Kabanata 6

2962 Words
"MASAKIT BA talaga 'yang paa mo?" biglang natanong ng binata habang nasa biyahe sila. Tinignan ni Astrid ito nang hindi makapaniwala. "Aba, oo naman. Ano'ng akala mo, si superwoman ako na hindi nasasaktan?" gigil na sabi niya. Natawa ang binata sa tabi niya. "Nagtatanong lang ako. Malay ko ba kasi kung umaarte ka lang. Sa dami mo kasing ginagawang mga arte hindi ko na alam ang totoo sa hindi," Inirapan ni Astrid ang binata. "Tsk! Puwes, sa pagkakataon na ito totoo ang sinasabi ko. Tignan mo nga oh, may galos pako. Alam mo, pasalamat ka, kasi medyo mataas ang bintana dahil kung hindi, 'di mo ako mahuhuli," Natawa nanaman ito. "Siguro nga." Iniliko na nito ang kotse. "Oh, baba na." "H-Huh? Bakit dito sa lower bonifacio? Wala naman akong gagawin dito?" Nagtatakang aniya ng dalaga kay Niccolo. Hindi ito tumingin sakaniya at kinumpas na lamang ang kamay. "Sabi mo may sugat ka at masakit ang paa mo. Kaya ayan bumili ka ng gamot mo," Tumingin sa labas si Astrid at nakita na nasa tapat sila ng Mercury Drug. Napangisi siya. "Asus, mabait ka rin naman pala. Kunyare kapa, type mo lang ako eh," at sinundot pa ang tagiliran ng binata. Naaasar na tinignan siya ng binata. "Tumigil ka nga, Miss Villegas. Pag ako nabwisit sa presinto kita dadalhin," Hindi nawala ang ngisi ni Astrid habang bumababa sa kotse nito. "Asus, concern ka rin naman pala saakin. O siya, maraming salamat. Ingat ka sa byahe, rawr!" At umarte pang tila kakalmutin niya ito. Hindi na siya nito tinignan at itinaas na ang bintana ng kotse. Sinundan pa ni Astrid nang tingin ang kotseng papalayo nito. "Hmm, infairness. Pwede na. Mabait naman pala kahit papano, tapos mayaman at gwapo pa." sabi niya sa sarili at nangingiting tumalikod na. ~ BYAHE NA PABALIK SI Niccolo nang tumawag sakaniya si Ivan. Mabilis na sinagot niya iyon at niloud speaker at tumingin muli sa kalsada. "Pare, maayos na nakarating at masaya ang mga Wong na nagcheck-in dito sa Manila. Makikita mo namang satisfied sila. Pero may isa kasi silang request..." "Ibigay mo lahat ng gusto nilang request. Masyadong malaking tao ang mga Wong. Sayang kung mababaliwala lahat ng efforts natin." "Ang request kasi nila ay si Miss Astrid Villegas. Gusto nilang ito ang sumama sakanila at ilibot sila sa sinasabi nitong lugar sa Manila. Wala silang ibang gusto kundi si Miss Villegas lang." anito. Napakunot noo siya. "Si Miss Villegas?" hanggang sa natapos na ang tawag ay hindi niya napansin ang isang ngiti sa labi niya. Kakaibang klase talaga ang charm nito sa ibang tao. ~ 7'11 Lower Bonifacio. Tinawagan niya na si Dave na tapos na niyang i-encash ang bayad sakanila at magkita na lamang sila. Kaya habang naghihintay dito ay napagpasyahan niyang kumain na sa 7'11. Gutom na gutom na siya at kahapong tanghali pa ang huling kain niya. Mabuti na lamang at may Metrobank dito sa Lower Bonifacio at malapit lang sa 7'11 kaya makakain na rin siya. Hindi rin naman siya bumili ng gamot sa Mercury Drug. Malayo pa iyong galos at sakit niya sa bituka. Ipangkakain nalang niya kaysa bumili ng gamot. Nakaupo siya sa mga upuan doon sa loob habang inaamoy amoy ang mga biniling budget meals. Bumili siya ng sisig, giniling at tuna omelette. Bumili rin siya ng dalawang grilled cheese sandwich at bear brand sterilized drink naman ang inumin niya. Takam na takam siya habang binubuksan iyon. "Haaay! Minsan lang ako makakain ng ganto kasarap at karami kaya susulitin ko na. Tutal naman kakakuha ko lang ng pera ko," At natawa siya ng malakas. Wala na siyang pakialam kahit magmukha siyang baliw na kinakausap ang sarili. May ganoon talaga siyang ugali. Pagbukas ng pagkain ay mabilis niyang inilapit ang ilong doon at suminghot. Heaven in her nose. Natawa nanaman siya. "Hmm. Langhap sarap," sabi niya at napapikit pikit pa. Nasa gaanong sitwasyon siya ng biglang may kumalabit sakaniya, napadilat tuloy siya mula sa pagsinghot niya sa pagkain. Sakabilang banda, hindi naman maiwasan hindi matawa ni Niccolo sa ekspresyon ng dalaga habang nakapikit at inaamoy amoy pa nito ang pagkain. Ibang klase talaga ito! ~ SA MACCAN BISTRO siya nito dinala. Dumating na ang maraming pagkaing inorder ng binata para sakanila. Sakabilang banda, hindi naman maiwasan ni Astrid hindi magisip. Hinatid na nga siya nito, tapos hinanap pa para aluking kumain ng brunch? S-Siguro may gusto ito sakaniya? Kung hindi, bakit naman nito gagawin iyon? Napalunok siya. Ito na ba ang kasagutan sa mga pangarap niya? Ang makatagpo ng isang mayamang lalaki? At hindi lang basta mayaman, bata at gwapo pa! Sa naisip, ay nagniningning ang mga matang tinignan ang binatang tahimik na kumakain. "Bakit ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Niccolo sa dalaga. Naging malisyosa ang mga tingin niya. "Hmmm. Ikaw ha. Napakabait mo naman yata saakin. Huwag mong sabihing nalove at first sight ka saakin. Hmm, hindi naman nakakapagtaka. Maganda naman akong babae..." at napatango tango pa siya. Natigilan ito at ibinaba ang kurbyertos. "Halika, lapit ka." Nangingiting lumapit naman siya rito. Bumulong ito sa tenga niya. "Tigilan mo 'yang kakapanuod mo ng teleserye. Sasamain ka saakin, babawiin ko 'tong lahat na pagkain," Agad na pumormal ang mukha niya. "Ito naman! Hindi mabiro, huwag." at nanghihinayang na hinawakan niya ang mga pagkain na tunay na masasarap. Napakasosyal at hindi niya alam ang tawag sa mga iyon. Tila fiesta sa dami ng pagkain. Tumango lang ito at nagpatuloy kumain. "Sige, kumain ka lang 'dyan. At pagkatapos mo nalang sasabihin ko kung bakit nandito tayo," "Okay," nangingiting sabi niya at maganang nagsimulang kumain. Tila wala siyang kabusugan at talagang sinusulit niya lahat ng biyaya na nasa harapan niya ngayon. "Ang liit liit mo at hindi ka mataba pero ang takaw mo," komento ng binata sa pagitan ng pagkain. Sa paningin ni Astrid, si Niccolo ay isang kagalang galang na lalaki at malinis kumain. Samantalang siya mukha siyang ignoranteng hindi nakakakain ng ganoong pagkain. Mababakas talaga sa aura ng isang tao ang character nito. At kay Niccolo pa lamang, ay naguumapaw na ang ka elegantehan sa pagkatao nito. "Ahh, kasi, mahirap lang kami. Hindi naman ako nakakakain ng ganitong masasarap na pagkain. Sobrang minsan lang. Iyong mga okasyon at birthday, hindi uso 'yon samin ng mama ko. Kahit nga pasko minsan wala kaming handa. Kaya naman kapag may pagkain talaga, magana ako kasi minsan good for 2-3 days na iyon sa tiyan ko." at natawa ito sa sariling sinabi. Nagpatuloy pa ang dalaga. "Kaya naman lumaki akong hindi mapili sa pagkain, atsaka hindi naman ako reklamador. Sardinas at talbos ng kamote, solve na ako doon. Ang sarap kaya. O kaya pritong talong o okra tapos may bagoong na alamang. Sarap!" sabi niya habang puno pa ang bibig. Hindi maiwasan hindi mapangiti ni Niccolo. Halata nga sa dalaga na wala itong arte at malakas talaga kumain. "Oh, wag kang kumain kapag may laman ang bibig mo. Hindi ka mauubusan. Sayo lahat 'yan," nasabi na lamang niya. "Salamat, Mr. Reedus. Sobrang sarap kasi," nilunok muna nito ang pagkain bago nagsalita. May kanin pa ito sa labi kaya natawa nanaman siya. Hindi niya ito pinagtatawanan, naaamuse siya sa dalaga. Manaka naka naman silang naguusap, at nang matapos na ay seryoso na niya itong tinignan. Nakakabilib lang na sa dami niyang inorder, naubos nito iyon lahat, akala nga niya ay mag babalot pa ito pauwi. Pero naubos talaga nito iyon. Bilib siya sa lakas ng appetite nito. "Anyway, andito ako para offeran ka ulit ng trabaho." panimula niya. "T-Trabaho?" tanong nito. Tumango siya. "Oo. Gusto kong samahan mo uli ang mga Wong. This time, sa Manila naman. May nasabi ka raw sakanilang maganda at murang pasyalan doon. Gusto kong mapasaya mo sila," "Manila? Atsaka akala ko ba napatawad mo na ako? Bakit magtatrabaho ako sa'yo ng libre?" nakabusangot na sabi nito. Nangati ang kilay ni Niccolo at nakamot niya ito sa tibay talaga ng babaeng ito. "Huwag kang magalala, babayaran ko ang serbisyo mo. All in. Papunta at pabalik dito. Basta gusto ko lang ayusin mo trabaho mo. Isang araw lang naman iyon," Napangisi si Astrid at nagniningning ang mga mata. Nagsaklop ang mga kamay. "Ganoon ba! Salamat, napakabait mo naman saakin," malambing na sabi niya. Napatango na lang ito. "Huwag ka munang magpasalamat. Gawin mo muna ang trabaho mo," Tumango ito. "Sabi na eh, may lihim kang pagtangi saakin," Naasar na tinignan siya ng binata. "Ako nga tigilan mo sa mga kalokohan mo. Ginagawa ko ito para tulungan kang magkatrabaho kahit papano. Alam kong unemployed ka at paextra extra lang. Huwag mong bigyan ng meaning. Naaawa ako sayo, at gusto kitang tulungan isa pa maayos mo namang nagawa ang trabaho mo sa mga Wong last time. Kaya inaasahan ko na mapapasaya mo ulit sila ngayon," Lumabi ito. "Hindi ka talaga mabiro! Oo, huwag ka magalala. Pagbubutihin ko at sisiguraduhin kong magiging masaya sila sa pupuntahan namin," Tipid na ngumiti lamang ang binata. ~ MANILA, PHILIPPINES. "Ito ngang anak kong si Harold, ayon, nagiisip na magpatayo ng pangalawang branch sa Quezon City. Ako naman, nakasuporta lang sa anak ko. Iba talaga kapag may pangarap ang anak mo at business-minded. Teka lang, Lucresia, hindi ba't si Javer ay doctor na? What happened?" Tanong ng amiga ni Lucresia sakaniya. Pansamantalang naririto sila sa isang salon & spa. Hindi niya maiwasan hindi mabwisit sa kaibigan. Actually, hindi naman niya talaga tinuturing na kaibigan. Pinaplastic niya lang ito. Napaismid siya. "Yes. Doctor na si Jace. Pero kasi, 'yong anak kong 'yon medyo wild and free. Hinahayaan ko na lamang. Tutal, may masasabi naman siya sa buhay," "Naku. Baka makabuntis 'yang anak mo, mahirap na. Atsaka sa edad niya dapat nagseseryoso na siya sa buhay. He's not getting any younger. Bakit hindi siya magtayo ng business kung gusto niyang mag change ng career?" suhestiyon pa nito. Pilit ang ngiting sumagot siya. "Hindi. Hindi naman ganoon ang anak ko. Hindi naman babaero," Sumagot ang isa nilang amiga. "Hindi babaero? Pero nakita ko noong isang araw ang modelong si Kate Young ang kadate niya. Hiwalay na ba sila 'nung artista niyang girlfriend?" Gigil na nakagat niya ang ibabang labi. Malilintikan talaga sakaniya ang anak. Napapahiya siya sa mga ka amiga niya. Nagexcuse siya at tinawagan ang anak. Gigil na gigil siya. Nakailang ring pa bago nito iyon nasagot. Hindi na niya hinintay ito magsalita. "Javer! Nasaan ka nanaman ngayon? Sagutin mo ako!" Hindi kasi ito mahanap. Gusto na nga niyang kumuha ng bodyguard para rito. Sobrang likot nito sa mga babae. At isa pa, hindi nito sineseryoso ang trabahong binigay ng hilaw na half-brother nitong si Jayden Aran. Jace gave up his Doctor life at tinanggap ang posisyon bilang isang General Manager ng Hotel, pero hindi naman nagseseryoso ang anak. Ang hilaw na kapatid pa rin nito ang tumatrabaho ng lahat at ang yumayaman. Hindi ang batugan na anak niya. Isa pa sa kinasasakit ng ulo niya ay si Niccolo. Ang half-brother naman ni Jayden Aran sa ina nito. Alam niyang close ang anak niya sa kapatid-kapatidan nito. At hindi man niya gustong aminin, ngunit sumusunod sa yapak ni Jayden Aran ang CEO ng Avenue Hotel si Niccolo. Ito ngayon ang COO ng nasabing Hotel. At naiinis man siya, pero magaling din na businessman ito at kung pagkukumparahin, magmumukhang katawa tawa ang anak niya sa tatlong lalaki. Hindi pupuwede! Hindi na nga nila maabot si Jayden Aran, pati ba naman si Niccolo Reedus ay magiging kaagaw pa ng anak sa yaman ng pamilya? Hindi maaari! "Ma, relax ka lang. Nag babakasyon ako. Don't worry about me, I'm fine. Uuwi rin ako sa takdang panahon," nakatawang sabi ng anak sa kabilang linya. Nagkunot ang noo niya. "Takdang panahon? Ako ba'y pinagloloko mong bata ka? Umuwi ka na rito! Ang trabaho mo sa Hotel, iniiwan mo!" singhal niya. Tila nabingi ito sa kabilang linya. "Nandoon naman ang mga kapatid ko. Nandoon si Jayden at Niccolo. Kaya na nila 'yon," tila walang pakialam na sabi nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang tinapos na nito ang tawag. "Javer!" matinis na sigaw niya sa bwisit. ~ BURNHAM PARK, BAGUIO CITY. "Bakit ba napakatonta mo, Dave? Ano'ng sinabi ko sayo? Hindi ba't magdisguise ka sabi ko at magingat? Hayan, nakasunod sayo ang tauhan ni Mrs. Martin!" gigil ngunit mahinang sabi niya sa cellphone. Kausap niya si Dave, kinausap kasi niya itong magkita sila upang maghati na sila sa pera at dalhan siya ng ilang gamit at damit niya. "O, pano 'yan ngayon? Hindi tayo pwede magkita dahil mahahanap nila ako! Ah, leche! Sige na balik kana umuwi kana muna!" sabi niya na lang. "E-Eh, ikaw? P-Paano ka?" "Tsk! Hayaan mo na ako. Kaya ko ang sarili ko. Magkita na lang tayo sa susunod, tatawagan na lang kita." sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag. Nakita niya nga sa malayo na bumalik si Dave at hindi na dumaretso sakaniya. Mabilis ang kilos na umalis siya sa pinagkukublihan niya. Halos itaklob na niya sa buong mukha niya ang hood ng jacket na suot niya. Naka face mask na rin siya kaya tanging mata lang niya ang makikita sakaniya. Maraming tao at turista ngayon sa Burnham Park. Kaya nakiblend siya sa tumpukan ng mga tao para hindi siya mahalata. Malapit na siyang makalabas sa labasan nang may humatak sakaniya. "Sa wakas nahuli rin kitang babae ka! Kayong pamilya wala na kayong ginawa saamin kundi pahirapan kami! Ngayon sasama ka saamin sa ayaw o gusto mo," gigil na sabi ng leader nito at hinila na siya naghihintay na puting van. Nanlalaki ang mga mata ni Astrid at todo piglas. "A-Ano ba! B-Bitawan mo ako! Tulong, ano ba bitawan mo ako sabi!" pilit niyang tinatanggal ang mga matitigas na kamay nito sa braso niya. Pero sadyang malakas talaga ang lalaki at naisakay siya sa nakabukas na van. Diyos ko po, ito na yata ang katapusan niya!   ~ SAMANTALA, NAGHAHANAP naman ng makakainan si Jace sa Baguio. Nakababa ang bintana ng Lamborghini Gallardo niya at nagtitingin tingin sa paligid. Hindi siya gamay dito sa Baguio at umaasa lamang siya sa Waze app niya. Mabagal lang ang pagtakbo niya. Parang gusto niya kasi kumain ng seafoods ngayon. Nasa ganoong estado siya nang mapadako ang tingin niya sa bungkulan ng tao. Napakunot noo siya nang mapansing may babaeng pilit na sinasakay sa isang puting van. Balita pa naman ngayon na uso ang human trafficking at nagbebenta ng laman ng tao. Humihingi ng saklolo ang babae pero walang gustong tumulong dito. Hindi na siya nagisip pa at basta na lamang itinabi ang sasakyan kahit hindi niya alam kung pwedeng magparking doon. Hindi naman malayo sakaniya ang babae kaya pagbaba niya ay malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang mga ito. "Pakawalan mo siya," matigas na utos niya. Sabay na nagulat ang mga ito na napatingin sakaniya. Tumawa ang lalaki ng nakakaloko. "At sino ka ba tingin mo? Boy, payong kaibigan lang, huwag kang mangialam dito," Tinulak niya ito sa dibdib. "Wala akong pakialam. Bitawan mo ang babae. When she says no, it's a no." malakas na sabi niya. Napasinghap ang babae at ang mga taong nanonood sakanila. May ilang navivideo pa sa mga cellphone nito. Naasar naman sakaniya ang lalaki kaya sinunggaban ang kwelyo ng polo niya. "Aba't huwag mo akong hinahamon ha? Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo tutoy," ngising ngisi sabi ng barakong lalaki. Nahintakutan ang dalaga. "M-Mister! Hayaan mo na ako. T-Tama siya." Tinignan niya ito. Halos mapako ang paningin ni Jace pagkakita sa dalaga. Napakaganda nito! Hindi ito ang klase ng mga babaeng dinadate niya, at hindi niya masasabing ito ang pinakamaganda. Common ang itsura nito at average na babae lang kung tutuusin. Tipikal na gandang pilipina. But damn, she has the most expressive eyes that he ever met! This woman is a true Filipina beauty! Pakiramdam niya ay na love at first sight siya rito. He feel that the world stopped spinning around. At tanging siya at ang dalaga lamang ang tao sa mga oras na iyon. Dahil doon, ay mas napagpasiyahan ni Javer na iligtas ang babae mula sa kapahamakan. "Hindi kita uurungan," at inamong niya ang kamao niya para sa pakikipaglaban. Nabwisit ito kaya inunahan siya ng suntok sa mukha, ngunit mabilis na nailagan niya iyon. Nagsisunuran ang mga kasama nito at pinagtulungan siya. Pero dahil laking basag ulo siya at lagi siyang napupunta sa ganitong sitwasyon tuwing may bugbugan, sisiw lang ito sakaniya. "Ayyy! Mister, ilag!" tili ng babae sakaniya. Umilag ulit siya at siya naman ang sumuntok sa mga ito. Dalawa agad ang bagsak. May tumira dito patalikod, pero maliksi itong nakawala at binigyan ng sipa sa binti. Taob ang apat na lalaki. "H-Habulin niyo!" utos ng leader sa mga natitirang lalaki. Pero naging maagap si Jace at hinawakan ang kamay ng babae at mabilis na hinila palayo roon. Lugi siya, hindi niya makakaya ang ganoong kadami. "Ay teka! Mister! Saan ba tayo pupunta!" tili pa ng babae. "Basta! Sumama ka lang!" mabilis na sumakay ang babae sa tabi ng driver seat. Gayundin siya. Nakasakay din ang mga ito sa van at nakikipagkarerehan sakaniya sa daan. Nagdulot iyon ng traffic sa daan at nagkagulo. Dahil pilit na nagoovertake ang van. Pero hindi binigyan ni Jace ng pagkakataon ang mga iyon na malagpasahan siya. Pinaharurot niya ng matindi ang lamborghini gallardo niya at naging kulelat na ang mga ito hanggang sa hindi na sila maabutan. Nasa Mines View Park na sila nang huminto sila. Tinignan niya ang babae. Sapo sapo nito ang dibdib. "Are you okay, baby girl?" malanding tanong niya. Pero hindi umubra ang flirting skills niya. "Okay?! Anong okay? Ano ba car racer ka ba at ganoon ka kabilis magmaneho?! Ayaw ko pang mamatay!" Natawa ng totoo si Jace. "Hindi ka pa nga patay, nakakapagsalita ka pa eh," Sinuntok siya nito sa dibdib. Nanlaki ang mga mata niya. "At pilosopo ka pa, huh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD