mo naman ako rito. Wala akong kasama. Gusto kitang kasama rito," parang batang lambing nito sakaniya. He can't help but to chuckled. Kahit hindi sila magkapatid ng binata, talagang kapatid na ang turing nila sa isa't isa. "Babalik rin ako 'dyan. Pero bukas pa," Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang kumunot ang noo nito. "Bakit bukas pa, pare? Ngayon na. Bumiyahe kana. 10pm pa lang naman. Bago mag alas singco naririto kana. Samahan mo ako dito. Gusto kong magstay sa rest house mo sa Baguio. Please naman pare. Ang tagal na nating hindi nagbobonding." pangungunsensya pa nito. Natawa nanaman siya. "Sus! Tinatakasan mo lang 'yang lukarit mong nanay eh. Oh siya, siya. Sige bibiyahe na ako ngayon. Pasalamat ka, hindi ako masyadong pagod ngayon." "Ayun! Thanks, brother. Asahan kita dito. Wala kasi akong matutuluyan. Ang boring naman kung sa Hotel ako magi-istay." "Oo na, sige na." At binaba na niya ang tawag. Pasakay na siya nang maalala si Astrid. Isasabay na niya ito. Nahanap niya ang sarili na bumalik sa loob ng Hotel at hinanap kung saan ito natutulog. ~ "AYIEEE. NAPAKABAIT niya talaga saakin. Siguro talaga may gusto ka saakin 'no? Mantakin mong ginising mo ako para lang isabay sayo pauwi ng Baguio. Akala ko ba bukas pa ako uuwi?" ngising pangaalaska ni Astrid kay Niccolo nang tumabi siya rito sa driver seat. Naasar na tinignan siya ni Niccolo. "Ako nga'y tigilan mo sa kalokohan mo. Pagod ako at bibiyahe pa tayo. Kaya wag kang magbiro baka samain ka saakin. Naaawa lang ako sayo kasi ayokong magmukhang pulubi ka sa lobby ng Hotel. O gusto mo iwan nalang kita 'dyan sa Manila Bay?" inis na tugon ng binata. Pumormal ang mukha ng dalaga. "Ito naman hindi na mabiro! Maaga kang tatanda 'nyan," Hindi na kumibo si Niccolo maya maya pa ay narinig ng binata ang humihilik na si Astrid. Tinignan niya ito. Natutulog na nga ito. Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng balahibo nito sa katawan. Nakasuot kasi ito ng blouse at medyo manipis ang suot nito. Tinabi niya saglit sa gilid ang sasakyan at hinubad ang coat na suot niya. Nakalong sleeve pa naman siya, saka binalot sa katawan ng dalaga. Hindi niya rin alam bakit niya ginawa iyon. Nang makuntento siyang hindi na giniginaw ang dalaga, pinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Matagal tagal na biyahe rin ang magaganap. ~ BAGUIO CITY, PHILIPPINES. Dahil wala ng bumibyahe at walang masyadong aberya, idagdag pa na mabilis magmaneho si Niccolo, alas tres pa lamang ng madaling araw ay nakarating na sila ng Baguio. "Bago muna kita ihatid, ituro mo saakin saan iyong Basmnt dito. May importante akong katatagpuin," ani Niccolo nang nasa Baguio na sila. Nanlaki ang mga mata ni Astrid. "Ah, nightclub iyon. Bar. Bakit pupunta ka 'don? Ikaw ha! Mantakin mo nga naman marunong ka rin naman palang mag good time," at natawa ito ng nakakaloko. Asar na tumingin sakaniya si Niccolo. "Kaibigang lalaki ang katatagpuin ko roon. Nayaya lang akong magshot," Pinindot niya ang tagiliran ni Niccolo. "Sus! Dahilan ka pa. O siya, ikanan mo diyan. Sa Legarda Road 'yan." Sinundan naman nito ang instructions niya. Nang makarating sila sa Basmnt, tinignan siya saglit ni Niccolo. "Hintayin mo ako rito. Saglit lang ako. Kukunin ko lang 'yung kaibigan ko saka kita ihahatid," Tumango na lamang siya at sumandal sa kotse nito. Hindi nagtagal ay may tumawag sakaniya. Ang Mama niya! "Ma, oh, kamusta?" nanginginig na tanong niya. "Anak, nasaan ka? Magkita naman tayo ngayon, pwede ka ba?" "Opo. Sige magkita tayo ngayon. Sa dati nating tagpuan. Magingat po kayo, ma. Mahal na mahal po kita." maemosyong wika niya. Paalis na sana siya nang maalala niya si Mr. Reedus. Kabastusan naman kung aalis siya nang hindi nagpapaalam dito. Kaya pumasok na siya sa loob ng bar para hanapin ito upang magpaalam. Agad naman niyang nakita ito sa loob an tila may hinahanap. Hinawakan niya ito sa braso. "Oh, sabi ko maghintay ka lang doon sa loob ha?" sita nito sakaniya pagkakita sakaniya. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito sakaniya. "Mauna na ako, Mr. Reedus. Huwag mo na ako ihatid. Tumawag ang mama ko. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat ulit ha. Ingat ka," Wala nang nagawa ang binata kundi ang tumango. ~ NANGINGISING IBINABA ni Jace ang kopita ng alak. Muli nanaman niyang naalala si Astrid Villegas. Ang maganda nitong mukha, ang napakagandang personality nito. Ahh! Everything about her is perfect. Hindi naman siya nababahala, sa liit ng Baguio for sure magkukrus pa ang landas nila. Tumuon ang tingin niya sa dance floor. Nakita niya ang itsura ni Astrid. Napakunot noo siya. Wala sa itsura nito na pumupunta ito sa ganoong lugar. Pero alam niyang si Astrid iyon, excited na bumaba siya sa bar stool at lalapitan niya ito nang biglang maharang siya ng mga sumasayaw. Sa paghahanap niya nabangga niya ang isang tao, at pag angat niya ng tingin ay ang nakangising mukha ni Niccolo ang nakita niya. Napuno ng galak na nag fist bump sila. "Pare, kamusta. Long time no see," BAGUIO CITY, PHILIPPINES. Nagkita sila ng mama niya sa favorite spot nila at dati pa nilang tagpuan. Alas tres pasado na at nagtataka siyang bakit ganitong oras napili ng ina niya para magkita. "Ma... nandyan ka na ba? Si Astrid ito," mahinang tawag niya sa kadiliman. Biglang may humatak sakaniya at nakita niya ang mama niya. Agad sila nagyakap at naramdaman ni Astrid ang mainit na likido sa mga mata niya. "Ma... miss na miss po kita. Ilang araw din tayong hindi nagkita. Kamusta po kayo? Ayos lang ba kayo? Nakakain po ba kayo?" Sunod sunod na tanong niya. Umupo sila sa mga malalaking bato roon. "Ano ka ba, anak. Ako dapat ang magtanong 'nyan sayo. Kamusta ka na? Ilang araw ka nang hindi nakakauwi sa bahay natin dahil na rin sa kagagawan ko. Nakakain ka pa ba? Saan ka natutulog? Paano ka nagpapalit ng damit?" nagaalalang tanong nito. Bumuntong hininga siya at pinilit ngumiti. "Ayos lang ako, ma. Huwag niyo akong alalahin. Malakas at matibay akong babae. Atsaka nakakain at nakakatulog pa naman ako. Hayan, nakakapagpalit pa naman ako ng damit. Kamusta kayo? Ginugulo pa ba kayo ng mga tauhan ni Mrs. Martin?" Naiiyak na niyakap siya ng ina. "Sobrang proud ako sayo, anak. Napakabuti mong anak. Napakasipag at napakamaalalahanin sa pamilya. Atleast kami ni Oman, kahit papano may nakakain at nasisilungan dahil nakila Dave naman kami. Hindi naman pupuwedeng makapasok ang tauhan ni Mrs. Martin doon dahil trespassing naman 'yon. Ikaw ang inaalala ko." mahinang aniya ng ina. "May trabaho ako, ma. Katunayan may pera akong dala ngayon. Malaki na ako at kaya ko ang sarili ko. Isipin niyo ang sarili niyo at si Oman." sagot niya. Naiyak ang ina sa tinuran niya. "Napakawala kong kwentang ina... Kung nabubuhay pa si Gener sigurado akong kasusuklaman niya ako na ganito ang binigay kong buhay sainyo..." Hinagod ni Astrid ang likod ng ina. "Kung buhay lang si papa, sigurado, magagalit siya na bakit nalulong ka sa paglalasing at pagsusugal. Iyon ho, ma. Kaya naman sikapin niyo nang hindi maulit iyon. Tignan niyo paghihirap natin ngayon, wala na nga tayong makain, may utang pa." Muli itong napahagulgol sa tinuran niya. "Huwag na kayong umiyak ma, basta huwag nalang maulit. Ganito nalang, tutal hindi na rin naman nakakapasok si Oman sa eskwelahan, pumunta kayong Cebu ni Oman. Doon kayo magtago habang hindi pa maayos ang lahat. May malayong kamag-anak doon ang itay, pwede kayong magpapasok sa trabaho doon," Gulat na napatingin sakaniya ang ina. "P-Paano ka?!" Ngumiti siya. "Kaya ko na ang sarili ko, Ma. Malaki na ako. Isa pa, may mga raket naman ako. Magpapadala na lamang ako ng pera sainyo doon kapag may pera ako. Basta magpakatino kayo roon. Kahit ilang buwan lang naman. Hindi naman panghabang buhay. Kapag wala na tayong utang, magsasama sama ulit tayo rito sa Baguio. Hindi kasi ako mapanatag na naririto lang kayo, anytime pwede kayong mahuli ni Oman," "M-Mahal ang gastusin anak sa Cebu..." "Ma, wala namang murang gastusin ngayon. Nasa pagtitipid niyo na lang 'yan. Kaya nga maghanap kayo ng pwedeng pagkakitaan doon. Hindi naman magastos si Oman. At pagpapadala naman ako ng pera. Basta sundin niyo ako, doon muna kayo magtago." buo at pinal na sabi niya sa ina. ~ BURNHAM PARK, BAGUIO CITY. Pagkatapos nila magusap ng ina, dumaretso si Astrid sa Burnham Park. Wala na siyang ibang maisip na ibang pwedeng matulugan kundi sa malawak na parke. Dahil takot din naman siya na baka mahuli siya ng mga tauhan ni Mrs. Martin, suot niya ang makapal na jacket at naglagay ng hood sa ulo na halos matakpan na ang mata niya. Nagsuot din siya ng medyo maluwag na face mask para hindi mamukhaan na siya iyon. At dahil malamig ang panahon, suot niya ang paborito niyang winter gloves at naka rubber shoes naman siya na makapal. Nakajeans din naman siya. Inilabas niya sa mahiwagang shoulder bag niya ang isang makapal kapal na sweater. Favorite niya ang sweater na ito kasi all-in-one ito. Malaki ang makapal. Nagagamit niya sa leeg niya. Pwede ring maging jacket, at ngayon naman ay gagawin niyang banig. May mga ilan din siyang nakikitang natutulog sa parke. May mag kasintahan, mga pamilya at mayroon ding tulad niya na magisa. Inilatag na niya ang makapal at malaki na sweater. Ginawa niyang unan ang bag niya, pagkatapos ay pabagsak na humiga. Itinukod niya ang mga kamay sa ulo habang nakatulala sa napakalawak na kalangitan. Maganda talaga tignan ang kalangitan, it's like an unending view. Walang katapusan iyon. Pilit niya binibilang ang mga bituin, at inaappreciate ang ganda ng buwan. Napabuntong hininga siya. "Napakagandang tanawin talaga nito, lalo nang magiging magandang tignan ito kung may maginhawa kang buhay at hindi salat sa buhay. Masaya sigurong tumingin sa malawak na kalangitan kung kasama mo ang pamilya mo at wala kayong iniintinding problema." kausap niya sa sarili. Tila nagspark sa paningin niya ang buwan. "Ma, Oman, alam kong nasaan man kayo ngayon, atleast alam kong kapag tumitingin tayo sa kalangitan ay iisa lang ang nakikita natin. At kapag naiisip ko iyon, gumiginhawa na ang pakiramdam ko. Magpakatatag kayo ma, kaya natin 'to." garalgal na dagdag niya pa. Naramdaman niya ang panunubig ng mata. Ang bigat bigat ng dibdib at mata niya. Pero ayaw niyang umiyak. Pagod na siyang umiyak eh. Sa tanang ng buhay niya, hindi siya pwedeng maging mahina dahil alam niyang sakaniya lang kumukuha ng lakas ng loob ang ina at si Oman. Inilagay niya ang kanang kamay sa tiyan at ang kaliwa naman ay nasa damuhan. Ramdam niya ang pagtunog ng sikmura niya, senyales iyon na nagugutom na siya. Hindi niya maiwasan hindi mapatulala sa sitwasyon niya at mapaklang napangiti. "Napakawawa naman ng buhay ko. Walang trabaho, walang makain, ngayon naman walang matulugan..." Huminga siya ng malalim. "Kailan kaya dadating ang swerte ko? Kailan kaya ako magiging mayaman? O kahit may pera nalang..." Nakatulugan niya ang ganoong pagiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD