bc

The suffered Wife

book_age18+
1.6K
FOLLOW
8.3K
READ
possessive
friends to lovers
arrogant
manipulative
powerful
CEO
drama
betrayal
affair
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa maling akala na pinaniwalan ni Matteo Chua, nasira ang relasyon nila ng asawa na si Savannah Mendez. At galit ang natanggap ni Savannah sa mga araw na kasama niya ang asawa hanggang sa inilayo siya ni Josiah, ang kaibigan ng asawa niya sa kanya. Dinala siya nito sa malayong lugar kung saan pwedeng siyang magsimula ng panibagong buhay nang kasama siya at malayo sa mapanakit niyang asawa.

Kinalimutan ni Savvanah ang mga masasalimuot na nangyari sa kanyang buhay at sinubukan niyang mag-umpisang muli nang kasama si Josiah, nang magtapat naman ito ng pag-ibig sa kanya, ngunit hindi niya pinaunlakan dahil sa mali at magkaibigan silang dalawa. Pero kalaunan din ay nahulog na rin nang hindi niya namamalayan. At masaya na sana silang dalawa ni Josiah nang natunton naman sila ni Matteo at sapilitan siyang kinuha nito para maibalik sa kanya.

Ano na nga kayang mangyayari sa kanilang pag-iibigan gayong isang malaking balakid si Matteo sa kanilang buhay?

Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright ©️ 2022 MsTori

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hello, honey? Anong oras ka makakauwi? Excited na ako sa surprise ko para sa 'yo!" masiglang wika ko kay Matteo, ang asawa ko. It's his birthday today but he's still at work, dahil sa bigatin ang mga kliyenteng may appointment sa kanya ngayon kaya hindi niya raw 'yon pwedeng i-reschedule dahil ico-close na ang deal tungkol sa pagiging magkasosyo nila sa trabaho. "Late na siguro akong makakauwi, honey. Mga alas dyes y media na siguro o higit pa roon dahil may kaunting inuman pang magaganap," sagot niya sa kabilang linya. Tinignan ko naman ang relo ko at 8 pm pa lang naman. Well, sana makauwi agad siya nang hindi pa ako pagod dahil marami ring bisita ang dumalo at ako lahat ang nag-asikaso pati na rin ang bestfriend kong si Regina. Sa tantsa ko, kumulang dalawang daan na ang mga dumalong bisita mula pa kaninang hapon. Mula sa mga kaklase namin noong highschool at malapit na mga kamag-anak. Marami rin talaga akong ipinahanda dahil sigurado akong kasama niya pag-uwi ang ibang mga katrabaho niya sa opisina. "Hmm, ok. I-text mo na lang ako kapag pauwi ka na, ha?" malambing na sabi ko. "Yes, honey. Susubukan kong makauwi agad dahil excited na rin ako sa surprise mo," bakas sa boses niya ang kuryosidad, wala sa sariling napangiti ako. I want to surprise him that I'm pregnant. Ilang araw na kasi akong nagsusuka at lahat ng senyales ng isang buntis ay naranasan ko, kaya naman nagpunta ako kanina sa ob-gyne para kumpirmahin kung buntis nga ba talaga ako. At hindi na ako nagulat pa, buntis nga ako. I'm 2 weeks pregnant at ang saya-saya ko dahil natupad ang isa sa mga pangarap ko, ang maging isang ina na siyang bubuo sa pagkatao ko, na siyang bubuo sa akin bilang babae. "Kaya umuwi ka nang maaga," tudyo ko sa kanya saka marahan na tumawa. Alam ko ngayon na excited na talaga siyang umuwi dahil hindi siya mapakali sa kakaisip sa surprise ko, I really know him. "Honey, sabihin mo na kaya ngayon bago dumating ang mga ka-meeting ko?" parang batang request niya. Mas lalo ko siyang tinawanan, dahil alam na alam ko kung ano ang reaksyon ng mukha niya ngayon, naka-pout siya na parang isang bata na maiiyak dahil hindi maibigay ang hinihiling. Napailing na lamang ako. Later, Matteo. Magandang sabihin sa personal ang tungkol sa pagbubuntis ko, para maging memorable rin na siyang madadala ko hanggang sa pagtanda ko. Sigurado ako na magtatatalon 'yon sa tuwa mamaya kapag ipinaalam ko na sa kanya dahil matagal na niyang hinihiling sa Diyos na sana magka-baby na kaming dalawa nang mapuno na ng ingay ang bahay namin. Simula nang ikasal kami 2 years ago, hindi pa talaga namin binalak na magka-anak, dahil busy pa kaming pareho sa trabaho. Siya ay busy sa company niya habang ako busy sa pagtitinda ng mga cupcakes online. May oras naman kami para sa isa't isa, hindi naman nawawala 'yon, pero baka kapag nagka-baby na kami ay mas maging busy kami sa trabaho kaysa sa pag-aalaga ng bata. Ayoko namang mangyari 'yon, kailangan ang atensyon namin ay nasa bata lang at sa aming pamilya. But at least now, iiwanan ko na muna pansamantala ang trabaho ko. At gano'n din ang binabalak ng asawa ko, dahil mas gusto raw muna niyang mas ituon ang sarili sa aming dalawa ngayon. Tama na raw muna ang trabaho, mas mainam na pamilya naman namin ang trabahuin namin. Ipagkakatiwala na lang daw muna niya sa nakakatandang kapatid ang kumpanya. At excited na ako na ilaan ang buong atensyon namin para sa isa't isa lalo na sa magiging baby naming mag-asawa. "Hindi pa pwede, honey," natatawang sagot ko rito habang hinihimas ang tiyan ko. Narinig ko naman ang paghugot niya nang malalim na buntong hininga. Sigurado ako na gusto na niyang paliparin ang kotse niya nang makauwi na siya ngayon, pero hindi pa pwede dahil hindi naman siya pwede at basta-basta na lang umalis sa meeting. "Fine!" talunan niyang sinabi. "Sana bumilis ang oras dahil nami-miss ko na rin ang asawa ko," malambing niyang sinabi na siyang ikinalapad lalo ng ngiti ko. "I miss you too, honey. O sige na, marami pang bisita sa baba at aasikasuhin ko na muna. At ikaw, focus ka na muna riyan sa trabaho mo, ok? Makakapaghintay naman 'yong surprise ko para sa 'yo mamaya, eh, ilang oras na lamang din naman. Bye na. I love you!" "Ok, honey. Huwag kang masyadong magpagod, hmm? I will mad at you kapag nalaman kong basa ang likod mo, kapag nalaman kong nangangalay ang mga binti mo o kaya naman masakit ang ulo mo—" "Hey!" putol ko agad sa kanya sabay na natawang muli. Napaka-maaalahanin talaga ng asawa ko at 'yon ang nagustuhan ko sa kanya, napaka-caring. Lahat yata ng kabutihan ay sinalo niya, pero masamang magalit kaya natatakot ako minsan. But all of us had flaws. Even the kindest person have bad sides, right? But for me, he's perfect, he's a perfect husband for me. A husband which every woman dreams of. "Hindi po, mister. Huwag mo 'kong intindihin, ayos lang ako rito dahil tinutulungan naman ako ni Gina. Sige na, baka 'yung ba-bye natin ay umabot na next year, kaya papatayin ko na 'to." "Ok then see you later, honey. I love you so damn much!" habol pa niya bago ko patayin ang tawag. Bumaba na ako pagkatapos. Nang makababa na ako ay kaunti na lamang ang mga bisita, pero sigurado ako na may darating pa maya-maya tulad ni . . . "Josh! Mabuti nakapunta ka?" sabay lapit ko sa kanya sa couch sa sala, nakaupo ito at nakikipag-kwentuhan sa isa ring kakilala. Malapit na kaibigan namin siya ni Matteo magmula nang highschool days pa. "Magagalit talaga ang mister ko sa 'yo kapag hindi ka dumalo," biro ko pa. Nakipagbeso naman siya sa akin na siya naman ding tinanggap ko. "Syempre naman, ano! Kailangan kong saksihan ang pagtanda ng best pa sa the best kong bestfriend," sabi niya habang nakaakbay sa akin. Iniwan na namin ang kausap niya kanina at nagtungo kami sa kusina. "Grabe naman 'yang 'pagtanda'! Isumbong nga kita," sabay hiwalay ko sa kanya at kuha ng baso para bigyan siya ng isang wine. Inabot niya 'yon saka uminom nang paunti-unti. Ako naman ay uminom ng Orange Juice, gusto ko sana pero bawal sa buntis ang alak. "Huwag, sasapukin ako no'n kapag nagkataon!" sabay tawa niya. "O sige, dahil magkaibigan naman tayo, secret lang," mahinang sabi ko saka natawa. "Ano 'yan, ha? May sikreto yatang nangyayari rito?" Nabaling ang aming tingin sa nagsalita, si Gina na nakakalokong nakangiti sa amin na bakas din ang kuryosidad. "Nako, itong kaibigan natin, napaka-maloko talaga!" tukoy ko kay Josiah. "Eh, sira ulo talaga 'yan, eh!" sakay niya sa biro ko. Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang kusina nang magsama na kaming tatlo. Ganito talaga kami kapag nagkikita-kita na, hindi mawawala ang bonding at kulitan dahil hindi naman kami masyadong nagkikita bukod lang kay Gina. Lagi siyang narito tuwing weekends. Habang si Josiah naman ay bihira lang dahil tutok siya sa kumpanya niya. But we always hang out kapag marami siyang bakanteng oras. Sa ganito na lamang din kasi kami nagkakaroon ng oras para sa isa't isa, hindi tulad noong highschool kami na laging go lang sa galaan. We're bestfriends since highschool, kaming tatlo at pati na rin si Matteo. Magka-kaklase kami simula 1st year hanggang magtapos kaming apat. But we take different path, dati kasi ay binalak namin na magtayo ng business para hindi kami maghiwa-hiwalay. Pero gano'n nga siguro, nag-iiba ang ihip ng panahon. Ngunit, ang kagandahan naman doon ay hindi nawala ang communication namin, we're still friends after all. "Ano raw oras uuwi ang asawa mo?" tanong ni Gina. "Mga 11 na siguro, pero 'di pa 'yon sigurado. Dipende pa rin," hindi siguradong sagot ko. It's already 9:40 pm nang tignan kong muli ang relo ko. Inaantok na rin ako at ramdam ko na rin ang pagod, dala na rin siguro sa kakasalita at kaka-assist ko sa mga dumarating at umaalis na bisita. "Habang wala pa siya, inom muna tayo!" masiglang sambit ni Gina sabay kuha ng isang alak sa cabinet sa kusina. "I would love that!" pagsang-ayon ni Josiah. "Para naman antok na 'kong umuwi sa bahay nang makatulog ako agad. 'Di man lang kasi ako tinablan sa wine, eh," Nang mailagay ni Gina ang alak sa tatlong baso na para sa amin, ibibigay na sana niya 'yong para sa akin nang itagilid ko ang ulo ko at hindi tinanggap 'yon. Agad na kumunot ang noo niya, dati kasi ay ako pa ang nangunguna sa pag-inom, pero iba na ngayon dahil may isa pang tao na nabubuhay sa akin, ang anak ko. Pero, oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanila kaya wala pa silang alam, gusto ko kasing si Matteo muna ang unang makaalam na nagdadalang tao ako. "Pass muna 'ko ngayon. Kayo na muna," nangingiting wika ko. "Huh? Bakit naman?" si Gina ulit. Ayokong magpahalata, ang babae pa naman na 'to ay hindi ka talaga titigilan hanggat hindi natatanggal ang katanungan sa kanyang isipan. "Secret, Gina," sabay tawa ko nang bahagya at layo ng baso ng alak na bigay niya. Nagkibit balikat naman si Josiah sa kanya nang gusto niya rin 'tong tanungin kung bakit ako tumanggi. Wala naman ding masasagot si Josiah dahil kahit siya ay walang ka-alam alam. "Ay! Iba na 'yan, ha?! Tell me, ano'ng nangyayari, Mrs. Savannah Georgian Mendez? Ang dami mo yatang sikreto ngayon?" nakataas kilay na tanong ni Gina habang nakapameywang pa. "Ikaw, ha? Malihim ka na sa amin, huh?!" "Wala, ikaw naman. Hindi lang uminom, may sikreto na agad?" depensa ko. "Gatas na lang sa akin, please?" sabay turo ko sa fresh milk na nasa ref. Umikot naman ang mga mata niya bago kunin ang gatas. Nang lumapit siya sa akin ay ilang segundo pa ang lumipas, sinusuri niya pa rin ako, bago niya 'yon tuluyang ibigay sa akin. "Thanks," saad ko bago inumin 'yon. "Baka may sikreto kayo sa akin, ha?" Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatanong. Hinampas niya pa si Josiah sa braso nito. Ayaw niya talaga 'tong tigilan, akala ay may alam talaga siya. "Oh, bakit ako na naman, Gin?" nanlalaking matang tanong niya, nagulat sa ginawa ni Gina. "Nadamay na naman ako riyan, eh, wala naman akong alam sa sinasabi mo! Nananahimik ako rito, dinadamay mo na naman ako!" dagdag pa niya. Gaya nga ng sabi ko, hindi kami tinigilan ni Gina sa kakatanong. Syempre, hindi naman ako umamin. Nang may mga bisita pang dumating, tumigil na rin siya dahil nag-assist kaming pareho. Nang mag alas onse na ng gabi, wala nang mga bisita, kaming tatlo na lamang ang natira. Si Matteo naman ay wala pa rin, siguro ay late na talaga siyang uuwi. "Hay, kapagod." Umupo ako sa couch. Nakakapagod ang araw na 'to. Matulog na siguro ako dahil oras na rin. Masama pa naman din sa buntis ang nagpupuyat. Ramdam ko naman na din ang antok, eh, bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba simula pa kanina, nakaramdam ako ng pagkahilo na siyang hindi ko pinansin, marahil ay dala lamang ng pagod 'yon. Maganda nga sigurong pumahik na ako sa taas para makapagpahinga. Bukas ko na lamang siguro sasabihin kay Matteo ang sorpresa ko para sa kanya, makakapaghintay naman 'yon. "G, bukas na lang 'yan," tukoy ko sa mga kalat. Nakita ko kasing nagliligpit na siya. Pero tumigil din siya at lumapit sa pwesto namin ni Josiah, umupo siya sa tabi ko at sumandal sa aking balikat. "Lasing na 'yan." Tinuro niya si Josiah na natutulog na yata, nakahiga na siya sa sofa, eh, at nakapikit. "Ihahatid ko na lamang siya mamaya sa guest room." "Sige. Maganda ngang bukas na kayo umuwi at dito na lang kayo matulog. Ihatid mo na lang din ako ngayon sa kwarto namin, G. Nahihilo talaga ako mula pa kanina at hindi ko alam kung bakit." Hawak ko ang sentido ko at ramdam ko na rin talaga ang antok. "Gano'n ba? O sige, tara na kung gano'n. Ihahatid na kita sa kwarto niyo nang makatulog ka na agad," sabay alalay niya sa akin nang tumayo na ako. Muntik naman akong mabuwal nang umikot ang paningin ko pero nahawakan naman ako agad ni Gina. "Ok ka lang ba, ha?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Ok . . . ok lang—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang tuluyan na akong bumagsak sa sofa. Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero ramdam ko talaga ang hilo kaya nagiging doble rin ang mga ang nakikita ko, maski ang mukha ni Gina ay hindi ko na maaninag pa nang mabuti. "Ayan, matulog ka na nga nang magawa ko na ang plano ko." Hindi ko maintindihan pa ang sinabi ni Gina, parang kahit ang pandinig ko ay nahihilo na rin. Tuluyan na nga rin akong nawalan ng malay pagkatapos no'n at hindi ko na alam pa kung ano ang sunod na nangyari sa akin. Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin. Minulat ko ang mga mata ko habang ramdam ang pananakit ng aking ulo. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang wala akong damit at tanging kumot lamang ang tumatakip sa aking katawan. "Mga hayop kayo!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, si Matteo ay nasa tabi ng pintuan at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang direksyon ng kanyang tingin at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang katabi ko si Josiah sa kama na wala ring saplot sa itaas niya. Napasinghap ako sa nakikita. Wala akong saplot, bakit tanging bra lang ang aking suot? Bakit wala rin si Josiah? Anong nangyari? May nangyari ba sa amin— No! Wala! Wala! Wala! Wala! Walang nangyari sa amin! Wala akong matandaan! Hindi ko matandaan! Paano at narito kami sa kama at magkatabi? Paano kami napunta rito? Argh! Sumasakit ang ulo ko sa mga isiping 'yon! What really happened? "M-Matteo, l-let me explain..." Umigting ang panga niya nang bumaling sa akin. "M-mga hayop kayo!" garalgal at galit niyang sinabi bago mabilis na naglakad patungo sa amin. "Matteo!" hiyaw ko nang lapitan niya si Josiah na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Sinuntok niya 'to nang malakas sa mukha na siyang gumising sa kaibigan. "Gago ka! Kaibigan kita pero ano 'tong ginawa mo? Inahas mo ang asawa ko! Damn you! You're son of b***h! I trusted you, Josh! Hayop ka! Napaka-walanghiya mo!" galit na sambit ni Matteo habang inaambagan niya pa rin nang sunod-sunod na suntok si Josiah. "Matteo, tama na! W-wala kaming ginawang masama, maniwala ka! H-hindi ko alam kung ano'ng nangyari, kaya please, tama na! Magpapaliwanag kami! Pag-usapan natin 'to nang maayos!" sabi ko sa kanya habang inaawat ko siya Nakayakap ako sa likod niya para mailayo siya mula kay Josiah na hindi na halos makamulat dahil sa mga suntok na natamo niya sa kanyang mukha, ni hindi nakabawi ang kaibigan dahil mabilis si Matteo. "Bitiwan mo 'ko!" sabay tulak niya sa akin na siyang ikinatama ng likod ko sa pader. Napahawak ako sa tiyan ko. Nanghina ako bigla sa ginawa niya at tanging naisip ko lang nang mga sandaling 'yon ay ang anak namin. Naramdaman ko kasi ang biglang pananakit ng aking tiyan na siyang ikinaupo ko sa malamig na tiles. "M-Matteo, tama na, pakiusap!" halos pabulong kong sinabi habang nakangiwing nakatingin sa kanila. Gusto kong tumayo at awatin ang asawa pero hindi ko magawa. Gustong-gusto kong pigilan siya sa pagsugod muli kay Josiah. Gusto ko man ay hindi ko kayang tumayo dahil nahihilo pa rin ako sabayan pa ng pananakit ng aking pakiramdam mula sa pagkakatulak ng asawa ko. "Matteo, tama na! Magkaibigan tayo kaya hindi ko magagawa 'yon! Wala akong inahas sa 'yo!" rinig kong depensa ni Josiah saka gumanti ng suntok kay Matteo. Pareho nang naglalaban ang dalawa na para bang mga mababangis na hayop sila na ayaw magpatalo. "Damn you! Sino'ng niloko mo, ha?! Kitang-kita ng dalawang mata ko! You're sleeping with my wife while naked! Ano satingin mo ang iisipin ko pagkatapos no'n, huh? Kung ano ang nakita ko, that is already enough evidence na may ginawa kayong masama habang wala ako! So, I will kill you!" mariin ang bawat butaw ng mga salita ni Matteo, galit na galit talaga siya, animong makakapatay siya anumang oras. "Listen to us first! We don't know what happen!" depensa pa ni Josiah. "Tama na! Tumigil na kayo! Matteo, tama na! Mapapatay mo na siya!" pagmamakaawa ko sa asawa sa gitna ng aking paghikbi. Marahas na binitawan ni Matteo si Josiah na nanghihina na. Nilingon niya ako saka nilapitan. Marahas niyang hinaklit ang aking mga braso nang tuluyang makalapit sa akin. Hinawakan niya rin ang panga ko na siyang ikinangiwi ko lalo dahil sa sobrang higpit ng ginawa niyang paghawak doon. Ang iyak ko ay mas lalong dumoble sa ginawa ng asawa. Gusto ko namang magsalita at magpaliwanag, pero ang hirap-hirap dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung anong sasabihin sa kanya. Wala akong malay sa mga nangyari! Wala akong kaalam-alam! Ni ang pumasok sa kwarto namin ay hindi ko matandaan kung paano ako nakapunta roon! Hindi ko talaga alam! Wala akong alam! Kahit alalahanin ko ang mga nangyari kanina, wala, wala akong maalala na kahit ano, kahit isa! "Bakit mo nagawa sa akin 'to, Savannah? Ang nilandi mo pa talaga ay mismong kaibigan ko, ha? Talagang si Josh pa ang pinatulan mo?! Mga hayop kayo!" punong-puno ng sakit niyang sinabi. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang pagkamuhi para sa akin, kung tignan pa niya ako ay tila ba nandidiri siya. "W-wala akong matandaan sa nangyari, Matteo. Maniwala ka, hindi ko alam kung ano ang nangyari," nanginginig kong sagot. Takot na takot ako ngayon, una ay dahil sa kalagayan ko, pangalawa sa kalagayan ni Josh. Ano ba talagang nangyari? Bakit nasa iisang kama kami ni Josiah? Wala akong matandaan na may nangyari sa amin! At mamatay man ako ngayon, wala akong nilandi at mas lalong hindi ko pinagtaksilan ang asawa ko! Hindi ko magagawa 'yon! Mahal na mahal ko si Matteo para saktan ko siya! Ang huling natatandaan ko na lamang talaga kanina ay nawalan ako ng malay sa sofa. At si Gina, siya lang ang kasama ko na gising pa. Nasaan siya? Nasaan siya ngayon? Umuwi na ba siya? Anong nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay? Argh! Isinusumpa ko sa Diyos, wala akong ginawang masama na labag sa mga utos niya! "Liar! You're a f*****g liar, Savannah!" Parang hinihiwa ang puso ko sa sinabi ni Matteo. Kailanman ay hindi niya 'ko kinausap ng gano'n at mas lalong hindi niya ako sinabihan ng mga gano'n na salita! At mas lalong kailanman ay hindi pa niya ako sinigawan! Ang Matteo'ng nasa harapan ko ngayon ay hindi ang asawa ko! Nilamon na siya nang sobrang galit dahil sa nangyari! Pinaniwalan niya ang kanyang nakita na wala namang katotohanan! I swear to God, I never cheated on him! "So, this is your surprise, huh? Ang ganda! Ang ganda ng regalo mo sa akin! Napaka-memorable nito na satingin ko nga ay hindi ko 'to makakalimutan!" he said in a sarcastic tone. "What a beautiful surprise! Hindi ko kailanman makakalimutan!" bawat bitaw niya ng mga salita ay kasabay din non ang lalong paghigpit ng hawak niya sa aking panga. Para ngang masusugatan na ako dahil bumabaon ang kanyang kuko sa aking mukha. "Bitiwan mo siya!" Timulak ni Josiah si Matteo. Tumilapon ang asawa sa sahig na siyang ginamit na pagkakataon ni Josiah para suntukin siyang muli. "Wake up, Matteo! Nawawala ka na sa sarili mo at nasasaktan mo na ang asawa mo!" Makikita sa bawat suntok ni Josiah na galit na galit na rin talaga siya. Puno ng gigil ang kanyang pagsasalita. "T-tama na, Josh!" nahihirapang sambit ko. Saka muli ako napaluhod habang hawak ang aking tiyan. Napasinghap na lamang ako nang makitang may dugo sa tiles na nanggagaling sa aking mga binti. Napahagulgol ako lalo. No! Ang baby ko! Hindi! Hindi! Hindi! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa anak ko! Oh, God, help my baby! Please! Huwag mong hahayaan na may mangyari sa amin, pakiusap! "J-Josh, h-help me, please!" tawag ko sa kaibigan na siyang ikinaharap niya. At nanlaki ang kanyang mga mata nang makita akong duguan. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ni Matteo at nanginginig na nilapitan ako. "D-dugo? B-bakit ka dinudugo? Damn, Savannah are you ok?" balisang tanong niya. Akma na niya akong bubuhatin nang tumilapon siya palayo sa akin, si Matteo naman ang tumulak sa kanya ngayon. "M-Matteo, t-tama na. D-dalhin mo ako sa hospital, please," pakiusap ko sa kanya. "Damn it, Savannah!" Nilapitan niya ako at nag-aalala niyang binuhat. Kumapit lamang ako sa kanya habang nakapikit at iniinda ang sakit. Pagmulat ko ay nasa labas na pala kami, ni hindi ko napansin. Mabilis na nga niya akong ipinasok sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaandar ang sasakyan pagkatapos no'n. Dahil sa panghihinang nararamdaman, unti-unti akong nawawalan ng malay. At pagkaraan nga ng ilang segundo ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Pero narinig ko pa ang mga mura ni Matteo habang siya ay nagmamaneho nang mabilis bago tuluyang pumikit nang kusa ang mga talukap ng mga mata ko. Maputing kisame ang bumungad sa mga mata ko nang magising na ako. Nilibot ko ang aking paningin at nakita sa couch si Matteo na tulala na nakatingin sa ibang direksyon. Parang pinagsakluban ang kanyang mukha sa itsura niyang 'yon. Bakas din sa kanyang mga mata ang iyak dahil mugto ang mga 'yon. Napabalikwas naman ako nang maalala ang nangyari kanina. Hinawakan ko ang aking tiyan habang habol ang aking hininga. Bigla akong nilukuban ng kaba sa hindi malamang dahilan. Nanlalamig din ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko, halo-halo na ang aking emosyon nang maalala ang nangyari sa akin kanina. Napagtanto kong nasa hospital ako ngayon na siyang mas lalo nagpakabog sa aking dibdib. "Kasalanan mo 'to!" walang emosyong sabi sa akin ni Matteo nang makita na niya akong gising. Gigil at galit ay nahihimigan ko pa rin sa kanyang boses. Tinignan ko lang siya nang deretso habang hindi maiwasan na hindi manlabo ng aking mga mata, naguguluhan. Hindi ko alam pero para kasing sa sinabi niya ay may nagawa akong kasalanan kung kaya't nasaktan ang puso ko lalo. Bumigat ang aking pakiramdam habang sinasalubong niya ako ng nag-aalab niyang mga mata. "A-ano ang . . . anong ibig mong sabihin?" putol-putol kong sabi. Nangingitngit ang kanyang mga ngipin at mabilis na humakbang patungo sa akin saka hinawakan ang mga braso ko nang pagkahigpit-higpit. "Damn it! You're f*****g pregnant! B-bakit hindi mo sinabi sa akin?! S-sana . . . sana buhay pa siya ngayon! Sana buhay pa siya! It's your fault, damn you, woman!" saka ako nito marahas na binitawan. Napasabunot siya sa kanyang buhok habang nakaluhod sa tiles at umiiyak. Ako naman ay hindi nasaktan sa kanyang ginawa, mas nasaktan ako sa ibinalita niya. Kahit hindi niya sinabi nang deretso, alam kong wala na . . . wala na ang anak ko. Hindi! Ang baby ko! Bakit? Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa isiping namatay ang anak ko sa gano'ng iglap. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi alam kung ano ang gagawin. Ang sakit-sakit ng puso ko, para 'yong pinagpipira-piraso. Bakit? Bakit nangyari sa anak ko 'yon? Wala siyang ginawang masama! Wala naman din akong ginawang masama para mangyari 'to sa akin! Para sapitin ang masakit na trahedyang ito! Bakit? Wala pa man nga siya sa mundo, nawala na agad siya! Diyos ko, bakit mo naman agad kinuha ang anak ko? Bakit?! "Ikaw at ng lalaki mo ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko! Kasalanan niyong dalawa 'to!" sisi niya sa akin. Hagulgol lamang ang nagawa ko. Hindi ko mai-depesensa ang sarili, dahil para saan pa? Hindi naman ako pakikinggan ni Matteo! Ako pa nga ang sinisisi niya ngayon! Ako pa ang inaakusahan niya. Magsasayang lamang ako ng lakas para magpaliwanag! Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak nang umiyak para mabawasan ang bigat na nasa aking dibdib. Wala naman akong ginawang masama para sapitin ito! Napakasakit! Ni hindi ko man lang nailigtas ang anak ko! Ni hindi ko man lang naprotektahan ang sarili para hindi siya mapahamak! Nang dahil sa maling akala ni Matteo ay nakunan ako nang wala sa oras! Hindi! Hindi ko matatanggap! Wala namang ginawa ang anak ko, pero bakit siya nadamay dito? "Kung hindi ka nagpadala sa galit mo, hindi mangyayari 'to!" galit kong sigaw sa kanya pabalik. Matalim ko siyang tinignan at sinisisi siya gamit ang aking mga mata. Kumunot ang noo niya saka mapaklang tumawa. "Ngayon, sisisihin mo ako sa kasalanang ikaw mismo ang gumawa? It's your fault, Savannah! Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak natin! Pinatay mo siya!" mariing bato niya sa akin ng mga salita niya. Napapikit na lamang ako dahil tumatagos 'yon nang sobra sa puso ko kahit pa wala naman 'yong katotohanan. Para akong pinapatay nang paunti-unti sa mga akusa niya! "Sana, ikaw na lang ang namatay! Ikaw na lang ang nawala! Hindi deserve ng mga katulad mo ang mabuhay sa mundo dahil malandi ka! Hindi sana nangyari sa anak ko 'yon! Kasalanan mong lahat ng ito!" Sana nga, Matteo! Sana nga ako na lamang ang namatay! Ako na lamang ang nawala! Ako na lamang ang sumalo sa nangyari sa anak natin! Hindi ko rin naman ginusto na mangyari sa kanya 'yon! Kung ako lang, ipagpapalit ko ang posisyon namin ng anak ko para hindi siya nawala sa mundo nang gano'n kadali! Handa akong saluhin ang pagkamatay niya mabuhay lamang ang anak ko. Sana nga, ako na lang! Kung maibabalik ko lang ang oras, ako na lang! Handa akong mamatay kapalit ng buhay niya! My child deserves to be live in this world dahil wala naman siyang ginawang masama! "T-tama na, Matteo! Satingin mo ba, gusto ko ang nangyari? Satingin mo ba, gusto kong mamatay ang anak ko? Hindi, Matteo! Hindi! Kung nasasaktan ka ngayon, mas nasasaktan ako dahil wala namang ginawa ang anak natin pero dinamay mo siya riyan sa galit mo! Kasalanan mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nawala rito sa mundo! Pinagkaitan mo siyang mabuhay! Ng dahil sa letseng paniniwala mo na 'yan, ng dahil sa akala mo na 'yan na may ginawa kaming masama ni Josiah, nagalit ka nang wala sa lugar! Hindi mo ako pinakinggan!" I angrily said. Wala akong nakuhang pagtugon mula sa kanya, nanatili siyang nakayuko habang humahagulgol sa iyak. Dapat lang na ma-guilty siya para naman ma-realize niya ang kamalian at ang nagawa niya. Ngayon ko naisip, kaya ba kinuha agad ng Diyos sa amin ang anak ko ay dahil alam niyang malupit ang ama niya? Kaya niya ba 'to kinuha agad ay dahil ayaw niyang mahirapan ang anak ko sa mga kamay ni Matteo? Kung gano'n nga, mas gugustuhin ko na lamang na nasa mapayapang lugar ang anak ko kaysa makasama ang ama niyang si Matteo na gano'n ang pag-uugali, iba ang ugaling ipinakita niya sa akin ngayon kaya sobra ang pagkadismaya ko sa kanya. Bakit hindi ko 'to nakita noon? Nagsisisi ba ako ngayon? Nagsisisi ba ako ngayon na nakilala ko siya? Hindi. Mahal ko pa rin naman si Matteo sa kabila ng nangyari. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya. Sobra lang ang sakit na idinulot niya sa akin ngayon kaya nakaramdam din ako ng galit para sa kanya. Pero nangyari na ang mga nakatadhanang mangyari, wala na kaming magagawa pa roon. Ngunit sa kabila no'n, handa ko pa ring kalimutan ang lahat ng nangyari. Handa ko pa ring mapatawad ang asawa sa kabila nang nagawa niya dahil alam kong 'di lang siya ang nasaktan, pareho kaming nasasaktan. Maari kaming magsimula muli kahit na mahirap. Mahal ko siya kung kaya't kahit hindi pa man siya humihingi ng tawad ay napatawad ko na siya. Alam ko naman na nagkamali lang siya dala ng galit niya. Kahit siguro ako ay magagalit kung makita ko ang asawa ko nang may kasama na iba. Pero ang gusto ko lang ngayon na gawin ni Matteo, tanggapin niya ang kamalian niya at humingi ng tawad sa kanyang sarili para mapagtanto ang mga nagawa niyang mali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook