Kabanata 5

2633 Words
HININTAY NIYA ANG PAGALIS ng janitress hanggang sa makalabas ito ng Hotel. Nang masigurong wala nang taong masyadong dumadaan ay mabilis at maingat na tinungo niya ang Utility Room kanina at luminga pa sa paligid para masiguradong walang tao. Sinubukan niyang buksan ang pintuan at swerte namang hindi na iyon nilock. Sino nga naman kasi ang magbubukas niyon? Bumungad sakaniya ang madilim na paligid. Binuksan niya ang ilaw at namangha siya nang makita gaano kalaki ang utility room. Mas malaki pa sa buong bahay nila! At tila hindi ito tambakan ng mga gamit panglinis. Maganda pa rin at malinis. Ngising ngisi siya at tinignan ang mga walis at mop. "Oh siya, wala ang amo niyong si Mary Ann ngayon. Makikisleep over ako sainyo ha? Promise ngayon lang 'to," parang tangang kausap niya sa mga gamit doon. Natawa siya sa sarili niya. Hayyy salamat at makakatulog siya ngayon nang matiwasay. Sa sobrang pagod at dami nang iniisip, hindi na niya namalayan na nakahiga na siya sa sahig at walang arteng nakatulog doon. ~ BAGUIO CITY, PHILIPPINES. "PAPUNTA NA ako sa Baguio. Nandito na nga ako. Mga 10 minutes na lang naroon na ako," sagot ni Niccolo sa tawag ni Ivan habang nagdridrive siya. Muli siyang bumiyaheng Baguio, may kailangan siyang asikasuhing kliyente ngayon. Nagrequest ang mga ito na gustong lumibot sa siyudad ng Baguio, kaya minabuti niyang siya na mismo ang kumausap doon. Hindi naman nagtagal ay nasa Hotel na siya. Magalang na tinaungan siya ng mga empleyado roon. Mabilis na ineskortan naman siya ni Mr. Fernandez. Papunta na siya sa elevator nang biglang magsalita ang receptionist na madadaanan nila. "Good morning, Mr. Reedus. Kahapon po ay may babaeng naghahanap po sainyo. May appointment daw po siya sainyo. Miss Villegas po ang pangalan," magalang na sabi ng babae. Napahinto siya at napakunot noo. Ano nanamang kailangan ng babaeng iyon sakaniya? Naiiling na nagpatuloy siya sa paglakad nang biglang napatigil. Hindi pa nga niya pala nababayaran ito sa paghatid sa mga Wong. Dahil doon, hindi niya maiwasan hindi matawa. Nagtataka namang napatingin sakaniya si Mr. Fernandez sa biglang pag tawa niya. Hinihintay na nila ang pagdating ng elevator nang biglang humihingal na inabutan sila ng guard. "Oh, ano'ng mayroon?" takang tanong niya. Hindi maipinta ang itsura ng guard. Horror is visible on his face. "S-Ser! D-Diyos ko po...! M-May multo!" Gulat namang napatingin siya rito. "Huh? Anong sinasabi mo?" Tarantang taranta ang itsura nito. "T-Totoo ser! Sa u-utility room! May umaalulong na multo! Tila kaluluwang hindi matahimik! Takot na takot kami ser!" Pinagkunutan niya ito ng noo. "Ako ba'y pinagloloko mo?" Todo iling ito. "Aba, hindi ho ser! Tignan niyo pa ho, totoo ang sinasabi namin. Tila babaeng multong hindi matahimik!" Hindi na siya nagisip at nagmamadaling sinundan ito. ~ NAGISING SI ASTRID sa isang malakas na ingay sa labas. "Diyan, sir! Pakinggan niyo maigi! May babaeng multo talaga ser! Wala namang tao 'dyan dahil umuwi si Mary Ann. Kaya siguro nagkasakit kasi na engkanto!" Tuluyang napadilat si Astrid at napatayo. Nakita niya pa ang tumulong laway niya sa sahig. Ang dami. Napangiwing pinunasan niya ang gilid ng labi. May kumalabog ulit. May tao talaga sa labas! Kinakabahang kumilos siya at napalunok tila bubuksan na ng mga ito ang pinto. Nalaman bang may natulog doon? Oh, Diyos ko! Ano'ng gagawin niya? Namawis na ng masyado ang kili kili niya. Kabadong kabado siya. Hindi malaman ang gagawin. "B-Buksan mo na, ser! One... Two... Three!" rinig niyang tinig sa labas Mariing ipinikit ni Astrid ang mga mata. Ito na ba ang katapusan niya? Oh, Lord, please help me!  Piping dasal ni Astrid. ~ "B-BUKSAN mo na, ser! One... Two... Three!" Nakapikit pang aniya ng guard sakaniya. Nalilito man sa nangyari ay binuksan niya ang pinto ng utility room. Ang guard naman at ang mga janitress ay nasipulasan at nawala na roon, takot na takot ang itsura ng mga ito. Bumungad kay Niccolo ang malinis na kwarto. Malinis na nakahanay ang mga mop, basahan at walis. Mga gamit pang linis. Never pa siyang nakapasok doon, dahil wala naman siyang gagawin dito. Tinapak na niya ang paa niya sa loob at nagsimulang maglakad. Tila may hinahanap. Napakunot noo siya. Wala naman siyang nakikitang iba kundi mga istante at gamit pang linis lang. Wala rin naman siyang nararamdamang iba at wala naman siyang naririnig na boses. Patuloy siya sa paglakat at sinisilip pa ang bawat cabinet at istante. Wala namang kwarto roon at makikita na agad niya kung may tao roon. Nasa ganoong ayos siya nang may marinig siyang langitngit na kung ano. Kinakabahang napaayos siya ng tayo mula sa pagkakayuko sa mga cabinet. Nakiramdam siya. Hindi siya maaring magkamali ng dinig. Talagang may ingay siyang narinig. Mabilis na hinanap ng mata niya iyon nang may makita sa sliding window na isang anino. Isa iyong tao! "Sino ka?" Malakas na tanong niya. Mukhang nagulat naman ang anino sa boses kaya nahulog ito mula sa bintana. "Teka lang!" Malakas na sabi niya. Mabilis ang mga kilos na tumuntong siya sa upuan na ginamit nito at tumingkayad upang sumilip sa bintana. Matangkad siya kaya agad niyang nasilip ang bintana. Hindi iyon multo, tao iyon! Mukhang napasok sila ng magnanakaw. Pero bakit sa utility room? Ano'ng mayroon doon? Dumami ang gatla sa noo niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto, nakakasiguro siyang hindi pa iyon makakalabas dahil masikip ang daan doon at wala itong lalabasan kundi ang entrance lang din ng Hotel. Mabilis na tumakbo siya papuntang lobby ng Hotel, halos mahawi ang mga empleyadong naghihintay sa balita niya. Pero hindi na niya pinansin ang mga ito. Nagmamadaling tinungo niya ang labasan at haharangin niya ang magnanakaw bago pa ito makatakas. Pakiramdam niya nasa action movie siya, hindi pa naman siya sanay tumakbo at dahil nakacoat and tie siya, pawis na pawis tuloy siya. ~ "ANG SAKIT 'non! Leche talaga!" gigil na anas ni Astrid habang tumatakbo ng paika ika. Nagulat kasi siya sa boses ni Mr. Reedus kaya imbis malaya siyang nakatakas sa bintana, nahulog pa siya. Nagasgasan tuloy ang binti niya. Hindi naman mataas ang pinagtalunan niya dahil nasa ground floor naman siya. Napakasikip ng daan. Nasa gilid na kasi ito ng Hotel at walang tangang dadaan dito. Nang mapagtantong wala siyang ibang malalabasan kundi ang entrance ng Hotel ay napalunok siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Tarantang taranta na siya. Hindi siya pwedeng mahuli na doon natulog. Baka makulong pa siya. OA na nailagay niya ang kamay sa noo. "Diyos ko, Astrid! Magisip ka! Isip, isip!" kausap niya sa sarili. Napatingin siya sa bag niya at naghanap ng kung ano ang pwedeng magawa niya upang makalusot sa kinasuotang sitwasyon. Nakita niya ang isang kaha ng sigarilyo. Sa Papa niya pa iyon ha, bakit nandoon iyon? May isang ideya ang pumasok sa isip niya. Napangisi siya. ~ SIGURADO SI NICCOLO na hindi na makakatakas pa ang magnanakaw. Nasukol na niya ito. Bago pa ito makalabas ay nakaharang na siya rito. Tinakbo ba naman niya nang pagkabilis bilis. At sa pagkahulog nito, malamang hindi pa ito agad nakatakas. Nagulat siya nang makita ang isang babae na nakaupo sa gilid at chill na chill na nagyoyosi. Pamilyar ito sakaniya. Kunot noong lumapit siya rito at nang makita ito sa malapitan ay napatunayan niyang kakilala niya nga ito. Si Miss Villegas. Kunwa'y nagulat pa ito nang makita siya at napatayo pa. Ngumiti ng pagkalawak lawak. "Oh, Mr. Reedus. Magandang umaga. Nandito ka na pala," Halos umabot na yata ang ngiti ng dalaga sa tenga nito. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya rito. "Ahh, ano'ng ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing gusto mo akong yayain magbreakfast," pasaring pa nito. Nauubusan na ng pasensiyang tinignan niya ito. "Ano'ng ginagawa mo 'dyan? Nagbibilang ng tutubi?" sarkastikong aniya. Napasinghap ito at itinaas ang sigarilyo. "Hindi, ito naman! Nagchichillax lang ako dito. Tignan mo, nagsisigarilyo ako," Tuluyan nang nawala lahat ng pagtitimpi ni Niccolo at tinignan ito ng nabwibwisit. "Ano'ng akala mo sakin? Tanga? Sige nga, ihithit buga mo 'yan. Kung sa iba nagagawa mong mapaniwala sila sa arte mo, pwes ako hindi. Marunong ako magsigarilyo at alam ko ang marunong gumamit nito sa hindi," may pinalidad sa tono ng boses nito. ~ PABALIBAG NA INIHAGIS siya ni Niccolo sa couch ng office nito. Naiinis na hinawakan ni Astrid ang siko dahil tumama iyon sa gilid ng sofa. "A-Aray naman..." reklamo niya. Napakaharsh talaga nitong damuhong ito sakaniya! Nakatayo ito sakaniya at nakapamewang. Kunot na kunot ang noo at halatang problemado na sakaniya."What was that all about?" seryosong tanong nito. "A-Ano kasi..." Napakamot ito sa kilay. "Sabihin mo na kung ayaw mong isuplong kita sa pulis. Nagnakaw ka ba?" Exaggerated na napatingin si Astrid kay Niccolo. "Grabe ka naman makabintang Mr. Reedus! Wala akong ninakaw sa'yo!" matining na tanggi ni Astrid. Somehow, alam ni Niccolo na hindi iyon magagawa ni Astrid. Pinigilan niya ang isang ngiti na gustong kumawala sa bibig niya. "Eh ano lang?" Agad na nagbago ang ekspresyon ng dalaga at mula sa kaninang babaeng puro deny, naging tila maamong tupa ito. "Mr. Reedus, sorry na. Kasi naman, kasalanan mo." Napakunot noo nanaman siya. "At paano ko pa naging kasalanan? Nasisi mo pa talaga ako?" "Nandito ako kasi nga hinahanap kita. Hindi mo pa kaya ako nababayaran sa serbisyo ko sa mga Wong tapos wala ka pa," lumabi ito. Natampal niya ang noo. "So, iniisip mong tinakasan kita?" "Parang ganoon na nga. Eh siyempre bayad mo 'yon eh," "Paano mo ipapaliwanag na nasa utility room ka? Empleyado lang ang pwedeng pumasok doon. Isa pa, nagcause ka ng katatakutan sa mga empleyado ko. Akala tuloy nila may multo na rito," inis na sabi ng binata. Lumabi ito. "Wala akong pake. Kung nagbayad ka lang sana ng maaga, disin sana'y wala tayo sa ganitong sitwasyon!" Tila mawawalan na ng bait si Niccolo sa dalagang kausap. "Hindi mo makukuha ang bayad ko sayo hanggat hindi mo sinasabi kung ano'ng ginagawa mo roon sa utility room," Nagpuppy eyes nanaman ito. Sa totoo lang, kung hindi niya lang siguro alam ang ugali ng babaeng ito ay madadala na siya rito. But not him. Magaling ito umarte at magpaawa. "Eh kasi Mr. Reedus... iyong pinuntahan kita dito para singilin pag labas ko nandyan 'yong mga taong naghahanap kay mama sa utang niya. Siyempre damay na rin ako. Hindi ako makalabas. Hindi ako pwedeng umuwi saamin---" Hindi na niya tinapos ang sinasabi nito. "So naisip mong dito matulog sa utility room, ganoon ba?" Asar na tinignan siya ni Astrid. "G-Ganoon na nga---" Tumango siya. "Sige papalagpasin ko ang ginawa mong ito, tutal naman nagustuhan ng mga Wong ang serbisyo mo. At mukha rin namang wala kang ninakaw. Ito na rin ang bayad mo," naglabas si Niccolo ng isang cheke at pinirmahan nito iyon. Inabot ni Astrid iyon. Makinis at mabango ang papel. Naeexcite na siya ipa-encash iyon sa bangko. Nangingisi ngisi siya sa loob loob niya. Pero agad na nawala iyon nang maaalala niyang paano siya makakapag encash, samantalang pinaghahanap nga sila ng mga tauhan ni Mrs. Martin. Nilakasan na niya ang loob at kinapalan ang mukha. "Salamat ng marami, Mr. Reedus. Alam mo, hindi ka lang magaling na businessman. Gwapo at mabait ka pa. Baka naman pwedeng makitulog pa ako ngayon sa utility room mo kahit ngayong gabi lang. Huwag ka magaalala, ako papalit kay Mary Ann kasi nakasick leave. Maglilinis ako ng buong ground floor. Walang bayad. Basta patulugin mo lang ako dito, hindi ko na alam kasi saan ako matutulog. Hindi pa nga ako kumakain, sorry na please," Astrid gave her sweetest smile. ~ MAHIGPIT ANG hawak sa siko niya nang itapon siya ng binata sa labas ng entrance ng Hotel. Mula sa 7th floor na office nito ay hila hila siya nito na tila isa siyang kriminal. "Hindi," iyon lang ang tumataginting na sagot sakaniya ng binata pagkatapos siyang kaladkarin sa labas. Tumalikod na ito at humakbang na palayo sakaniya. Inis na inis na tinignan niya ang malaking likod nito. "Tss! Akala mo naman kung sino! Pasalamat ka nga napakaganda ng offer ko sayo. Aba? Hindi ka na nga magbabayad saakin, patulugin mo lang ako 'dyan sa utility room mo tapos nagiinarte ka pa? Ano'ng akala mo? Gusto kong pagsilbihan yang Hotel mo? Bombahin ko pa 'tong Hotel mo nang wala ka nang maging trabaho eh! Akala mo kung sino! Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo!" gigil na sabi niya. Bigla itong lumingon sakaniya at napipikang binalikan siya. Mabilis na nagbago ang mood niya. "Ahh, aalis na ako. Maraming salamat sa kabutihang loob mo, Mr. Reedus." plastic na plastic na sabi niya at nginitan pa ito. Ngumuso ito at ibig na siyang paalisin. Tumalikod na ito ulit. "Tsk! Akala mo kung sino 'tong hambog na 'to! Napakayabang. Napakadamot. Ganid sa pera! Ganyan talaga kayong mayayaman!" Asar na asar na sabi niya at umalis na nga roon. ~ PABALIK NA si Niccolo sa office niya nang hindi niya maiwasan hindi matawa. Kapag naiisip niya talaga si Miss Villegas natatawa talaga siya rito. Ang dami nitong alam na gimmick sa buhay. Napahinga at napabuntong hininga na lamang siya habang patungong office niya. Pero nasa office na siya ay hindi niya maiwasan hindi isipin ang mga sinabi nitong rason sakaniya. At ang kaisipang nasugatan o napilay ito mula sa paghulog sa bintana. Sa totoo lang, hindi siya iyong tipo ng taong madaling mapaniwala. At mapagduda siya lalo sa mga bagong kakilala. Pero ewan niya, naniniwala siyang hindi nito kayang magnakaw at dahil wala lang itong matulugan kaya nagawa nitong matulog doon na walang pahintulot niya. Sa totoo lang, pwede niya itong ipakulong. Pero hindi naman siya ganoon kasama. Naniniwala siyang totoo ang sinasabi nito. Kahit anong isip niya sa dapat niyang gawin ay hindi siya makapagfocus. Naiisip niya si Miss Villegas. Nakukunsensya siya. Kaya sa huli napagpasyahan niyang bumaba at sumakay sa kotse niya. Habang lulan sa kotse ay pilit niyang hinahanap ito. Sigurado naman siyang nandito pa ang dalaga at hindi ito ang klase ng babae na magtataxi pa para makauwi. Isa pa malayo layo ang lalakarin papuntang sakayan ng jeep o taxi. Maabutan niya pa ito. "Nakakaawa kasi," pilit niyang rason sa sarili. Hindi rin niya alam bakit nakukunsensya siya sa isang taong hindi niya kakilala o kaano ano. Patuloy lang siya sa pagda-drive sa mahabang kalsada nang makita niya ang pamilyar na likod nito na naglalakad sa walk path. Napangiti siya ng lihim. Kita niya ang paika ika nitong paglakad at ang malayong tingin. Tila napakalalim ng iniisip nito. "Nakakaawa naman," muling anas niya sa sarili. Nadaaanan na niya ito at nakalagpas na siya, tinignan niya ito sa side view mirror, hindi niya alam pero parang hindi kaya ng konsensiya niya na iwan ito sa ganoong sitwasyon. Lalo pa't alam niyang nagiwan ng good review ang mga Wong dahil na rin dito. Huminga siya ng malalim at umabante patalikod hanggang sa makapantay niya ito sa paglalakad. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at pinitpitan ito. Nagulat naman ito at lumapit sa bintana. "M-Mr. Reedus...?" gulat na sabi nito. Saglit na tinignan niya ito at muling bumalik ang tingin sa kalsada. "Sakay na, ihahatid na kita." aniya. Napuno ng kalituhan ang mukha ng dalaga. "H-Huh? Ihahatid mo ako, p-pero hindi ba galit ka saakin---" Tinignan niya ulit ito at umarteng nagmamagandang loob lang siya. "Oo, pero paalis rin naman kasi ako. Naisip kong ihatid ka na sa bayan. Wag na maraming sinasabi, sakay na." inis na sabi niya. Hindi kasi siya sanay na nageexplain at tinatanggihan. Wala itong nagawa kundi tahimik na sumakay sa kotse niya. "A-Ano'ng ginagawa mo?" kunot na kunot ang noong sabi niya. "Sumasakay. Hindi ba sabi mo, ihahatid mo a-ako?" Nakagat niya ang ilalim na labi sa inis sa kakulitan ng babaeng ito. "Oo, pero hindi ko sinabing pagmukhain mo akong driver mo. Dito ka sa tabi ko," inis na sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD