Owned By Arthur Dela VegaUpdated at Mar 3, 2022, 10:26
"Nasaan tayo, Arthur?" tanong ni Amanda pero hindi pinansin ni Arthur ang tanong niya.
"Arthur, sabing nasaan tayo?" may bahid ng inis sa pangatlong tanong ni Amanda. Yakap nito ang sarili dahil sa lamig na dumadampi sa kanyang makinis na balat.
"We're here at my rest house in Baguio," walang ganang sagot ni Arthur sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa kanyang narinig.
"Ano?! A-anong nasa Baguio? Anong ginagawa natin dito? Bakit mo 'ko dinala rito?" sunod-sunod na tanong nito. Halos umusok ang ilong niya sa inis na nararamdaman. Ano ba'ng ginagawa ng lalaki sa kanya? Nagbibiro ba siya?
"Arthur ano ba?!" Patuloy sa pagsasalita si Amanda habang si Arthur naman ay nagmartsa na patungo sa loob ng rest house, nangigigil lang siyang sinundan ni Amanda.
"Let's just talk inside, Amanda," walang emosyong sabi nito.
"Bakit hindi ka muna maupo rito sa tabi ko--"
"Ibalik mo 'ko ngayon din sa Maynila!" galit na sigaw ni Amanda.
"Not so fast, babe," ngumisi ang lalaki sa kanya. Mas lalong nag-init ang ulo ni Amanda sa kanya.
"Kakarating lang natin, gusto mo na agad umuwi?" sarkastikong tanong ni Arthur.
"Iuwi mo 'ko ngayon din! Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Arthur! Kaya tumayo ka riyan at ihatid mo 'ko pabalik ng Maynila!" Nagagalit, naiiyak na saad ni Amanda.
"Hindi ka uuwi hanggat hindi natin naaayos ang relasyon natin--"
"Sabi nang iuwi mo na 'ko! Hindi mo ba maintindihan 'yon, Arthur?! Kailangan kong umuwi! Siguradong nag-aalala na ang mga kasama ko sa bahay!"
"Uuwi ka kung babalik ka sa akin. Madali naman akong kausap, pagbibigyan kita pero kapalit non ay ibibigay mo ang gusto ko," seryoso na ang boses nito.
"Ano? Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to, Arthur!" Mabilis siyang nilapitan ni Amanda at pinagsusuntok sa maskulado niyang dibdib.
"Pinapili kita kanina, pinagbibigyan kita ngayon, ano pa bang gusto mo? Mahirap bang ibigay sa akin 'yon--"
"Hindi mo kasi naiintindihan, Arthur!" Pinipilit ni Amanda na kumawala kay Arthur pero hindi man lang siya makagalaw.
"Alam mo ang gusto ko, Amanda. Simpleng bagay lang 'yon. Ngayon, kung gusto mo talagang makauwi ay mahalin mo 'ko at magsama tayo ulit,"
"Hindi at ayoko!" mabilis at mariing sagot nito pabalik. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Arthur.
"Magtatagal ka rito kung gano'n. Dito ka, hindi ka aalis, hindi ka uuwi!" He said angrily with finality.
"Hindi! Bitiwan mo 'ko!" Nagpumiglas muli ito.
"Saka ka lang makakalabas sa bahay na 'to kapag minahal mo na 'ko ulit! And I will make sure na bago ka pa man makalabas sa pinto na 'yan," sabay turo nito sa pintuan, "Ay akin ka na ulit. 'Yang puso mo, ikaw at ang lahat sa 'yo ay akin! I will make sure that you will fall in love again with me! Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang buwan na 'to nang hindi bumabalik ang pagmamahal mo sa akin. I will make you fall in love with me in 30 days. Kaya patawarin mo 'ko sa gagawin ko." Mahabang lintanya nito bago niya bitawan si Amanda at buhatin na parang isang sako ng bigas.
"Ano ba! Bitiwan mo 'ko! Saan mo 'ko dadalhin? This is kidnaping, Arthur! Kapag nakawala ako rito ipapakulong kita!" Sunod-sunod na saad ni Amanda habang pinagsusuntok nito ang likod ni Arthur.
"Wala akong pakielam, you're my wife! Gusto lang kitang makasama kaya ko 'to ginagawa!" sabay baba nito kay Amanda nang buksan niya ang isang pintuan. Dinala niya 'to sa isang malaking kwarto.
Magtatangka sanang lumabas si Amanda para tumakas pero agad siyang nahila sa kamay ni Arthur.
"No! Hindi ka makakatakas sa akin." Binuhat niya 'tong muli at dinala sa kama. Saka siya mabilis na nagtungo sa pintuan para i-lock 'yon.
"Ano ba, Arthur!" Bago pa man nakalapit sa kanya si Amanda ay agad na niyang isinarado ang pintuan at ni-lock 'yon.
"Dito ka lang sa kwartong 'to! Hindi ka aalis!" May diing saad ni Arthur bago niya iwan ang pintuan at bumalik na sa baba.
"Arthur! Arthur, ano ba? Pakawalan mo 'ko rito! Nakikiusap ako! H-hinihintay na 'ko ng p-pamilya ko!"
"A-Arthur!" malakas niyang sigaw.
Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Copyright ©️ 2021 MsTori
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.