"Josiah, l-lasing ka ba?" May bahid ng inis nang itanong ko 'yon. He looks drunk— oh yeah, he is. I could smell the alcohol on him. "Savvanah... my beautiful wife..." Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sobrang bigat niya, dagdag pa na sobrang higpit ng yakap niya kung kaya't hindi ako makawala. Pero anong sinabi niya? Wife? Sira na ba talaga siya? Lasing na nga siya! Pero bakit siya naglasing? Anong dahilan? "J-Josiah, you're drunk! At a-anong wife wife ka riyan! Ba't ka ba uminom, huh? At anong oras na, ba't ngayon ka lang umuwi?! Kanina pa kita hinihintay! At nakakainis ka, hindi mo ako pinapansin!" maktol ko. Bahagya ko pang sinuntok ang likod niya at para na akong isang batang malapit nang maiyak. "I miss you...

