Kabanata 4

3224 Words
MANILA, PHILIPPINES. Isang malakas na sampal ang nagpabalikwas sa mahimbing na tulog ni Javer. Agad niyang nadilat ang mata at pakiramdam niya ay nayanig ang buong kalamnan niya sa hapdi ng sampal. Pagkadilat ay nakita niya ang inang si Lucresia Martin. Kunot na kunot ang noo nito at nanlilisik ang mga mata sakaniya. "Ma...? What are you doing here?" Paos na tanong niya. "Ano'ng what are you doing here? Lintek kang bata ka! Ano nanaman itong pinaggagawa mo sa buhay mo, Jace!" gigil na sabi ng ginang. "Ma naman... five minutes pa," bale walang sabi niya. Kung mailalarawan lang ang taong may lumalabas na usok sa ilong sa sobrang galit, sigurado si Javer na ang ina niya iyon ngayon. "Ano'ng five minutes pa! Bumangon kayo ng haliparot na babaeng 'to! My God, Javer Ace! Ano nanaman itong pinasukan mo? Wala ka talagang katinuan!" tila barena sa tenga ni Javer ang boses ng ina niya. "Ahh... Hindi ka talaga gigising ha?" May hinablot ito na kung ano at pilit pinatayo. Napakunot noo siya at doon lang nagsink-in ang lahat sakaniya. Nakahubad siya. Nasa kama niya siya. At hila hila na ng atribidang ina niya ang buhok ng isang hubad na babae! "Ikaw babae ka... lumayas ka ngayon dito! Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo sa buhay ng anak ko... tsupi! Alis na!" mabagsik na sabi ng ina niya. Nahintakutan naman ang babae at dagling pinulot nito ang damit at nagmamadaling nagbihis at lumabas sa condo unit niya. Siya naman ang pinagbuntungan ng ina niya. Nakapamewang ito sakaniya at galit na galit. "Hindi ka talaga titigil sa mga kalokohan mo sa babae ha, Jace? Talaga bang gusto mo akong patayin sa sama ng loob!" madramang sabi ng ina. Natawa siya at tuluyan nang nagising ang diwa. Tumayo siya at nagbihis. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, Ma? Isa pa parang hindi kana nasanay saakin. Binata ang anak mo. At magandang lalaki. Natural na habulin ako ng mga babae," napangising aniya Isang malakas na hampas ang binigay ng ina sakaniya. "At paano kung magkasakit ka! Puro s*x laman ng utak mo! Sino sino nalang kinakalantari mo. Naku, kelan ka ba talaga magtitinong bata ka? Nakita mo ang kapatid mong hilaw? Maayos ang buhay, mayaman at matinong lalaki!" Tukoy nito sa half brother niyang si Jayden Aran. Napangisi siya ulit. "Oh, edi inamin niyo ring madami talagang good points ang kapatid ko," Nanlisik ang mga mata nito. "That's not my point! The point here is ayokong lumabas kang kulelat! Na walang direksyon ang buhay. Samantalang ang kapatid mo ay maayos at ginagalang sa lipunan," Bored na tinignan niya ang ina. "Wala naman akong pakialam 'dyan sa sasabihin ng ibang tao." "Pwes, ako may paki! At iyong isang kapatid kapatidan mong si Niccolo. Alam mo bang siya ang sumunod sa yapak ng kapatid mong si Jayden? Niccolo is a fine mighty businessman now! At ikaw napaghuhulihan ng panahon sa kanila," Inis na ginulo niya ang buhok. Napakaingay talaga ng ina niya. "Ma, iba iba kami. Atsaka, maayos naman talaga ang mga kapatid ko. Huwag kang inggitera," patutsada niya. Tila nawawalan na ito ng lakas sakaniya. "Ahh! Bwisit kang bata ka! Hindi ka talaga magtitino. Putol lahat ng ATM at credit cards mo ngayon." banta nito Napalabi siya. "Ma naman..." "Kung ayaw mong gawin ko 'yon, magtino ka!" gigil na iniwan siya nito. Napapailing na tinignan na lamang niya ang likod nito. ~ BAGUIO CITY, PHILIPPINES. Sakay ng Lamborghini Gallardo niya, binuksan ni Jace ang bintana ng sasakyan niya at inamoy ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio City. Naririto na siya at magche-check in na lang siya sa Hotel. Baguio is really indeed breath-taking! "Wew! Napakaganda talaga dito sa Baguio. Kelan pa ba 'yong huling punta ko rito? Hindi ko na matandaan. Bakit kaya hindi ito kasama top 10 most visited place dito sa Pilipinas? Napakaganda naman!" Kausap ni Jace sa sarili. "Alright, Baguio, here we go!" malakas na hiyaw niya at napapangiting nagpatugtog ng kanta. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo sa sports car na tila hari niya ang daan. Excited na siya dahil sa matagal na panahon nakaapak ulit siya sa maliit at malamig na siyudad ng Baguio. Isa pa, marerelax siya dahil malayo siya sa ina na puro talak ang alam sakaniya. Balita rin niya, maraming magagandang dalaga dito at maganda ang mga night party dito. Maraming mga turista. Sa pagkakaalam niya rin, si Niccolo ang nakaassigned sa Baguio City branch ng Hotel. Kung sakaling mahanap niya ito, sisiguraduhin niyang yayayain niya ang binatang mag bar at mangbabae. Close sila ng kapatid ng kanyang half-brother. At hindi naman niya makasama ang tunay na kapatid dahil pamilyadong tao na ito. Maamoy pa lang ng dugo niya ang babae at party, nagwawala na ang libido niya. Damn, he is so excited! MANILA, PHILIPPINES. Pagkatapos maihatid nang matiwasay ang mga Wong, panatag na ang loob ni Niccolo na umuwi ng Manila. May kailangan pa siyang ayusin sa Manila branch ng Hotel, isa pa kailangan niya rin makiupdate kay Ivan sa paghahanap nito kay Nicolette, ang kanyang nawawalang kakambal. Agad niyang napansin ang pigura ni Ivan na papasok ng opisina niya. "Pare, kamusta? Any updates about Nicolette's case?" Natatawang napaurong si Ivan habang nakasanggala ang mga kamay sakaniya. "O, o, saglit lang. Mahina ang kalaban. Naka naman, pare! Kakauwi mo lang, seryosong bagay agad ang pinaguusapan natin! Wala ka man lang pasalubong o kamustahin mo ako kunyari?" Natatawang binato niya ito ng lukot na papel, umilag naman ito. "Ano ka ba? Ang clingy mo, ha? Baka naman nababading ka na saakin, pare?" Ivan acted like he was about to p**e. Parehas silang natawa. "Anyway, wala pa ring balita pare. Pero huwag ka magalala, masipag at magaling ang nakuha kong nagiimbestiga. Pasasaan at magkakaroon din tayo ng lead. Kamusta nga pala ang mga Wong?" Napatango naman siya. "Ayon, okay naman. Buti nagawan ng paraan kahit nagkaaberya sa jet plane. Ayaw ko na lang ulit mangyari 'yon, kundi nakakahiya." Nagliwanag ang mukha nito at lumapit sakaniya, umakbay ito sakaniya at inilapit nito ang mukha niya rito. "Kung ga'yon, icelebrate natin 'yan!" ~ MALAKAS NA TUGTOG ang pumupuno sa loob ng bar. Naririto sila sa The Xylo, ang isa sa sikat na bar sa BGC. Dito siya nayaya ng magaling na kaibigan. Nagkakasiyahan na sila sa mga deep talks nila nang biglang tumunog ang cellphone niya. Saglit siyang nagpaalam kay Ivan para sagutin iyon. "Yes? Hello, Mr. Fernandez," aniya sa kabilang linya. "Hello, Mr. Reedus. Nagustuhan ng mga Wong ang service na ibinigay niyo sakanila. Nagpapasalamat sila saatin." Napakunot-noo siya kahit hindi ito nakikita. "Service?" "Ah, iyong paghatid ho sakanila sa Avenue Hotel - Manila. They enjoyed their trip and they leave a good review in our website. Nangako silang uulit kumuha ng service saatin, hindi rin naman daw nila gusto ang bumiyahe sa himpapawid dahil si Mrs. Wong ay may acrophobia. At gustong gusto nila si Ms. Villegas, nagrequest silang ito mismo ang kuning kasama kapag uulit sila saatin. At gusto rin pala nilang puntahan iyong sinasabi ni Ms. Villegas na public market sa Manila," Hindi naman niya naiwasan hindi mapangiti, naalala nanaman niya ang dalaga sa Baguio. Pero napaisip siya sa huling sinabi nito. "Public market...?" ~ BAGUIO CITY, PHILIPPINES. "Wow, Ate! Ganda natin ha? Saan naman ang lakad mo ngayon, magaartista ka na ba?" ani Roman habang pinakatitigan siya. Nakatapat si Astrid sa isang full length mirror at tinitignan ang kaniyang repleksyon. Nakasuot siya ngayon ng isang maayos na damit. Hindi iyong kukupasin na lagi niyang sinusuot. Actually, itong damit niya ay matagal na niyang binili sa Baguio Night Market, kaso tuwing mahahalagang okasyon niya lang iyon ginagamit. Pinakaiingatan niya ito kasi ito na yata ang pinakamahal na damit niya. Nakasuot siya ng isang round neck puffy long sleeves. Sinuot niya rin ang light blue ripped jeans niya na sa loob yata ng isang taon ay isang beses lang niya ginamit kasi mahal iyon at maganda. Naka white turban din siya at hinayaan lang nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok. Sneakers na peke naman ang sapin niya sa paa. Kung titignan nga siya, ang ganda nga niya sa suot. Kinonyatan niya sa ulo ang kapatid. "Purque nakasuot ako ng ganito, inaasar mo na ako ng ganyan? Siyempre naman, Oman. Kailangan minsan magsuot ni ate ng magandang damit. Lalo na kung sosyal ang pupuntahan at makakuha ng fresh na fresh na pera," ngising ngisi na sabi niya. Kakauwi lang nila kagabi ni Dave galing sa paghatid sa mga Wong. Halos isang araw silang nasa biyahe ni Dave, hatid at balikan kasi. At hindi naman sila agad bumiyahe dahil nagutom sila at kumain pa sila sa mga food stall sa Intramuros. Natulog din sila sa kotse ng ilang oras, kaya naman kagabi lang sila nakabalik. Puyat at pagod pa nga siya, pero tuwing maiisip na makukuha na niya ngayon ang bayad kay Mr. Reedus ay tila nawawala ang pagod niya. Malaki laki rin ang makukuha nila ni Dave. "Ha, bakit ate? Huwag mong sabihing nagbebenta ka na ng katawan mo?" namimilog at nahihindik na bulalas sakaniya ni Oman. Isang kotong nanaman sa ulo ang natanggap nito sakaniya. "Iyan! 'Yang utak mo walang alam kundi kalokohan! Ano bang akala mo sa ate mo, ha? Hoy, kahit mahirap pa tayo sa daga, hinding hindi ko pa naiisip 'yan." Iyon ang hindi mawawala sakaniya. Ang prinsipyo niya sa buhay. Oo, aminin niya hindi siya perpektong tao. Napakamaloko niya, mandurugas, mandarambong, magaling magpaikot ng tao at magsinungaling. Pero kahit kailan ay hindi niya pa naiisip na pumasok sa prostitusyon. Hindi niya hinuhusgahan ang mga taong nasadlak doon, pero siya, hanggang maari ay pipilitin na hindi pumasok sa ganoong larangan hanggang may paraan pa. Sa edad niyang bente kwatro, ay maipagmamalaki niyang malinis at maayos siyang babae. Huwag na isama kung gaano siga kasuba at hayok sa pera, pero masasabi niyang disente siyang babae, wala pa siyang nagiging nobyo, at inosente pa siya sa larangan ng adult stuffs. She is never been kissed, never been touched. Birhen na birhen pa siya. Malayo pa kasi sa isipan niya iyon. Marami pa siyang pangarap sa buhay at ang pamilya niya ang first priority niya sa buhay. Ang maiahon ang buhay nila sa kahirapan. Nagkakamot nalang sa ulo si Roman sa ginawa niya. Paalis na siya nang makasalubong ang ina sa sala. "Oh, anak. Ang ganda natin ngayon ha, saan ang punta mo?" Napalabi siya. "Ma naman! Para namang ngayon lang ako maganda, matagal na akong maganda 'no!" Natawa ito. "Bagay na bagay saiyo ang mga ganyang kasuotan anak. Sayang at hindi kita kayang ibili ng mga ganyang damit." Natatawang nilapitan niya ito at niyakap. "Ano ba kayo, Ma. Ayos lang 'yon, isa pa, hindi ko naman kailangan ng magagandang damit. Damit lang ito. Ang importante may nakakain tayo at may natitirhan," Napatango naman ito. "Tama naman, anak." "O siya, aalis na ako Ma." "Magiingat ka. Masyado kang maganda," habilin pa nito. Natawa siya. ~ MAARTE AT TAAS NOONG naglakad si Astrid papasok ng Avenue Hotel. Sinikap niyang mag lakad ng straight at may poise. Para naman hindi siya magmukhang maralita. She gain her composure at tuluyang nang pumasok sa napakagandang Hotel. Pinagbuksan at niyuko pa siya ng mga guard bilang pag galang. Napangisi siya. Parang VIP na VIP ang dating niya. Tinungo niya ang reception area. "Hi, Goodmorning Ma'am. What can I do for you?" magalang na tanong ng receptionist sakaniya. Tinanggal niya ang bara sa lalamunan and acted like she is a professional. "Hmm. Hinahanap ko ang CEO ng Hotel, si Mr. Reedus," Saglit siyang tinignan ng babae. "May appointment po ba kayo sa CEO, Ma'am?" Napapilantik ang mga daliri niya sa counter nito. "Hmm, not exactly. Pero kilala ako ni Mr. Reedus. Pakisabihan siyang nandito si Miss Villegas. Alam na niya iyon," kunway mayabang na sabi niya. Tumikhim ito ang paismid na tumingin sakaniya. Tila hindi naniniwala sa sinabi niya. "Wait for a minute, Ma'am. Tatawagan ko ho siya sa office niya," Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa telepono. Maya maya ay apologetic na tumingin ito sakaniya. "I'm sorry, Miss Villegas. Pero wala ho ang CEO ngayon, kakaalis lang ho kaninang madaling araw at umuwing Manila. I suggest na bumalik na lang po kayo sa ibang araw o ibang linggo," Nanlaki ang mga mata niya at inis na kinuyom ang kamao. Ang pesteng lalaking iyon! Hindi nito pwede 'yon gawin sakaniya! Hindi ito pwedeng tumakas sa bayad sakanila! Ang mga tao nga naman talaga, sakabila ng yaman nito, nais pa siyang takbuhan nito? Naman! Barya lang dito ang bayad sakanila! Gigil na iniwan niya ang reception area. She gritted her teeth. Habang nasa lobby ay hindi niya maiwasan hindi kausapin ang sarili. "Ah peste kang lalaki ka! Hindi mo pwedeng gawin 'to sakin! Makikita mo, humanda ka!" sinasabi niya iyon habang gumagalaw pa ang mga kamay. Napapatingin tuloy sakaniya ang ibang tao sa lobby. Iniisip sigurong baliw na siya. Maliit man para rito ang perang bayad sakanila, sakanila ni Dave ay malaking tulong na iyon para pangtustos sa araw araw nilang pamumuhay. Palabas ba siya ng Hotel nang makita niya ang mga tauhan ni Mrs. Martin. Nakadagdag pa sa takot niya ang itsura ng mga ito. Ayos din talaga ang matandang 'yon, magaling kumuha ng tao. Paano ba naman, ang kinuha nitong mga tao ay papasa na sa mga kontrabida sa mga palabas ni Fernando Poe Jr. Ito ang mga modern goons. Malalaki ang katawan, barako at nakakatakot na mga itsura. Nasa labas ito mismo ng entrance ng Hotel. Lima ang mga lalaki at kahit hindi kita ang mga baril, ay alam niyang armado. Malikot ang mga mata nito at tila hinihintay talaga siya sa paglabas. Hawak ang dibdib, OA na napasinghap siya at mabilis na nagtago sa gilid. "Oh my God! Nandito sila! Paano nila nalaman na nandito ako? Anak naman talaga ng tokwa, oh!" Muli siyang sumilip sa labas at nakita niyang muntik nang mapatingin sa gawi niya ang isa sa mga tauhan. Mabilis na nagtago ulit siya. Napapikit pikit siya sa kawalan. Alam niyang siya ang puntirya ng mga ito. "Leche naman talaga! Kung minamalas ka nga naman talaga!" natatarantang aniya sa sarili. Kinotongan niya ang sarili. "Magisip ka, Astrid. Isip, isip." Habang naglalakad sa napakalawak na pasilyo ng Hotel, tinanong niya ang isang guard na umiikot. "Ahm, manong guard. Tanong ko lang po, saan pa po may ibang daanan palabas bukod sa main entrance?" "Ah. May 2 ka pang option, Ma'am. Ang Pasilio B at Pasilio C. Nasa likod ang Pasilio C at nasa kanan naman natin ang Pasilio B," magalang na imporma nito. "Ah, maraming salamat po!" malakas na sabi niya at hindi na ito nilingon pa. Halos tumatakbo na siya habang patungo sa Pasilio B. Malapit na siya sa labas nang makitang may isang itim na van na naghihintay doon at may isang lalaking kamukha ng mga tauhan ni Mrs. Martin. Nagmamadaling bumalik siya at naiinis na napapikit. "Diyos ko! Paano ba ako makakaalis dito, punyeta!" gigil na murmur niya. Lakad takbo na ang ginawa niya patungong Pasilio C. Ito ang ang daan sa likod ng Hotel. Palabas na rin siya nang makitang may sasakyan at lalaki rin doon na naghihintay na lang sa paglabas niya. Nang akmang mapapatingin ito sa gawi niya ay mabilis na nagtago siya sa pader. Hinihingal na napahawak siya sa dibdib. Hindi naman siya puwedeng magcheck-in sa Hotel na ito. Napakamahal ng ilang oras dito. Kahit nga yata ang pinakamurang Hotel dito sa Baguio ay hindi niya afford, ito pa? Baka nga limang oras dito ay katumbas na ng isang buwang gastos nila! "Ah, peste! Kung minamalas ka naman talaga, oo!" Nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Oh, ano? Huwag ngayon, Dave! Nasa life and death situation ako. Wala akong oras para sa mga walang katuturang bagay!" inis at gigil na sambit niya sa kaibigan. Pero binalewala nito ang gigil niya. "Astrid, makinig ka. Magingat ka. Nakapalibot ang mga tauhan ni Mrs. Martin sa labas ng bahay niyo. Ngayon nga may kausap si inay na tauhan ni Mrs. Martin. Huwag ka magalala kila Tita at kay Oman, nasaamin sila. Ikaw ang magiingat 'dyan dahil ikaw ang nasa labas. Huwag na huwag kang uuwi rito hanggat hindi ko sinasabi. Hintayin mo lagi ang tawag ko. Tiyumempo lang akong tawagan ka, pero may kausap si inay sa labas." mahina ngunit mariing babala nito. Inis na napapalatak siya. "Kahit hindi mo sabihin, hindi rin ako makakauwi! Nasa buong palibot ng Hotel ang tauhan ni Mrs. Martin, hindi ako makalabas!" "Hoy, ang anak na ba ni Maristella ang kausap niyan?!" malakas na boses ang narinig ni Astrid sa kabilang linya. Napasinghap siya at alam niyang ang mga tauhan iyon ng matandang babae. "Oh siya, ibababa ko na 'to, Astrid. Magingat ka," iyon lamang at dagling binaba ni Dave ang tawag. Napahawak naman si Astrid sa dibdib. Tila napagod at hiningal siya sa mala aksyon na buhay niya. Pilit niya pinapagana ang utak niya kung paano siya makakaalis sa sitwasyon niya nang hindi nito nakikita. Hindi rin naman siya pupuwedeng magstay dito at magpalaboy laboy sa lobby ng Hotel. Magtataka ang mga ito kung bakit pagala gala siya at malaman na hindi pala siya nag check-in. Naglalakad siya habang naiinis na nagsalita. "Ah peste talaga! Ano ka ba naman kasi Mama, ano ano nalang kamalasan nangyayari saatin. Wala ka nabang alam Ma kundi pahirapan ang buhay ko?" Hindi naman niya talaga iyon ibig sabihin pero dahil sa kawalan ng pagasa at kinasusuotang sitwasyon ay naibulalas niya. "Ahh, isip, Astrid! Isip!" Nasa ganoong wisyo siya nang biglang bumukas ang pintuan sa gilid niya at natumba siya. Nagaalalang sinaklolohan naman siya nang guard at nang lumabas mula sa pintuan. "Naku, sorry Ma'am! Okay ka lang ba?" tanong sakaniya ng isang nakasuot ng pang janitress. "Ito naman si Mary Ann, hindi ka man lang tumitingin bago buksan ang pintuan. Aba nakakasakit ka pa ng guest," sabi naman ng mabait na guard at inalalayan siya tumayo. "Ay hindi... okay lang ako. Huwag ka magalit sakaniya. Huwag kayo magalala," sabi niya. "Naku, pasensiya talaga Ma'am ha? Medyo masama kasi pakiramdam ko kaya nagmamadali na ako umuwi," hiyang hiya naman ang babae sakaniya. Tumango nalang siya at naglakad. Narinig niya pa ang dalawang nagtatalo. "Mag-ingat ka kasi sa susunod para hindi ka nakakabangga ng guest," "Oo na. Hindi ko naman sinasadya eh, masama talaga pakiramdam ko," "Oh, pinaearly out ka ba?" "Oo, buti nga pumayag eh." "Paano 'yan, si Beth ba ang magdodouble-shift?" "Hindi. Hindi pumayag ang asawa ni Beth. Walang magbabantay sa anak nila," "Eh paano 'yan? Sinong incharge sa shift mo?" "Wala. Wala naman masyadong lilinisin ngayon. Atsaka kahit di ka yata maglinis ng isang linggo, hindi dumudumi itong Hotel! O siya, mauuna na ako. Hindi ko na ilolock 'yong utility room ha? Para kapag may kailangan sila 'don di na sila mahihirapan. Isa pa, baka ilang araw ako mawala. Ang sama talaga ng pakiramdam ko," sabi ng babae. "Sus! Wala namang papasok 'dyan. Sayo lang naman nakaassigned ang ground floor at bawat floor ay may sari sariling utility room. Walang papasok 'dyan," sagot naman 'nung guard. Naglalakad na siya paalis doon, nang bigla siyang napatigil at tila may bombilya na pumasok sa isip niya. Ang utility room. Tama! May matutulugan na siya ngayon gabi. Kung sinuswerte ka nga naman talaga. Ngising aniya sa isip.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD